Mahal ako ni Lord.

Bilang isang Alien na nagmula sa Mars, hindi ko maikakailang ako'y naoOP minsan, Out of Place ika nga. Syempre, mahirap makisakay sa mga pakana ng tao. Pero eto, alam niyo ba yung balita sa TV na magpapatupad na daw ng batas na Anti-Bullying Act? Sa mga schools kasi minsan nangyayari yan. Ang batang payat, sinasabihan ng kung ano ano. Ang batang mahina, niloloko ng mga nakakaangat. Kaya naman, ang resulta nito ay ang mababang Self-Esteem. Hindi ko alam ang ibigsabihn ng Esteem ngunit alam ko na about sa pagiging confident ng bata. Kunwari, ang dating active sa eskwela, ngayon ay nagiging mahina na sapagkat may Low Self-Esteem. Bilang Alien ng Earth, masasabi kong ako ay kakaiba. May mga times na, naBubully rin ako. Teka lang,Teka, nasasaktan din ako. Biro mo yun, ikaw na yung minsan ay nagmamalasakit, ikaw pa yung hindi nirerespeto? Masakit. Napapaisip nga ako minsan eh, Kaya ko yung pangbubully sa akin, pero paano ang iba? Paano yung mga batang wala pang kamalay malay sa kamalayan na nabubully ng mga taong hindi naman kagandahan at kagwapuhan? Anong magagawa natin? Ganito lang, kung hindi kayang pigilan ang pangbuBully, magpalakas ng lamang kayo ng loob ng isang Nabubully. Simple lang pero napakalakas nitong pwersang ito. Sa isang batang nailigtas mula sa bullying ay isang batang nailigtas mula sa pagpapakatiwakal. Alien man ako, o hindi, Alam ko ang dahilan kung bakit ako nasa mundong ito. Lahat tayo may mga misyon sa mundong ibabaw. Nabubully ka ba? Wag kang mawalan ng pagasa, alam mo kung bakit nambubully ang mga yan? Mga Chaka yang mga yan na walang magagawa sa mga beautying hindi nabiyayaan, Isipin niyo nalang, " Kakaiba man ako sa inyong paningin, well, malabo mga mata niyo. Mahal ako ni Lord. Isa akong mahalimuyak na bulaklak na magpapangiti sa iba."

2 comments:

  1. You took the words out of my mouth. Ang galing mo! Talagang napatingin ako dito sa entry mo kasi naging biktima rin ako ng bullying. Halos mapalaban na nga ako nun, eh! Pero dahil nga tinatagan ko loob ko, hindi ko na lang sila inintindi. Sana lang mabasa nila itong blog mo.

    Magkauri pala tayo ee!! Taga Mars rin ako! San ka dun? XD

    Great job, sir!! Here, have my respect!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. Thanks Muki. :) Na-Motivate naman ako dun sa mga nasabi mo. God bless Muki! :)

      Delete