Paano na sila?

Napakasarap ng may bata sa paligid. Lalong lalo na yung mga cute at mga batang munti na walang ginawa kundi maglaro, maglikot at maglambing. Marahil ang iba sa inyo ay takot sa bata, naiinis sa bata o gustong gusto ang bata. Nakakatawa pero ako, ayoko sa batang sobrang likot at maurirat, pero hind maiiwasan yun eh. Kahit saang anggulo tignan, bata yan, wala pang bait. Saan mang anggulo tignan, sila ang nagbabalanse ng mundong ibabaw. Tingnan niyo, kung walang bata, walang magaalaga sa mga matatanda at magtatrabaho para sa kanila na magiging isa namang dhailan para bumagsak ang ekonomiya ng bansa. At eventually, mawawala sa tamang sirkulasyon ang gobyerno,simbahan at ang sosyalidad ng bansa. One time, nakasakay ako sa isang multicab, ang buong pamilya ay nasa unahan ng sasakyan. Ang driver ang ama, ang ina nama'y katabi niya kasama ang batang anak. Mukhang isang taong gulang o wala pang isa. Ang nasa likod ng passenger seat sa unahan ay isang babaeng nakayellow na polo shirt. Sa mukha pa lamang, kita ko na parang malunkot ang babaeng ito. Kaya namang nagtext ito, inilabas ang kanyang B.B Bold, "(Wow, Alam talaga. ) at saka nagtext. Nang niyakap ng ina ang bata, napabaling ang bata sa cellphone ng babae. Syempre, bata, nabano sa cellphone at saka nilikot ang cp, dinutdot, pinindot. Ussually, ang approach ko pag ganun, ilalayo ko ang cp ko, peo siya, hindi. Nakatingin lang siya. At sa kaniyang mga mata, nilalaro niya ang bata. Nakangiti, naibsan sa mga problemang kanyang hinaharap. Tingnan niyo kung paano naging isang malaking bagay ang isang mumunting bata. Napakalaki ng idinudulot nito sa mundo. Hindi sila kahihiyan. Hindi sila ang magiging dahilan kung bakit masisira ang future niyo. Kung magkaanak ka ng wala sa oras, hindi nawala ang future mo, ibangdaan lang ang tinahak mo, sa isangdaang walang kasiguraduhan. Mapa-18 ka nagkaanak, 14,13,12 o kung kailan ka mang lumandi, ang mga bata ay regalo ng Diyos. Regalo sila ng Diyos na hindi nararapat makatanggap ng pagmamalupit mula sa mundong kinabilangan nila. Paano na na tayo kung wala sila? Paano sila kung wala tayo? Bawat tao, bawat estado, may dahilan kung bakit ipinanganak sa mundo. Kaya naman, mga kaibigan, please lang, stop abortion. Ang maimumungkahi ko lamang sa mga taong nagmadali sa buhay, tanggapin niyo ang bata, sapagkat regalo yan! Hindi yan para maging sagabal sa yo at sa buhay mo. Kung magkaanak ka man ng 10 o 15, basta nabubuhay kayo bilang pamilya at masaya kayo bilang pamilya, hindi yan sagabal! Kung hindi ka man nakapagaral dahil sa bata, buhay ka pa teh! May hininga ka pa! Pwede ka pang magaral ulit at maabot ang mga pangarap mo kasama ang pamilya mo. Namuhay na sila sa kadiliman, namuhay na sila sa katahimikan, nakabaluktot,nakakubli. Ipagkakait mo pa ba sa kaniya ang liwanag na ibinibigay ng mundo?

No comments:

Post a Comment