
Mahirap pigilan ang pagiyak.Alam niyo yan. Talagang kapag pinigilan mo, mararamdaman mo ang bawat hibik na nagpupumilit na lumabas sa iyong katawan. Mararamdaman mo ang luha na nakikipaglaban sa iyong will na huwag umiyak. Lahat naman tayo, may kakayahang lumuha, pero ang iba, may problema sa kanilang " Crying Glande" kung saan talagang mahirap lumuha. Kahit na ang bigat bigat na ng pakiramdam mo. Talagang mahirap. Ang mga hayop rin daw ay may kakayahan din umiyak. Ang ating mga luha ay may tatlong klase. Mayroon tayong tinatawag na Basal Tears. Kung saan nalulubricate constantly ang mga mata natin. Syempre. Hindi naman yan pwedeng tuyo. Pangalawa., Ang Reflex Tears. Yan na, nasa salita na ang paliwanag. From the word itself, "Reflex" , ibigsabihin ay biglaang pag respond. Ito daw ay kapag tayo'y naghihiwa ng sibuyas o naiirita (ang mata). At ang pangatlo, hindi sinabi ang pangalan, ngunit ito na daw yung luha na may emosyon. Ito na yung kinaiinisan nating lahat na lumabas. Lumabas na lahat, wag lang luha. Minsan nga, sa sobrang hiya nating huwag makita ang ating mga pugtong mata, halos sumubsob na sa lupa ang tingin sapagkat ayaw ipakita ang kahinaan. Maraming nagsasabi na kapag daw iniyakan ng mga lalaki ang babae, mahal nila ito. Sabi naman ng iba, Bakla daw o mahina ang loob. Kapag naman daw ang babae , umiyak, huwag ka nang magduda. Masanay ka na. Pansin ko nga. Kapag nakakakita ako ng babaeng naiyak, sanay na ako. xD Pero siyempre, nakakaawa din naman, kung alam mong totoo yung luha. Meron naman kasing drama drama lang! Yung bang ala dramatic actress na iniwan ng boylalu sa teleserye? Kaya minsan, kapag may kaibigan akong umiiyak, tinatanong ko muna, Reasonable ba yang dahilan ng pagiyak mo? Baka kasi, console ako ng console, wala naman palang kwenta ang ikinakaiyak. Nawala lang pala yung hair clip na bigay ng boylalu.
Sa ating pagluha, hindi natin maikakalilang tayo'y hindi nasasaktan sapagkat ang luha natin ay binubuo ng isang porsyento ng tubig at nobenta- labingsiyam at labing- basta 99% ng feelings. Ang ating utak ay napupuno ng iba't ibang kadramahan sa buhay sa tuwing tayo'y iiyak. Nawawala ang capacity nitong magisip uli ng stable at pakalamahin ang agos ng dugo sa katawan. Nakikisasaw din ang pusong dumadale ng kabog na nagiging sanhi minsan ng pagkahimatay ng biktima ng luha. Minsan, ang aftermath pa , hindi ka makakapagisip ng ayos matapos mong ilabas ang mga luhang sa tingin ko'y katas na bumabasa sa utak. Kailan lang ba tayo pwedeng umiyak? Kailan lang natin kailangang palayain ang mga hibik sa loob natin? Kailan lang nating pwedeng maramdaman ang LAG sa utak natin? Ito'y sa tuwing tayo'y luluha. Maaari o maaring hindi maaari kayong umiyak, pero kung ako sa inyo, sayang ang free service ng tagalinis ng mga salamin ng sasakyan sa mga gasolinahan. Hayaan niyo na ang luha ang maglinis sa mga matang noo'y nahihirapan na sa mga nakikita. Hayaan niyo ito mabasa at magpakasasa sa luhang matagal nang naipon sa ating marurupok na damdamin.
No comments:
Post a Comment