BER Months na!

BER Months na naman. Magpapasko na naman. Magsusulputan na ang kumikislap na mga ilaw sa kalsada, ang mga ilaw sa City Hall ni mayor, ang mga bahay na nagpapatugtog na ng mga Christmas songs kahit na September pa lamang. Ang mga Pilipino nga naman. Excited lagi. Minsan, Disperas pa lang ng birthday, may regalo na sa sarili!Talagang hindi makapagintay. May mga taong pati pagibig, pinagmamadali. Wag kasing excited! Isipin niyo ang oras, isipin niyo na ang oras ay parang magnanakaw. Kapag hinihintay mo, matagal, kapag bumaling ka ng tingin sa iba, maya maya, dadating na yan ng napakabilis. Hindi mo na mamamalayan. Kailan nga ba naging patient ang mga Pilipino? Baka tuwing naoospital lang. Sa pagpasa ng mga batas, pinagmamadali. Sa paseserve ng pagkain, pinagmamadali. Sa paggawa ng mga gawain, minamadali. Nako naman. Isa lang ang masasabi ko rito. LOL. Hindi naman talaga GOLD ang time. Minsan nga, binabaliwala niyo pa ang oras e. So, hindi siya GOLD, parang tanzan lang siya. Nasasaiyo na kung pahahalagahan mo ang isang napakasimple at napakaliit na bagay. Kailangan mong maghintay ng tamang panahon para biyayaan ka. Maghintay kang bigyan ng kapalit para sa oras na inipon at pinahalagahan mo. Malay mo, kapag pinahalagahan mo ang oras mo, baka maipalit mo ang mga pagsisikap at paghihirap mo sa isang makabuluhang bagay na ikaisiya ng buhay mo.

No comments:

Post a Comment