Ma? Maari ba? (MK)


Isang gabing malamig. Nangangatal ang mga ngipin hindi dahil sa nagyeyelong hanging humahampas sa kanyang mukha ngunit sa galit na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Walang kibo. Walang imik. Ni-pagtawag ng kalikasa'y di niya marinig. Ang tanging naririnig niya'y ang boses ng kanyang Inang humihiyaw mula sa kalayuan. Humihiyaw sa kanyang pagbabalik.

"ANAK! BUMALIK KA NG MGA ALAS OTSO HA? MAGIINGAT KA!"

Hindi niya pinakinggan ang kanyang ina. Dali dali siyang naglakad papunta sa sasakyan ng kaniyang mga kaibigan. Dalidali siyang sumakay at hinayaan ang nagmamanehong humarurot ng napakibilis na animo'y leyong may hinahabol na hayop navkaniyang lalamunin.

"Ano ba yan! Hanggang alas Otso ka lang? Ano ka? Bata?! " sabay halakhak ng isang kaibigang mukhang lasing na.

Humalakhak rin ang iba niyang mga kasamahan sa loob ng humaharurot na sasakyan. Walang kibo, Hinayaan niyang humampas ang hangin sa kaniyang mukha. Kalong kalong ang bag na may handang panghapunan niya kung sakaling magutom siya sa daan.

"Kakain naman tayo sa pupuntahan natin aah? Bakit may dala ka pang pagkain? Mamas Boy ka pala! " humalakhak muli ang isang lalakeng hawak hawak ang bewang ng kaniyang kasintahang umuusok ang bibig.

Muli, Nanahimik siya. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi nila pero sa kalooblooban niya,nakakaramdam siya ng INIS, hindi sa kaniyang mga kaibigan ngunit sa kaniyang INA. Ang Inang lagi nalang siyang pinagsasabihan, pinagbibilinan

  Ang inang ikinakahiya niya simulat sapol ng siyay napahiya nang sinubukan ng kaniyang inang lagyan ng bimpo ang likod niya habang sumasayaw sa entablado. Pinagtawanan siya ng mga batang nanonood sa kaniya. Humihiyaw ang ibang mga ka-edad niya ng kung ano anong lait tunkol sa kaniya. Ni siya daw ay garne, ganto. Napaiyak nalang siyat tumakbo sa tricycle nila sabay sigaw,

"UMUWI NA TAYO! "

Tumunog ang malakas na ingay ng musiko sa loob ng sasakyan. Nagkaroon ng kaunting sayawan sa loob ng sasakyan sapagkat anf bubong nitoy nakikita ang kalangitang punong puno ng mga bituwin. Tumayo ang lahat maliban sa kaniya. Bilang isang batang lumaki sa loob ng isang tahanan, wala siyang kalayaang lumabas ng dis oras o maglaro ng tagutaguan sa sementeryong malapit sa kanila. Isa lang siyang batang walang kamalay malay sa mundong hindi niya kinalakihan. Nagkaroon ng sayawan hanggang dumating sila sa kanilang paroroonan.

"Pare, May sorpresa kami sayo. Halika. Sumama ka samin sa loob. Mabibighani ka sa makikita mo. Saglit lamang ang pagtataklob ng iyong mata. Sandali lang to. Humanda ka na."

Nagkaroon ng kadiliman sa kaniyang paningin. Nararamdaman lang niya ang kaba sa kaniyang puso na nagresulta sa pananabik nito. Tumuloy na sila sa isang pansamantalang tahanan na.punong puno ng ilaw. Mga kabigha-bighaning pagkaayos ng lugar ng pagtanggap. Inalalayan siya paakyat ng hagdan. At sa wakas, nakaratin sila sa isang hindi kilalang amoy ng isang kwarto.

"Relaks ka lang 'tol Eto na siya"

Sa isang saglit, nakaramdam siya ng haplos. Isang haplos na nagmumula sa isang malambot at malamig na kamay. Tila nagpapahiwatig ng isang babaeng nangaakit. Naramdaman niyang umikot ito sa kaniyang paligid habang sumisigaw ang kaniyang mga kaibigan.

"WOO!! WIWIIIIT! "

Hindi na siya nagalinlangan. Inalis niya ang telang bumabalot sa kaniyang nga mata at sinubukang kumurap kurap. Iginalaw niya ang kaniyang mga bisig na para bang nangalay ito bigla. Napatungo nalang siya sa janiyang nakita. Tila gulat na gulat sa janiyang nakita. Isang babae na namang may usok sa bibig at may hawak na dalawang malaking pakete ng puting pulbos.

" Total naman, Nakatapos ka na, Maghahanap ka ng trabaho. Huwag ka nang magpakahirap pa. Eto na ang BIG BREYK mo. Ang gagawin mo lang ay dalhin ito sa ibang bansa. Napaka simple hindi ba? Kami ng bahal sa pamasahe mo papunta at pabalik. Huwag ka naring magpaalam sa iyong ina. Hindi ka naman mahal niya diba? "

Ilang segundo ang lumipas ng pagiisip,paghinga at pagtakbo ngunit hindi na siya nakapalag. Naigapos na siya. Nakatali ang kaniyang mga kamay habang ang malulupit na kamao ng kaniyang mga kaibigan ay lumapat sa kaniyang kaawa awang muka. Umiiyak, Nagdadalamhati sa kaniyang ginawang kasalanan. Naalala niya ang nga sandaling nagrebelde siya sa kaniyang ina, naglayas ngunit bumalik, pinalo at umiyak, napahiya sa gitna ng madla.

Naalala niya ang mga sinabi nito,
" Hindi kita pinaparusahan, Mahal kita"


 Pagod na pagod na siya. Nararamdaman na niya ang kabog ng kaniyang dibdib mula sa mabigat na hingalo. Hilonghilona siya. Sa sobrang hina, hindi na niya naramdaman ang pasakit sa kaniya. Bumalagta nalang siya at bunagsak ang ulo niya sa malambot at malamig na unan at nakakita ng isang liwanag na nagsasabing,

"Wag kang susuko anak, May pagasa pa."

Noong gabing iyon, Dalawang kaluluwa ang naglakbay patungo sa pariroonan. Dalawang tao ang nagsipag lipad,ngunit iisa ang naiwan. Nahulog sakamang pagasa at napabulong ng may luha,

"Ma, Maari ba kitang mayakap? Namimiss na kita. "




No comments:

Post a Comment