
So eto, Career Week Celebration para sa amin lahat. Sa totoo niyan, bukas, pupunta ang iba't ibang schools sa Canossa Academy Lipa City para iinvite kami sa kanilang schools. Nagsusulputan na naman ang mga tanong na " Saan ka papasok?" "Anong course mo?" "May pogi ba dun?" "Ala! Eh di magkalaban ang schools natin!?" Kahit na Junior palang kami, ang iba, may napili na talaga, ako, wala pa. Hindi ko kasi alam ang gusto ko! Marami akong pangarap. Pangarap kong magDirect ng ilang Films. Kahit SHORT FILMS lang na ipopost sa Youtube! Sapat na. Pangarap ko rin maging writer ng kahit ilang nobela o koleksyon ng akda lamang. Pangarap kong magdevelop ng games. Pangarap kong maging Music Director. Pangarap kong maging succesfull. Napaisip isip nga ako kanina. Kasi pagkatapos ng program kung saan, sumayaw at nagperform ang prep,kinder, at magpakilala ng mga Gr.1,2,3, ee nagkaroon ng talk about our future careers. Ang haba nga, inabot kami ng Recess, in fact, Lunch na. mula umaga.Napaisip ako, ano nga bang tatahakin kong buhay pagkatapos ko dito sa school na ito? Lahat ng mga bagay na dapat kong isipin ay hindi ko maisip isip kasi nga inaalala ko yung magiging course ko sa College. Badtrip. Isang course lang kasi ang pwede, di ko kayang maramihan. So ang ginawa ko, habang nagpapakilala ang mga Gr. 1,2,3 at sinasabi at ipinapaalam sa amin ang kanilang ninanasang trabaho, duon ako naghanap ng ilang clues kung ano ang maaring gawin ko in the future. May nag Bumbero. Hindi ko kaya yun. May nag Cook. Tataba at Mauubos ko lang ang pagkain. May nag Sundalo. Sorry, Hindi ako pwedeng mamatay agad. May nag Nurse. Naah, Di ako pwede diyan. Engineer? Pwede. Pilot? Ayoko. Baka sumakay ang isa sa mga imprtanteng tao sa Pilipinas at maibagsak ko pa. Rockstar? Di bagay. Photographer? Pwede. Vet? Baka Biogesic ang mabigay ko sa Aso. Doctor? Takot ako sa may mga sakit. Wala na ee. Wala na. Sa oras na iyon, Dumating ang isang nagbabalak magParing bata. Umiling parin ako at sinabing, " Hindi ko kayang i commit ang sarili ko sa Dyos ng buong buo. Madidisappoint ko lang siya. " Ayun. As in hanggang ngayon, Wala parin akong plano sa future ko. Ang gusto ko lang kasi, maging masaya ang buhay ko.
No comments:
Post a Comment