Pages

Thursday, October 18, 2012

Ang Araw at ang Kape.

Isang gabing madilim, walang kailaw ilaw sa kwarto maliban sa aking cellphone na umiilaw dahil may tumatawag. Ayaw kong sagutin, puro problema lang ang hatid ng punyetang nagpapagawa ng mga tula na wala namang kabayaran. Naiinis ako sapagkat pinagsusukluban ako ng langit at lupa. Napakadilim ng isipan ko. Ayoko ni magisip ng kahit ano. Ang gusto ko lang, manahimik na ang dalawang aso't pusa na wala nang magawa kung hindi bulabugin ang gabi ko. Ano ka ba naman Gardo! Ehh ikaw naman kasi e! Bakit mo ba siya laging kasama!? Ehh kasi nga, Katrabaho ko! Kaibigan ko! Ano ba naman hon! Ayoko na! Ayoko nang marinig pa ang paliwanag mo! Doon ka matulog sa sala! Susko, Hindi ako makatulog. Hindi ko maipikit ang naghihikahos na mga matang ito. Paano ba naman kasi, ilang agabi na silang nagsisigawan, halos sa eskwela na nga ako natutulog. Ang dami dami ko nang problema. Habang umuugong ang takbo ng aircon, hindi ko mapigilang maluha, ang maluha sa mga bagay bagay na aking natatanggap na hindi naman talaga dapat sa akin ibinabato.

" Pasensiya na Mark, hindi kita kayang tanggapin sa puso. Alam kong may mas babagay pa sayo. Isang babaeng magmamahal sayo ng buong puso. Pasensiya na. " 

Halos ikumot ako ng lupa sa aking narinig. Sa buong isang taon ng panliligaw ko kay Dindin, pero nauwi sa wala ang mga ito. Hindi ako marunong magsinungaling, pero sa kaniya lang ako natuto.
Parang isang kidlat ang tumarak sa puso ko matapos mangyari ito. Hindi ko matanggap ang pagkawala niya sa buhay ko. Sa kasamaang palad, ang mga ito ay nadagdagan pa ng ilang mga problemang hindi naman nararapat sa akin. Mga problemang ako ang sumasalo para sa ikabubuti ng iba. 

" Mark! Ano ba itong group project niyo!? Ayusin niyo yan! Ayusin! "

Palagi na lamang ako. Ako na lamang lagi. Kailan ba sa buhay ko ako magiging masaya? Kailan? Bukas? Sa isang araw? Sa isang buwan? Sa isang taon? O hindi na?  

" Ayoko na! Tapos na tayo! Maghiwalay na tayo! Total naman, wala ka nang pakialam sa akin hindi ba? Sayo si Mark! Akin si Jun! "

" Hon!"

At nakarinig ako ng isang malakas na lagabong , wari ko'y bagsak ng pagsarado ng kabinet. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang dami daming pumupuno sa dibdib kong ito. Mga hinanakit, problema, pagod. May Diyos pa ba talaga? Lasa ko'y wala na! Bakit niya ako pinaparusahan? Nasira ang puso ko, nasira ang dignidad ko at nasira ang pamilya ko. Ngayon, aalis na si Ina. Dala dala si Jun, umiiyak ang mumunti kong kapatid na walang kamuwang muwang sa aking kahirapan. 
Anong gagawin ko? Tumutiktak ang tunog ng orasan, binibilangan ang mga oras ko sa mundong ibabaw. Nasaan ba ang kasiyahan sa mundo? Bakit ginawa ang mundo kung puro hinanakit lamang ang pumupuno dito. Bakit hindi na lamang ako kumuha ng panggilit sa buhay kong ito na wala namang saysay sa mundo? Wala akong kwentang tao, walang saysay ang pamumuhay ko rito. Napakabait kong tao. Kilala ko ang sarili ko. Ngunit ang malinis na canvas ay nabahiran ng kung ano anong kapangitan. Magbibigti ba ako? Gigilitan ang sarili? Tatalon sa bangin? Magpapasagasa? O ito kayang gamot na nasa tabi ko? Damihan ko na lamang ang inom? Hesuskopo, kung totoo ka man, kung ikaw ngayon ay nanonood ng aking kahirapan, magparamdam ka. Yakapin mo akong iyong kapatid na umiiyak at naghihikahos. Painitan mo ang aking malamig na katawan na naninigas mula sa halumigmig ng malupit na buhay. Paliwanagan mo ang aking isip sa katotohanan bago ko bahiran ng pulang pintura ang canvas ng buhay ko at tuluyang sirain ito. Tiktak,Tiktak,Tiktak,Tiktak, TING.
Mga ilang sandali pa, hindi ko naituloy ang aking binabalak, sapagkat may humawak sa aking mga kamay na nanginginig pa. Isang mainit, Na nanunuot sa aking mga balat.  Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang init ng pagmamahal at pagtanggap niya. Nakita ko rin ang liwanag patungo sa katotohanan. Nang siya'y lumabas, narinig ko ang kaniyang mga tinig na nagsasabing, " Totoo siya, maniwala ka. Tinawag niya nga ako dito upang pigilan ka. Tama na. Harapin mo ang bukas. Narito ako upang alalalayan ka sa paghigop mo sa kapeng mainit na mainit, ngunit masarap kung titikman at papahalagahan. Hindi mo malalasahan ang buhay kung hindi ka makakaranas ng init ng lupit nito. "

No comments:

Post a Comment