In Control
Walang taong ipinanganak na ang buong puso ay punong puno ng kabaitan at walang kasamaan ni katiting. Wala.Walang perpektong tao na kapag lalapitan mo pa lang, sasabihan ka agad ng, " Ah! Uutang ka? Sigi, Kuhanin mo na lahat ng pera ko sa banko, God Bless You! Ingat ka! " Waley. Eto sasabihin ko sa inyo, kung maikli ang pasensiya niyo, mainitin ang ulo, gastador, lust thinker , matakaw at basagulero, walang gamot diyan sa sakit na mga iyan. Iyan na ang ating pagkatao, ganyan tayo lumaki. Kung ang halaman ay hindi mo dinidiligan, malamang, lalaki yang lanta at eventually, mamamatay. Ito na tayo. Kung ano ka, iyon ka. Wag mong ibahin ang sarili mo sa iba. Mali ang mga pagkakasabi ng mga girlfriend na kapag ang boypren ay tumigil sa pambubog o pagiging basagulero, ay NAGBAGO NA ITO PARA SA KANILA. MALI. Nakapaglaro ka na ba ng TEKKEN? Yung Video Game na halos lahat ng characters ay parepareho ng lakas? Hindi ba may mga nakikita kang hardcore talaga maglaro at kung manalo'y 10 wins per minute? Parang buhay din iyon, Parepareho tayo ngunit ibaiba. Anong ibig kong sabihin? Magkakaiba tayo. May sarisariling buhay, pagkatao at paniniwala ngunit pareparehong may buto, may balat at may kaluluwa. Kung naniniwala ka sa mga hula, pwes ako hindi at ang iba ay hindi rin. Ano madalas ang sinasabi ng iba tunkol dito? Ng mga taong kontra dito? Isa lang, tayo ang may hawak ng ating kapalaran. Tayo ang may kontrol ng ating buhay. Tayo ang magsasabi kung makikipagaway tayo o hindi. Tayo ang pintor sa canvas ng buhay natin. At kung ikaw ay basagulero, gastador at iba pang mga nabanggit, isa lang ang maipapayo sa iyo ng doctor, KONTROL. Eto, Isa pa, Tayong mga katoliko, naging palaisipan natin noong mga bata pa tayo ang pagiging mababait ng mga pari. Bakit sobrang bait nila? Bakit? Maniwala kayo sa hindi, may mga sarisarili silang kasamaan. Lahat tayo, may sarisariling kasamaan NGUNIT! (Wala munang manghuhusga.) Ang mga kapatid nating Pari,Madre, Brothers at mga taong naniniwala sa Kaniya, ay gumagamit ng salitang KONTROL. Nakokontrol nila ang kasamaan sa loob nila. Walang taong pure ika nga. Sa kanila, lumalamang ang asul sa pula. May iba naman, lumalamang ang pula sa asul, at ang iba, ay nanatili sa nutral na istado ng emosyonal, ispiritwal at sikolohikal na paguugali kung saan may kakayahan tayong sagutin ang mga katanungang, " Sa Pula ba? O sa Asul?"
Labels:
Blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment