Sa buhay ng tao, lalo pa't sa henerasyong ito, nagiging necessity na ang maagang pagkakaroon ng boyfriend. Yung iba, freshmen, Mag aaniv na ng boylet. Pota, Daig pako. Yung iba, sophomore ng highschool, talagang iyakan sessions sila sa isang sulok ng classroom kasama ng mga tropang nakikiyak din. Sa breakup, madals naririnig ang mga salitang, " Gaganti tayo friend, " o kaya naman ee, " Ampotang ***** yan! Susugudin ko yan pamaya. " Kahit na hindi naman magka school. Ang laki laki ng epekto ng pagibig para sa kabataan. Alam mo yung tipong, nagkatabi lang sa stage ang paboritong love team, ay grabe, basag ang mga salamin ng mall sa lakas ng tili at sigaw. Masarap umibig, pero masakit ang iniwan ng iniibig. Walang nagmamahal ng hindi nasasaktan. Simple lang ang mga katagang yan, pero, handa ba nating harapin ito? Sa tingin ko? HINDI. Bakit? Biro mo naman, Ang isang Freshmen, Umiiyak! Anong hinaing? " May kasama siyang girlalu sa may corridor! Magkasamang naglalakad! " Sabay hagulhol na mala movie actress. See. Isang patunay lamang talaga na malaking malaki ang naging kontribusyon ng pagibig para sa pagkatao ng isang nilalang na nasanay nang minamahal. Kung ako'y inyong tatanungin, "What is Love?" Love? Love is all about Trust. Ang buong pagmamahal ay umiikot sa salitang "trust" o tiwala sa isa't isa. Paano ka magmamahal kung hinid ka magtitiwala. Kung kaya mong ipagtiwala ang puso mo sa isang lalaki, isipin mo, nagtitiwala ba siyang ibigay ang puso niya sayo? May mga oras na, HINDI. Ito ang gusto kong pagusapan natin sa post na to. Babae, laban sa Lalaki. Ayon sa ilang mga studyanteng nakaranas na ng breakup, ang madalas daw nakikipagbreak ay....Lalaki. So ibigsabihin nito, talagang napakasama nang imahe ng mga lalaki ngayong henerasyong ito. Biro mo, Sa mga telenovelas, sino ang madalas rapist, magnanakaw,holdaper, at kontrabida? Mga Lalaki. Sa school? Sino ang mas makukulit? Lalaki? Babae? Syempre kaming mga lalaki . Kapag sa isang magasawa, kapag ang mga babae ang nanlalaki, " Nako po, susmaryosep, " Pero kapag mga lalaki ang nambabae, " Hay nako, Ano pa bang bago?" See? Napakalaki ng epekto ng sinasabing nating PAGIBIG at antas ng pamumuhay para sa aming mga lalaki. Ang aming moralidad, ay unti unting nababawasan at palaki ng palaki ang posibilidad katakutan kami ng mga batang nararapat na isilang pa sa mundong ito. Kaya naman, bawat break-up, LAHAT NG SISI AY SA LALAKI! Minsan nga, DAMAY PA KAMING LAHAT! Kunwari, " Huhuhu, Ang mga lalaki talaga. Walang ng dulot na maganda sa mundo." See, Lahat na ee. Pero kung iisipin mo, sa lalaki ba talaga lahat ng sisi? Hindi. Oo. May mga oras na sa mga lalaki ang dapat ibunton ng sisi, pero... hindi sa lahat ng oras. Paano na lamang kung may problema ang boyfriend mo, tapos dinalihan mo ng pagtatalak. Paano na? Hindi mo masasabi kung mabigat o magaan lang ang problema kung ang mga lalaki, ay mga mapride tulad ko na handang sarilihin ang problema. Alam niyo ba kung bakit kami ma-pride? Ayaw lang namin ng may nadadamay sa mga problema namin. Ayaw namin ng may masasaktan dahil sa mga problema namin. Ang bawat lalaki, may mga soft side. Hindi lahat brusko. Kahit na anong macho nyan, iiyak at iiyak parin yan. Sa anong dahilan? Maaring sa pamilya, sa babae, sa kaibigan, marami! Lahat kami, may soft side. Yung romansa na ipinapakita sa inyo ng mga boyfriend niyo, yun na yung soft side. Pero kung bigla ka nalang niyang hinatak papasok sa kwarto, ay, iba na yan teh. Iba't iba kami. Ang bawat lalaki at babae ay iba iba. Kaya naman, wag mong sasabihin kapag nagbreak up kayo, " Pare pareho talaga yang mga lalaki, " No. Kung nakipagbreak siya, MAY DAHILAN. Maaaring nasasaktan siya, may problema, may hinaing, at iba pang mga kadramahan na kayang panatilihin ng mga lalaki sa kanlang mga pusong nababalutan ng barbed wire. Ang mga lalaki, parang mga baso yan. May iba't ibang klase ng baso. May classy, pang fiesta, plastic, pero iisa lang ang dahilan kung bakit sila nabuhay sa mundo, ang paglagyan ng tubig,juice,shake o ano pa man.At yun din ay ang pasayahin ang babaeng nakatakdang mahalin nila. Kaya pasensiya ka kung hindi ikaw yun! Minsan talaga, ang tadhana na ang gumagawa ng galaw. Kung may lalaki kang gusto, at ayaw naman sayo, huwag ipilit. Dahil ang bagay na ipinipilit, masakit. Maaaring karamihan ng mga relasyon ay nasisira dahil sa labis na pride ng mga lalaki, pero tandaan niyo. Sa isang relasyon, hindi lamang iisa ang nagkakamali. Kahit kabutil pa ng pagkakamali ang nagawa mo, simple things can make make small things to be big things. On behalf of all man na nakipagbreak sa kanilang mga karelasyon, ako ay humihingi ng tawad sa mga babaeng lumuha at nagdalamhati sa namatayan nilang pagibig. Ako'y humihingi ng tawad sapagkat kami'y iba't iba ngunit ako'y nakikiusap, pakitandaan lang po lamang na Hindi kami ang buong mundo.
No comments:
Post a Comment