Ang Canvas ng Buhay (MK)


Nanlilimahid siya sa pawis. Walang saplot sa itaas at naka salawal sa pang ibaba. Naghihingalong umaagos ang pawis na matagal niyang pinaghirapan. Maruming marumi si Johann. Pero kahit ganoon, nararamdaman niya ang sarap ng kaniyang ginagawa. Ang tamis ng bawat kiliti. Ang paggalaw ng malilikot niyang mga kamay. Hindi niya iniisip ang oras basta ang alam niya, dalawa sila sa isang kwartong nagiinit. Si Johann na nagbibigay kulay nito, nagbibigay kulay sa isang canvas na noon ay walang kabuhay buhay.
Sa kaniyang canvas , makikita ang isang plorera na may mga bulaklak na pula. Dito, nilalagyan niya ng pinta at detalye ang kaniyang iginuhit kanina. Naghalohalo ng ilang mga pinta at nakitang mahusay ito, kaya naman ipinahid na agad agad. Inabot siya ng halos dalawang oras sa pagpipinta.

“ Natapos na’rin.” at siya’y nagpunas ng dumi sa katawan at nahiga sa kaniyang sofa. Mga ilang saglit pa, tumunog ang kaniyang telepono at sinagot ito.

“ Oh? Sige, Saan yan? Ahh, Sa may Ayala? Sige, Sige, Pupunta ako diyan, maliligo lang ako. “

Tumakbo ang mainit na tubig sa kaniyang matipunong katawan. Pababa ng pababa hanggang makarating sa paanan. Ang kaniyang matipunong katawan ay patunay na ito’y  dumaan sa ilang gawaing nagpapalaki ng katawan. Matapos maligo’y nagbihis at umalis dala dala ang kaniyang kamera sakay ng kaniyang motor na nangingintab sa kakalinis.

Sa isang kabahayan sa tabi ng highway, nakita niya si Gilbert, isa sa mga journalist ng isang broadcasting company. Nagiinterview ng ilang mga tao tunkol sa pamumuhay ng mga ito.

“ Gilbert. Anong meron dito?”
“ Ah! Johann! May gusto akong ipakilala sa’yo. “ Niyakag niya ang isang batang may lapis na nakalagay sa itaas ng tenga. 
“ Meet, Junjun. Kilalang kilala ka niya. “ Sabay ngiti ni Gilbert.
“ Talaga? Nakakatuwa naman. “ Ngumiti si Johann ngunit hindi bakas dito ang kasiyahan.
“ Kuya Johann! “ 

Niyakap ni Junjun si Johann ng may halong luha. Hindi mo mawari kung gaano kasaya ang 7 taong gulang na bata na ito sapagkat nakita ang kaniyang idolo sa personal. Matapos yakapin ay hinila ni Junjun sa Johann. “ Oh? Saan tayo pupunta?”
“May ipapakita po ako sa inyo.”
At nakarating sila sa isang bahay na malayo layo sa kinaroroonan ni Gilbert. Isang bahay na gawa sa pirapirasong plywood at kaunting yero. Nang pumasok si Johann sa loob, nakita niya ang isang matandang babaeng natutulog. Mahina na ang babaeng ito. Payat ang pangangatawan at maikli ang buhok na pinasyete sa isang barbero.
Nang makita niya ang bata, nakita niya itong naghahalikwat ng gamit sa ilalim ng kama niya. Kahit na maalikabok, nakangiti parin ang bata. Mga ilang saglit pa, lumapit si Junjun na may dalang dalawang papel na may guhit niya. Ang isang papel ay may drowing ni Johann. Natatandaan niya itong litratong ito sapagkat itinulad ng bata ang drowing niya sa isang litrato niyang nageendorse ng isang panlalaking sapatos. Sa pangalawang papel, gumuhit siya ng sarili niyang gawa. Nakita niya ang husay ng bata sa pagguhit. Nakita niya ang matandang babae na nakahiga, iginuhit ni Junjun ang babae na nakangiti at puno ng sigla. 
“ Mga gawa mo ito? “ sabi ni Junjun.
“Opo! Matagal ko na pong gusto itong ipakita sa inyo, ngunit hindi ko magawa. “

Umiyak bigla ang bata. Humihibik ng malakas ar saka bumuhos ang emosyonal na luha. “Tahan na. Ano bang problema? “ tanong ni Johann.

“ Wala po, Tirs op joy. “ Ngumiti si Junjun.

“ Maaari ga po akong makahingi ng pabor mula sa inyo?” tanong ni Junjun. 

“ Ano iyon? “ tanong ni Johann.

“ Maaari niyo ga po itong bigyang kulay? “ sabay turo sa kaniyang mga gawa. 

Hindi na nakatanggi si Johann. Naawa siya sa kalagayan ng bata at ng matandang babae. Tinanggap niya ang pabor ni Junjun at siya’y umuwi dala dala ang dalawang papel na  iginuhit ng bata. Naaawa. Nalulunkot sa sinapit ng kapalarang ng dalawang taong ito. Wala siyang magawa. Pagkauwi na pagkauwi niya, naupo siya sa kaniyang sofa at nagisip. Paano sila pag nagtagal? Squatters sila. Paano kung may magdemolish ng kanilang mga tahanan? Ang mga tanong sa utak ni Johann ay hindi mapigilang lumabas. Sa kaniyang utak, nahahabi ang mga tanong na lalong nagpaparupok ng kaniyang damdamin.  Isang matipunong lalaki, malakas at matapang ay may malambot at mapangawang puso. Ang magandang lalaking hindi nagmamataas sapagkat meron siya nito. Ang pintor na umiiyak sa harapan ng canvas. 
Sinimulan na niya ang gagawin niya. Kumuha ng mga pintura, maghalo, brush at iba pang gamit sa pagpipinta. Naghubad baro at tumambad na naman muli ang matipuno niyang katawan. Una niyang iginuhit ang outline ng kaniyang ipipinta. Habang nakatingin sa papel na iginuhit ni Junjun, tumulo ang luha sa kaniyang mga pintura. Hindi siya tumigil. Nagpatuloy ang lalaki sa pagpipinta. Pinta,Pinta,Pinta, hanggang matapos ito. Nang matapos ang pagpipinta, makikita mo ang canvas na punong puno ng kulay. Makikita mo ang matandang babae na puno ng kasiyahan sa kaniyang mukha. Habang nakangiting tumatawa ang matandang babae, makikita sa may bandang binti nito si Johann , na nakayakap sa payak na binti ng matandang babae. Nagtatago sa likuran niya. 
Habang pinapatuyo niya ang kaniyang nilikha, nagbukas siya ng kaniyang telebisyon at nanood ng balita ng ilang saglit. Sa mga sandaling iyon, kumabog ang dibdib niya. Naramdaman niya na parang may masamang mangyayari. Kaya naman nagmadali si Johann at pinatuyo ang kaniyang nilikha na ibibigay kay Junjun. Nang matuyo, inilagay niya ang kaniyang nilikha sa kaniyang likuran at itinali ito. Sumakay siya ng kaniyang motor na kumakaripas sa pagmamadali patungo sa Ayala,sa bahay nina Junjun.

Habang papalapit na siya, nakarinig siya ng mga nagsisigawang mga tao, mga nagpoprotestang mga kalalakihan, mga nagtatagong mga kababaihan at mga kabataang nambabato ng kung ano ano sa mga pulis. At doon, nakita niya at mga bahay, ang mga alaala ay nasisira na. Hindi na niya muli nakita si Junjun at ang matandang babae sapagkat nabalitaan na niyang, kasama sa sampung namatay ang matandang babae at ang batang naghahangad ng kulay sa kaniyang walang kabuhay buhay na canvas.

" Isa lang ang natutunan ko sa karanasan kong iyon,  Hindi Diyos ang may hawak ng buhay natin, Siya ang lumikha sa buhay natin, pero TAYO, ang may hawak ng pintura at ng brush na magbibigay kulay sa buhay na ibinigay niya para sa atin. At iyon ang kwento ng ginawa kong ito. “ Pagpapatuloy ni Johann.

Natulala ang mga tao sa awarding. Yung iba, naluha, yung iba humihibik na sa sobrang lunkot ng kwento ng award-winning na likha ni Johann. Lumiliwanag ang mga flash ng kamera sa kaniyang mukha. Nakangiti. Nakalabas ang mga ngiping mapuputi. At matapos ang kaniyang pagsasalaysay, pinarangalan ang kaniyang likha bilang isa sa mga natatanging gawa ng sining na maipagmamalaki sa buong mundo. Ang Canvas ng Buhay ni Junjun.

" Paalam, Junjun. "




No comments:

Post a Comment