Top 10 Events for 2012

Hello people of the internet! Happy New Year! First of all, nais ko munang bumati sa inyo ng masigabong bagong taon. Nawa'y ang ang Ahas ng Tubig ay buhusan tayo ng swerte sa taong ating sasalubungin. Ngayon! Dahil New Year na, lilisanin na natin ang 2012 at maglalakad na tayo holding hands with 2013. Sa taong iiwnan natin, may mga pangyayari talagang hinding hindi natin makakalimutan o kaya nama'y tatak sa ating mga isipan, sa trending board ng twitter, sa mga chismisan sa kanto, mga usapan sa inuman at iba pa. Sa aking pagreresearch at pagbabalik tanaw, ito ang mga maituturing kong TOP 10 EVENTS na talagang nagpayanig sa kamalayan ng mga Pilipino. 

TOP 10
LADY GAGA CONCERT 
                     Kung naaalala niyo pa, lalo na sa mga little monsters diyan, bago pa man dumating sa Lady Gaga dito sa Pilipinas,kinukutya na siya ng intriga ng mga catholic organizations. Ayon kasi sa mga Catholic Orgs, Napaka imoral daw ng mga kantang ipnapahayag ni Lady Gaga. Naintriga din ang kantang "Judas" niya. Ano ba namang nagawa ng mga Catholic Org sa pagpigil ng concert? Wala. Natuloy parin ang inaasam asam ng mg Filipino Little Monsters. Actually, noong concert niya, todo effort ang mga fans sa pagbibihis Lady Gaga. Hindi naman kasi Big Deal itong sa Lady Gaga for me. Kase, kung iisipin, nasa tao lang naman lagi kung maniniwala siya sa mga sinasabi ni Lady Gaga. At si Lady Gaga is there para maiexpress niya ang sarili niya. I'm not a fan of Lady Gaga but for me, expressing oneself is necessary sa mundong ito.

TOP 9
Katerina and Daniel Wedding ( "Walang Hanggan" Ending)
bidakapamilya.blogspot.com
                    Nakakatawa man pero OO. Top 9 ang kasalang Daniel at Katerina. As in, Noong umaga matapos ang episode ng kasalan nila, pinaguusapan padin sila sa Net, sa Twitter at pati narin sa mga kapitbahay namin dito. Napaka-Phenomenal ng Episode na iyon sapagkat simula't sapol na iere ito sa telebisyon, sinubaybayan na ito ng mga manunood. Baka nga ang mga solid kapuso ay panandalian munang hindi nanood ng mga teleserye nila sa GMA at sumaglit muna sa ABS. Ayon sa survey, Nang gabing i-ere ang episode ng kasal nila, 43.5%? I think ang nanood sa buong Pilipinas. Hanggang ending yun,take note. Naging isang factor din dito ang pagiging love team nina Dawn Zulueta at Richard Gomez na nakabatak ng ilang mga manonood na kinilala talaga sila as LOVE TEAM. 

TOP 8
BAGYONG PABLO
                     Nakakalunkot man, pero ang ilang mga lungsod sa Mindanao noong mga oras na iyon ay hindi nakapagpasko. Sa aking pagsasaliksik, mahigit 1000 ang nasawi dahil sa lecheng bagyong ito. At ang bagyong ito ang nagTOP sa ranking ng "Costliest Philippine Typhoons" na nagkakahalagang 36.9 billion of mahigit 900 USD. Sa ating paglisan sa 2012, alalahanin natin ang mga taong nagsakripisyo at mga nasawi at atin muna silang ipagdasal na nawa'y sa paglisan ng taon, makasama na agad nila ang Poong Maykapal sa langit.


TOP 7
CLAUDINE BARETTO VS. MON TULFO
Kung sino man ang gumawa nito, Da best ka!
                   Usap-usapan sa mga Social networking Sites ang pangyayaring ito. Sa Airport nangyari ang nakakagulat na pangyayaring ito. Sa panig ni Mon Tulfo, wala siyang kasalanan. Sa panig ni Claudine Baretto, protection purposes. Ay lintek, hindi ko alam kung ano nang nangyari dito sa kaso nitong dalawa. Ang natatandaan ko lamang, pinagkaguluhan ng mga parodies sa youtube at iba pa ang kanilang viral video.Kung magkaaway pa man sila ngayon, mag bati na sila bago pa man magkaputukan sa airport. 




TOP 6
Miss Amalayer
                            Bet ko, You will never forget this gal. Swear. As in this, girl, namely Paula Salvosa, made a name among the netizens. Noong narelease ang viral video nito, katulad ng video nina Claudine Vs. Mon, Maraming nagsulputang mga parodies na talaga namang nakakatawa, pero the video itself, I'm not satisfied by the idea that SHE is an educated person. Hindi ko maabsorb.




TOP  5 
RH Bill
Credits.
                       Maraming movement na ang ginawa ng Simbahan sa pagkontra sa Repro. Health Bill. Napakalaki ng mga effort ng simbahan. Nagrally, Pray Over, Nakipag debate sa Pamahalaan, Ipinakalat ang Good News Atbp. Pero ang Pamahalaan, Relx lang. Kung sa Simbahan ay ang samutsaring mga Pray Over atbp, ang nakita ko lamang sa PRO RH BILL ay iisang logo lamang. Samantalang sa ProLIFE, geez, Super dami. Kaya naman sa pagpapatupad nito, hindi parin tumitigil ang Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita na mahalaga ang mag buhay kaysa contraception. Agree naman ako. It's okay to have many kids in the family, actually , that makes a family a happy one. So, bakit kailangan kontrahin? Dahil over-populated ang Pilipinas? ASA! Hindi O.P ang Pilipinas! Kaya lamang MUKHANG O.P ang Pilipins ay dahil nagkukumpulan ang mga tao sa Syudad. Napakalawak ng Pilipinas. Kung huhubugin lamang nila ang espasyong iyon, masasabi kong, IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES.

TOP 4
Miss Universe 2012
                             Matapos ang pagka 1st Runner Up ni Janine Tugonon, Naging delikado para sa mga magpapaRebond ang sitwasyon. Bakit? Kasi naman! Lahat ng mga beki sa mga salon, Maiinit ang Ulo! Sabi nila, Luto raw ang laban, o kaya nama'y Mas deserving si Ms.Janine Tugonon. Nakakapanlumo naman talaga. Ang ganda ganda ng sagot ni Ms. Tugonon. Very inspiring. Pero yung ke Ms.USA, hindi ko nga nagets. Ang gulo. Nakakapagtaka nga naman diba. I can't find any flaws dun sa sagot niya. Pwera nalang dun sa pagtigil niya dahil nagsigawan ang mga tao. Kung ganoon lamang dahilan, napakababaw nila. Pero, let's move on. 1st Runner Up isn't bad. Maging masaya nalang tayo at again, nakakuha ulit ang Pilipinas ng pwesto sa Miss.Universe. Next time. Tsunami? Cobra? Hindi natin alam kung sino ang susunod.

TOP 3
Pacman vs. Marquez 4
                             I'm sure na hanggang ngayon, nadiyan parin sa mga isipan niyo ang pagkatalo ni People's Champ,Manny Pacquiao. Sa loob ng ilang taon, naramdaman ulit natin ang pagkatalo mula sa Mexicans. That's life, we have no choice but to accept it. We do, however have a choice to learn from it,or make the most out it. Linya yan sa piece na nirecite namin. Ang buhay, hind palaging masaya. And, I felt it nga naman sa pamilya Pacquiao. Si Mommy D, humagulhol. Si Jinky, umiyak pa sa isang interview. And I know, Manny Pacman feels the same. Hindi lang niya ipinapakita kasi nga, It's Sport. Being an athlete must have an attitude of being an athlete.SPORT. Pero, di rin naman siya lugi nun, nawala lang yung GLORY. Nasa kaniya parin ang GOLD pero hindi ko maintindihan kung nasaloob pa niya ang GOD.Naging usap usapan din ang hindi daw niya pagdadala ng Rosaryo, o kaya'y mag sisign of the Cross. At meron pa nga daw nagsasabing nagpaBorn Again daw siya. The truth lies withing Manny itself. Pero nangyari na, we can't go back to the past. Atin nalang tanggapin dahil kahit papaano, si Manny parin ang ating People's Champ.


TOP 2
Apocalypse 2012
                                  It's the end of the WORLD! Hindi daw. Postponed dahil may MMFF pa daw at manonood pa sila ng Enteng,Sisterakas o One more Try. Nandahil sa movie na "2012" , naging spekulasyon ang date na 12/21/12. Ito raw ang date kung san mangyayari ang End of the World. God will redeem us! Sigaw ng mga tao sa mga kalsada sa ibang bansa. Dito naman sa Pilipinas, Mamamasko po! Agang aga, wala pang pasko, namamasko na. Isa lang naman ang punto dito, Kaya tayo binibigyang babala, dahil masyado na tayong napapalayo sa Diyos. Tingnan niyo, hindi ba, noong araw ng 21.12, nagdasal ang iba sa atin dahil natatakot sila or nagrereassure lang. Ganun yung punto. 12.21.12 will not be forgotten, lalong lalo na ang movie na "2012" na naging Comedy na ang Genre.


TOP 1
                                                        Oppa Gangnam Style Fever.
                                 Isang Korean Rapper. Isang Korean Rapper na naka-Shades at Bow Tie ang yumanig sa mundo noong nirelease ang kantang "Oppa Gangnam Style" noong September 2012.Iba't ibang lahi na ang nahumaling sa kantang hindi mo naman naiintidihan pero napapaindak ka sa tugtog. Noong una pa lamang, hindi pa naman yan sikat. As in. Pinalaganap lang ni Vice Ganda at ng iba pang gumagamit nito.Kaya naman sa sobrang sikat nito, marami nang gumawa ng mg Choreos,Parodies,Covers,Metal Covers, Acoustic at iba pa. Talagang talbog nito ang Teach me How to Dougie. Kaya nga, tuwing nakakarinig ako ng Teach me Howto Douigie na pinapatugtog? Parang kasing luma na nito ang kantang Pusong Bato dahil nga talagang talbog na talbog ng kasikatan ng OppaGStyle. Sa lahat ng Christas Party! At iba pang Party! Hindi mawawalan ng OppaGStyle. Lahat na! Lahat. Kaya naman, si Psy. Hinding hindi rin siya malilimutan. Si Psy na kamukha ni Jugs. Malaki ang naiambag ng musika sa Pilipinas. Kaya naman kapag may sumikat, ay talaga naman, maghapong naka "Repeat" ang mga MP3 Players niyo sa kantang yan. Talagang sa taong 2012, Oppa Gangnam Style reigns na hindi natin malilimutan sa pagtatapos ng taon.






                                Yan! Ang Top 10 Events na sure na sure akong tumatak sa atin noong 2012. (Dahil 2013 na) Maraming mga pangyayari ang humubog sa atin noong 2012. Maraming mga pangyayari ang naiukit na sa ating mga isipan. At dahil dito, hindi naman masamang balikbalikan ito. Kaya naman sa paglayas ng 2012. Let's start a new beginning ika nga. At sa 2013. Abangan natin. Sino naman kaya ang magiiskandalo? Sino naman kaya ang mananalo? Sino naman kaya ang dadagdag sa Tsunami at Cobra Walk? Sino naman kayang artist ang sisikat at yayanig sa mundo? at ano naman kayang Teleserye ang magiging Phenomenal sa pagtatapos nito. Maligayang Bagong Taon sa inyo!

No comments:

Post a Comment