Movie Review: To Save a Life
Medyo may kalumaan na ang movie na ito pero gusto ko paring ishare sa inyo ang napanood ko noon. 2009 siya nirelease. Isa siyang Christian movie. So, alam niyo na, kapag may Christian Movie, involved na involved dito ang Diyos. Ang isang Christian Movie ay nagpapakita kung paano umikot ang Diyos sa mga buhay ng karakter. Ngayon, Paano umikot ang Diyos sa karakter ni Randy Wayne bilang Jake Taylor? Isa lang siyang normal na tao. Isang normal na magaaral sa kolehiyo na napapaligiran ng mga taong hindi niya kilala. At dito, naging paksa rito ang "bullying" o "discrimination" Sa isang karakter ni Robert Bailey Jr. bilang Roger, naging mahirap para sa kaniya ang mamuhay sa mundong hindi siya tanggap. Sa mundong noo'y napapaligiran ng kanyang matalik na kaibigan na si Jake ngunit ngayo'y naglalaho na lamang na parang bula. At dahil doon, napagdesisyunan niyang magpakamatay na nasaksihan naman ni Jake. Ngayon, sa buhay ni Jake, hindi siya tinatantanan ng isang hindi mapagkalamayang loob dahil sa isip niya, siya ang may dahilan kung bakit nagpakatiwakal ang kaibigan niya. Sa kaniyang pamumuhay, kasama ng kaniyang girlfriend na si Amy, naging bahay niya ang parties at inuman. Naging skill narin para sa kaniya ang paglalaro ng Beer Pong. Nagpatuloy ang pamumuhay na ito hanggang makilala niya si Chris. Isang pastor sa isang simbahan. Siya ang gumabay kay Jake sa tamang landas at inalalayan sa liwanag ng Diyos.Sa isang banda, naging problema niya rin ang pagiging arogante ni Amy. Hindi mapagpalagayang loob ang babaeng ito sa mga taong nasa paligid ni Jake, sa mga tao ng simbahan, ng youth organization. Kaya naman kailangan niyang hatiin ang oras niya sa kaniyang gilfriend, sa pamilya, at lalong lalo na sa Diyos. Maraming nakilala rito si Jake. Isa na rito si Johnny. Isang follower sa blog ni Roger. Para kay Jake, nakikita niya si Roger kay Johnny. Kaya naman, naging magkaibigan ito. Ang Youth Organization, tuwing lunch time sa school ay magkakasamang nagkekwentuhan, nagsasaya, kasama si Johnny, ang bagong miyembro. Maraming climax ang kwento, ngunit ang mga climax na yun ay nagkaisa sa isang magandang konklusyon. Si Jake na magkakaanak kay Amy, Si Johnny na napagkamalang nagplanta ng bomba sa eskwela at si Jake na muntik nang hindi matupad ang pangarap dahil kay Amy at sa kanilang anak. At sa huli, naging maayos ang lahat dahil sa tapang at pananampalataya na ipinakita ni Jake Taylor. Ganun lang naman ang buhay ee, Tapang, Pananampalataya, Utak, Puso at Diyos. Kapag sabay sabay yang gumana, magiging maayos ang lahat. Paano? Magtiwala ka sa Diyos. Magisip ka at the same time ay gamitin ang Puso. Huwag magpadala sa mga tao sa paligid. Maging matapang sa lahat ng oras. Magtiwala ka lang. Malay mo, sa pagtitiwalang ito at sa tapang na dapat ay ipinapakita mo, ay makapagligtas ka ng isang buhay na hindi kaagad nararapat na mawala sa mundong ito.
Labels:
Blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment