Tayo ang Chalk, Sila ang Eraser (Blog)

Noong isang araw, Ipinagdiwang natin ang Araw ng mga Guro sa Buong Mundo. Naging bukambibig ng mga social sites sa internet ang mga katagang , " If you have read this, thank a teacher. " o kaya nama'y , " Thank you teacher! For you have written my future." Sa mga katagang iyon, may isa lamang na mali na hindi natin dapat ulit ulitin kapag nagpapasalamat sa isang guro. Hindi sila ang Chalk, Sila ang Eraser.
Bakit? Hindi ba sila ang gumuhit ng mga kaalaman sa papel na utak natin? Hindi. Sapagkat sila ang nagbura ng mga maling pagiisip natin. Sila ang nagbubura ng mga kalunkutan sa ating mga mukha. Isa sila sa mga bumubura ng mga kaunting pagkakamaling hindi dapat natin ipagpatuloy sapagkat may posibilidad na kumalat. Kung inyong mapapansin, Hindi sila basta basta nagbibigay ng mga sagot sa exam. Kung pasimple ka pang magtatanong, hindi ka nila hahayaang makapagnakaw ng sagot mula sa iba. Hindi rin naman sila ang nagawa ng ating mga proyekto. Hindi ba nagkakaSENSE na? Nakikita ng ating mga mata na hinayaan nila tayo, mga studyante , na iguhit ang mga kaalaman sa blackboard at hayaan silang burahin ang mga pagkakamaling humahadlang sa ating pagunlad.
Ito pa ang nais iparating sa atin ng mga guro sa ating mga paaralan. Hindi lamang sila ang may kakayahang magbura ng kung ano ano. Tinuturuan nila tayo ng mga magagandang asal upang tayo naman ang maging eraser at sa parehong pagkakataon, dapat maging chalk din tayo na magbubura sa mga nakasimangot na mukha at guhitan ng malukong ang mga mukhang nakaguhit sa pisara.

No comments:

Post a Comment