Sino ako?



         Isa lang naman akong self-proclaimed writer, photographer , gamer , songer , dancer , drawer , at iba iba pang may -er sa huli. Sa tankad kong 5 6' ee napapaghalata akong taga Mars na umaaligiid sa Earth. Ako si Marjay Gabriel P. Tapay. Isang senior student mula sa Canossa Academy Lipa City simula pa noong ako'y payat at tumaba, at pumayat ulit, at tumaba ulit. Prep pa lamang ako nang magumpisa ako doon kaya naman masasabi kong mahal na mahal ko talaga ang Eskwelahang iyon. Ako'y 16 yrs. old. Nagsusulat ako ng ilang mga maiikling kwento at blogs tunkol sa iba't ibang bagay. Ako,Walang magawa sa buhay. Kaya ito, sinusulit ang panahon sa Earth dahil sayang ang pagbagsak ko dito.  Ang sabi nila, walang buhay pagkalagapas ng Milky Way. LOL. Meron. Meron buhay dun. Pero ang paniniwalang ito lamang ay nabubuhay sa ating kalooban na maari o hindi nating paniwalaan. Kung ang Diyos? May nagsasabing Hindi siya totoo. Meron namang hindi. Saan nga ba nakatira si Buggs Bunny? Ehh si Taz? Paano ang Earth ag bumagsak? May sasalo kaya? Maraming mga katanungang lumiligid sa ting isipan ngunit ang tanong ko, Saan ka titingin? Saan ka babaling? Kanino ka maniniwala?

May mga Maiikling Kwento nga pala ako. Click mo lang yung "Maiikling Kwento" . Kita mo na naman, hindi ko na kailangan ituro pa, wag kang abusado.

Anong bago? 

                                           
"Hello! May bago akong gustong gawin sa buhay ko. Kaya naman pagbigyan niyo na ako at basahin niyo ang unang kabanata ng walang pamagat na paglalakbay."



"Minsan sa bawat buntong hininga"
----







 "Swerte sa dayami"
blog
















Minsan sa bawat buntong hinga,

Naglalakad ako pauwi sa bahay. Medyo maliwanag pa. Nakita ko ang kalsadang noo'y bako bako ngunit ngayo'y sementado, ang tindahang sumasalubong sayo, ang pader na hindi naiihian. Maraming nagbago.
Sabi nila, kapag masama daw ang loob mo, pagod ka sa mga nangyayari sayo, huminga ka daw ng malalim at saka ibuga lahat ng mga sama ng loob. May iba pa nga na nagsasabing magabilang ka daw ng 10 habang humihinga ng malalim para humupa ang galit.
Kumakain ako sa paborito naming kainan sa harapan ng eskwela. Naupo kami ng mga kaibigan/kaklase ko sa may kanang parte ng tindahan. Nahahati kasi siya sa dalawa kasi ang nasa gitna ay ang lutuan at bayaran. Sa kaliwang parte, naroon ang mga kakilala ko sa ibang seksyon ng aming batch. May mga dala silang gitara at doon sila tumutugtog, kasali kasi sila sa patimpalak sa paaralan. Umorder ako ng "pantitilog". Pancit Canton na may Tinapay, iced Tea at Itlog. Mga ilang minuto pa'y dumating na ang pagkain. Kumakain na ang mga kasama ko, ako, nakikain narin. Halo ang pancit canton, inom ng iced tea, palaman ng itlog sa tinapay, ikot ng tinidor at sabay subo ng canton. Hindi lang ako makareklamo pero matigas talaga ang pancit canton. Para kang kumain ng net. Syempre wala akong magagawa, kaya hinayaan ko nalang. Mga ilang sandali pa, tumugtog na ang mga tao sa kaliwa namin.At doon ako napabuntong hinga. Naisip ko, paano nga kaya kapag tumanda na kami? Siguro lagi namain tong ikukwento. Na minsan kumain kami ng pagkain na may nakakatawang pangalan, na nagkaroon pa kami ng oras na maupo at magpahinga matapos ang maghapong pagaagaw buhay. Siguro kapag tumanda kami, ipagluluto ko rin ang mga apo at mga anak ko ng pantitilog. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nakita ko ang buwan, nakita ko na parang malamya ang kalangitan. Maulap pero sobrang init. Papalakad ako sa isang eskinitang walang kasiguraduhan. Kakagatin ka ba ng aso o hindi? Makakatapak ba ako ng jackpot o hindi? Maraming mga tanong. Walang maisagot.

Swerte mula sa dayami.

                Ngayong araw na ito, napabalita sa telebisyon ang isang maswerteng nilalang na nanalo ng halos 150 million sa pagbibigay lamang ng ANIM na numero. Biruin niyo yun?! ANIM!? Saang lupalop niya nakita ang anim na numerong ito ang bigla na lamang siyang nagkaroon ng milyong milyong pera na maaari nang makapagpabago ng hindi lamang isang buhay kundi higit pa. Paano kaya dadalhin ng nanalo ang perang ito pauwi? Siguro kapag wala siyang seguridad, ilang sentimetro pa lamang ang nasasakop ng anino ng kaniyang mga paa, tadtad na siya ng pamamaril. Iyan ang hindi natin hinihiling at huwag sanang mangyari. Pero posible. Ganito tayong mga Pilipino e. Hindi lahat, pero aminin man natin sa hindi, naglalaway tayo sa milyong milyong pera. Para bang mapalapit ka lang sa isang tumpok ng 'sanlibo ay may tila humihila sa iyong pwersa na nagsasabing "Punyeta! Dumakot ka na ng ilan! Mabubuhay ka na!" Kung mag-susurbey kaya ang mga mananaliksik, ilang pursyento sa mga Pilipino ang tatalikod sa isang tumpok ng pera? Malamang mapupuno ng 0 ang decimal side ng isang whole number. Isang kamamangmangan siguro sa mga Pilipino ang hindi pagtanggap sa pera. Kahit na ang perang ito ay galing sa hindi magandang pinagmulan. Kahit na galing sa nakaw. Kahit na galing sa kung saan at hindi nanggaling sa isang bariles. Pero kung galing naman sa isang swerteng makukuha lamang ng isa sa bilyung-bilyong tao sa Pilipinas at mula sa milyung-milyong pagkakataon. Bakit hindi? Saan ka makakapulot ng 150 milyones? Aber? Paano kaya kung ako ang nanalo? Aminin man natin o sa hindi, hindi natin mapipigilang maglaan para sa pansarili nating kagalakan. Ako nga, kapag mayroon akong 150 million, maglalaan ako ng pera para sa pamilya ko, para sa akin, para sa simbahan, at para sa bahay ko. Mayroon kasi akong gustong maging itsura ng bahay. Ang gusto kong bahay, yung simple sa labas, simple sa loob, pero sa likod ng mga mumunting detalye ay may mga katotohanang nais mabunyag. Nais ko sa isang bahay ang mga tagong pinto, tagong mga lalagyan, gusto ko lahat nakatago. Pero mabalik tayo. Kapag nagkaroon ako ng 150 milyon, ipagpapagawa ko ng mga eskwelahan ang mga nasa bundok. Kahit mapa NPA pa yan o mga katutubo, gusto kong makatulong. Pero mukhang imposible ano? Pero hindi natin masasabi. Malay natin, ang isa sa mga makakabasa nito ay bibiyayaan ng maswerteng anim na numero na bubulalas ng swerte sa dayami. Hindi man ngayon, bukas, o pag dating ng panahon. :)

Unrequited Love

Aminin na natin. Halos lahat tayo nagkaroon na ng ganitong uri ng pagibig. Yung bang, tayo ang maguumpisa, tayo rin ang tatapos. Mapalalake man o babae, hindi tayo immune dito.Pero kadalasan, mga lalaki ang biktima. Bago ko simulan ang blog entry na ito, gusto ko lang sabihin sa inyo na, ako ay nagsasalita sa lahat. Bilang isang lalake, ito ang nakikita ko sa kapaligiran.Kaya sa ngayon, ako ang boses ng mga kapwa ko lalake. 
Sa mundong ito, pantay pantay lang ang mga lalake at babae. Kung nasasaktan kayo dahil niloko kayo ng mga kasintahan niyo, kami naman, nasasaktan habang kayo ay umiiyak. Kung kayo ay naiipit sa paghihigpit ng mga magulang niyo, pwes pareho lang tayo. Kung may monthly period kayo, kami, er, nakaranas din kami ng paghabangbuhay na sakit. Pare pareho lang naman e. Kung may pagkukulang kayo, kami ang pupuno, at kung may pagkukulang ka, kami ang pupuno. Kaya nga meron Adan at Eba diba? Hindi ko sinasabing hindi nageexist ang mga kapatid nating lesbian at mga gay. It's there choice naman eh, basta wala silang ginagawang nakalalabag sa utos ng Diyos. Pero anyway,Katulad nga ng sinabi ko. Pantay pantay lang. Kung nasasaktan kayo, pwes lalo na kami. 
Namumuhay kayo bilang tao sa mundong ito. Bilang tao, nakaprogram sa atin ang iba't ibang emosyon. Bilang tao, we were meant to be hurt. Totoo yun. Wala pa akong nakitang tao na hindi nsaktan sa buong buhay niya. Physically,Mentally,Socially and Spiritually. At parte na ng buhay natin ang pagiilusyon, pangangarap at pag seset ng goal. Nasanay na tayo ng nagseset ng hopes and wants. At minsan, napapahalo na ang hopes at WANTS sa pagibig.
"Gusto ko siya.", "Sana ako nalang." ,"Akin ka nalang." , "Siomai ka ba?" Tapete. Eto yung mga linyang madalas naming ginagamit sa panliligaw. Aminin niyo girls, Baduy no? Pero ang pagiging baduy ay isa sa mga kinakikiligan niyong parte ng panliligaw dahil nagsisilbi itong "pagpapacute " ng mga lalake sa inyo. Flowers, Chocolate, Siomai, Noodles, Ford Mustang, House and Lot, Sapatos, at etcetera etcetera. Ito naman yung mga madalas binibigay habang nanliligaw. Impressive? Eh kung maghatak pa yang ng daan daang tao para lang sabihin sayong mahal ka niya? Galeng! Ano impression  mo? NGANGA! Nasaktan si Boy. Boom.
That's Unrequited Love. Ikaw ang nagsimula, ikaw ang nagtapos. Kaya maraming suicide cases ng mga lalake e. Sa totoo lang, karamihan dito ay dahil basted sila. Hindi ko sinasabing sagutin niyo lahat ng mga manliligaw sa inyo. Pero, ano ba naman yung Thank you di ba? Hindi yung, "Sorry." at ang masaklap pa, " I'm Taken." Saka kung alam mo namang maraming nakakakita sa inyo at naghihintay ng sagot mo, at kung alam mong HINDI ang sagot mo, wag mo namang sabihin sa harap ng maraming tao. Kausapin mo ng pribado. Sa una, Oo, masasaktan yan, pero dahan dahan yang makakarecover kung hindi mo binigla. Kung nag eeffort siya sayo, Sincere lang na Thank you, okay na. Kasi kaming mga lalake, ang tendency ng mga yan, maging tanga. Pero ganan minsan ang buhay eh. Sumasaya ka sa pagiging tanga , pero at the end, tayo ang nasasaktan. Hindi malandi ang babaeng kayang makipagusap ng isang normal na konbersasyon sa kaniyang manliligaw. " Ano ba naman yan, di pa nga niya sinasagot, nilalandi na. " Just be yourself dahil naappreciate namin yung kahit ituring niyo kaming tao. Hindi taong grasa. Lalapit lang, lalayo na. Kung from the start ay ayaw mo talaga sa kaniya, sabihin mo ng ayos. Tapete, Hindi yung " Umalis ka na nga! Ayoko sa'yo! That's it!" Wow. Para mo na siyang pinatay.Kung gaano kayo nasasaktan dahl sa panloloko ng IBANG lalaki, mas nasasaktan kami sa mga IBANG babae na grabe kung makapanlait ng manliligaw. Kung ayaw niyong gawin sa inyo, wag niyong gawin sa iba. Magpakatao naman. Uso pa yun. Treat them as a friend kung ayaw mo siyang sagutin. Oo, nawalan siya ng nililigawan, pero the both of you won a friend. Unrequited Love man, pero the efforts paid off dahil nagkaroon naman siya ng kaibigan. " Kailan mo ba ako sasagutin?" " Kahit kailan, hindi kita sasagutin." "Bakit naman?" " Dahil ayokong maging boyfriend ang lalaking naging kasama ko sa tuwing magisa ako, mas gusto siyang maging kaibigan."

Meo Patre

            Ating balikan ang mga pinagaralan natin sa eskwela, paano ka nabuo? Paano ka nabuhay sa mundong ito? A. Tumubo sa Lupa? B. Iniluwal ng Pusa? C. Sumulpot na lamang bigla? o D. None of above? Bobo mo naman kung hindi mo pa masagot. Syempre A! Maniwala ka at sa hindi, tumubo tayo sa lupa. Bakit? Unang una, kung tayo ay halaman, ibigsabihin, may nagtanim. Sino ang nagtanim? Ang ating mga magulang. Pangalawa, ang pagtatanim. at pangatlo, ang pangangalaga. Maging specific tayo, dahil pinadiriwang natin ang Araw ng mga Ama, Amaamahan, Papa, Tatay, Papsy, Pops etcetera etcetera, Magfofocus tayo sa ating mga ama na nagbubuhat ng tubig para tayo'y diligan, nagdadala ng mga sako ng pataba at nagtatayo ng ating mga tahanan para hindi tayo mapahamak ng mga hayop sa syodad.
Ang ating Ama. Define Ama. Walang perfect definition ang pagiging Ama dahil kung ang tao ay may iba't ibang uri, malamang , ang mga tatay din natin ay hindi generic. Wala yata akong nakitang ama na katulad ni Miyo sa Ina Kapatid Anak, o kung meron man, Bihira! Kung ano sila, yun ang depinisyon ng kanilang pagiging Ama. Kung paano nila tayo tratuhin bilang mga anak, iyon ang depinisyon ng kanilang pagiging Ama. Kung sobrang sungit niya sa inyo at wala nang inatupag kundi ang magayos ng tricycle niyo, ay humanda kayo, meron pala kayong step bro/sis na tricycle. Kung nagtatrabaho ng maigi ang inyong ama at nagkakaroon parin ng oras sa inyo, Congrats! Sa dinamidaming pwedeng maging Ama niyo, sa kaniya kayo napatapat. Pasalamat kayo! Hindi yung, Kulay Puti na Iphone ang nabigay sa inyo, eh nagmumukmok na kayo dahil ayaw niyo ng puti, gusto niyo ng black. Magpasalamat kayo na kahit masungit yan, nagkakaroon parin kayo ng oras para kumain ng sama sama. Hindi yung maghapon magdamag, nasa kanto, o nasa bilyaran. Magpasalamat kayo sa inyong tatay na wala mang berbal na pagsuporta, ay nanatiling tahimik ang isinasapuso na lamang ang pagsuporta dahil alam niyang ayaw nilang makaistorbo. Mabuti na yun kesa harapharapang sirain ang mga pangarap mo. Magpasalamat ka sa tatay mong walang ginawa kundi magsermon, dahil aminin mo man o hindi, natututo ka ng unti unti upang harapin ang magiging buhay mo kapag nawala sila. Sa totoo lang, ayokong magpaka baduy ngayong Araw ng mga Ama, pero, sa buong isang taon, ni hindi yata ako nakapagpsalamat sa aking ama na walang ginawa kundi magpaprint, mag pacheck ng kaniyang laptop, tingnan ang kaniyang bagong cellphone, magbasa, manood, matulog, umutot, kumain, magtabas, magtanim at magkwento na nang magkwento tunkol sa penoy na hinati pa sa apat para lamang magkasya sa kanilang hapunan. Nakakatawa pero ni isa, wala akong narinig diyan na, "Go anak, Kaya mo yan." At doon, nagpapasalamat ako dahil nakaya kong gumawa ng mga bagay na hindi ko kinailangan ng tulong. Hindi naman sa hindi ko kinailangan, pero sa buong pagpasok ko sa school, naging pagkain ko na ata ang independence ko. Natuto akong gumawa ng assignments at projects magisa dahil sa pananahimik niya sa isang tabi, natuto akong maging independent. Hindi man ako yung ideal anak para kaniya, yung malaki ang katawan, sporty, matalino at malakas ang common sense, alam kong tanggap nya lahat ng mga tabang ito na naipon sa kakaharap sa computer. Baduy na ba 'tay? Isang salita lang para sa inyo nang matapos na. "Salamat." 
HAPPY FATHER'S DAY SA MGA TATAY NIYO! (at sa tatay ko rin. ;))

Ang Maruruming Paa ng isang Bata.

             Gusto ko lang sanang mag reminisce muna kayo kahit konti. Gusto kong isipin niyo kung anong mga laro ang inyo nang nausubukan noong kayo ay mga bata pa lamang. Tumbang Preso? Luksong Baka? Luksong tinik? atbp. Gusto ko muna kayong magdrama at alalahanin lahat ng mga bagay at mga pangyayari noon, kung saan wala pang internet, wala pang mga gadgets na nagsisimula sa "i" , kung saan ang chocolate shake ay kinakalog at hindi biniblend, kung saan ang mga libro ay isang dankal ang kapal at hindi ilang sentimetro lang at kung saan sinisigawan kayo ng inyong mga ama't ina tuwing hapon na umuwi na dahil hapon na. Siguro, napagtanto niyo sa mga sarili niyo na talagang tumanda kayo ng todo. Siguro, Sa mga alaalang iyon, ay namiss niyo ang magtatakbo sa magabok na lansangan. Sige lang! Go! Kaso baka akalaing kayo ay snatcher o kung ano man. Mabilis ang panahon. Totoo yan. Lalo pa't sa paglaki natin, nagpapatong patong na ang mga responsibilidad na nagpapalimot sa atin na may oras na pilit tumatakbo kahit na marami tayong problema. Di ba? Tama naman e. Gusto nating tumigiil ang oras. Minsan nga, gusto pa nating ibalik ang oras e. Pero hindi pwede. Pilit yang tumitiktak. Ang oras ay walang hanggan. Kahit sabihin natin may KATAPUSAN. Oras yan! Noong ginawa ng Diyos ang mundo. Di ba , may mga DAYS DAYS na? Day1 , Day 2, Day, 3. Sa kaso nga lang natin, Nagumpisa ang oras natin noong Day 1 natin sa mundo. Pagkaraan ng Day 1, padagdag yan ng padagdag hanggang dumaan tayo sa pagkabata. Sa pagkabata natin.. dito natin nararanasan ang pinakamasasayang araw ng buhay natin. Kung sa ating paglaki, naranasan natin ang sagutin ng nililigawan, ang manalo sa raffle o makita sa tv, pwes wala yan sa mga naranasan natin noong tayo ay mga bata pa lamang. Masaya naman talaga diba? Aminin niyo, Mas gusto niyong bumalik ng pagkabata dahil sa mga rasong ito: Mahirap ang magaral, Sinasaktan ng BF/GF, Social Problems, Financial Problems, at iba pa. Kaya natin gustong bumalik sa panahong yun, dahil gusto nating tumakas sa problema. Dahil alam na natin, na sa tuwing maglalaro tayo, kakain ng amos-amos, magbabahay-bahayan, kakain ng nectar ng santan at magluluto gamit ang niyog at mga punit punit na gumamela, wala tayong pakialam sa mundo. Noong bata ako, hapon hapon kami lagi sa labas. Pag kumpleto na ang magpipinsan, hanap ng kanya kanyang tsinelas. Yung iba, madaya, ang gamit nilang tsinelas ay yung Rambo? Yung matigas lalo na kung luma na? Yun! Tapos ako naman, dahil mataba, mabagal, kaging buro o laging talo,laging taya. Non-stop yun. Mga 1 and a half hour. Tapos pagkatapos nun, marami nang mga inahing manok ang titilaok, " 'Utoy! Uwi na! Hapon na!"At sa moment na pauwi na ako, may isang bagay akong hindi ko maiwasang tingnan. Ito ay ang aking mga paa. Sa tuwing makikita ko kasi ang aking mga paa na marurumi, hindi ako nandidiri. I take pride on it. Bakit? Kasi alam ko sa sarili ko na nag-enjoy talaga ako na hindi ko na napansin na sobrang dumi ko na talaga.Ang mga paang ito ang tila nagiging indikasyon na hinubog ako ng simpleng pamumuhay. Minalas lang talaga ako at naririto ako ngayon, kaharap ang laptop at nagsusulat ng mga opinyon sa kung anoano at hindi sa isang notebook at ballpen. Inabutan lang talaga ako ng panahong ito kung saan nakukuha ang taba sa pag-upo, hindi sa pagkain. Kaya nga gusto kong isipin niyo muli ang mga alaala noong bata pa kayo e. Kasi alam kong napakamemorable nito sa inyo. At alam ko, sa oras na ito, napangiti ko kayo kahit konti. At alam ko rin, na sa pag mumuni muni niyo, nakita niyo ang inyong mga paang marurumi. Ang mga paang noo'y nagdala sa inyo sa kasiyahan. Ang mga paang hinayaan kayong malimutan lahat ng problema na umiikot sa inyong mundo simula pa lamang na kayo'y ipinanganak hanggang sa pagkabata. :)

Torpe Diary

              Sa ngayon, ayoko munang magpakamakata o manunulat. Ayoko munang maging isang ParuParong lumilipad ang utak kung saan. Sa ngayon, gusto kong maging ako. Kasi siguro, sa buong 15 na taon kong pamumuhay, hindi pa yata ako nagpapakatotoo sa sarili ko. Para bang ipinanganak akong nakamaskara? Na takot itago ang totoong pagkatao kasi natatakot, nababalisa. Pilit tinatago ang mga nasa isip at ang nasa puso. Hindi lang naman ako ang kaisa isang taong nakamaskara e. Alam kong sa bawat taong naninirahan sa mundo, may takot ding nadarama sa tuwing gustong iparating ang nararamdaman. Torpe, Protective, at Self-Centered. Kaya minsan, ang madalas na nagtatagumpay ay ang mga makakapal ang mukha. Grab ng grab ng oppotunities, Take ng Take ng risk. Kahit na masaktan, diretso lang. Kasi tao ka, nasasaktan ka talaga. Diyan pumapatak ang Protective. Minsan naman, Natatakot na baka may magbago, Pinapatungan ang dila ng takot kaya hindi masabi ang totoong nararamdaman.  Torpe. Yung iba naman, sarili lang ang iniisip. Kung may naiisip na maganda, kung may gustong sabihin, sinasarili. Self-Centered. Ewan ko. Hindi ko alam. Pero sa buong buhay ako. Ako yata ang tatlong ito. Kung mag-rereflect man ako sa mga pinagdaanan ko, lagi nalang akong natatakot, at lagi ko na lamang sinasarili ang problema. Kaya hindi ako makausad eh. Gusto ko mang maglakad kasama ka, hindi ko magawa kasi nga may pumipigil sakin. Problema, Pressure, atbp. Sa totoo lang, kung pagsasama samahin mo sila, isa lang ang patutunguhan nito. Takot. Napakaduwag ko. Sa sobrang takot ko, hindi ko masabi ang mga nararamdaman ko,hindi ko magawa ang gusto ko, dahil pinangungunahan ako ng Takot. At dahil sa pagiging makasarili, dinaramdam ko ang bawat pangyayari sa buhay ko. Na nagiging kadahilanan ng pagiging marupok ng puso ko. Konting sundot, luha, damdam. Parang papaya lang. Kahit na sabihing isa ako sa mga taong malaki ang potential, Paano ko madedevelop yun kung Duwag ako? Napakaraming tao ang nagsasabi nito. Malaki ang potential ko. Na parang isang batong naghihintay na mapolish hanggang sa maging isang kumikinang na dyamante. Nandahil yan sa Takot. Tanga ko no? Pinapaharipan ko lang ang sarili ko. Pero ganito talaga e. Duwag ako. Kaya naman kung natorpe ako sa'yo, gusto ko lang sana sabihing Mahal kita. Kung naging madamot naman ako, gusto kong ibigay itong nasasa akin ngayon para lang makabawi sayo. Kung naging protective man ako at pinigilan kang umusad, Sige na, You may go. Kung maibabalik ko nga lang sana ang oras, aayusin ko lahat ng gusot at butas ng buhay ko. Para naman kahit papaano, kahit may kaunting mantsa o gusot, maisusuot ko ang pagkataong nasasaakin ngayon. Lubos akong nagpapasalamat dahil nagkaroon ka ng oras basahin ang pagdadrama ko. Dahil kung wala ka, baka ang blog na ito ay isang malaking "Nganga" sa site nato. Hindi man agad agad, pero masasabi kong makikilala ko ang sarili ko at unti unti kong maaalis ang maskarang nagkukubli sa mga ngiting sana'y naibahagi ko sa iba. Na sa pagdating ng panahon, Torpe man ang kaibigan mo, masabi ko sa'yo na mahal kita.

What is Love?

Medyo luma na itong pick-up na ito pero share ko na din.

" Love for a historian is a BATTLE.
Love for a mathematician is a PROBLEM
Love for a chemist is a REACTION
Love for me... is you."
          
          Ano nga ba ang pagibig para sa ating lahat? Maraming mga nagsasabing, walang makakapagpaliwanag sa pagibig.Meron namang iba, na ang Diyos ang pagibig. Meron namang naniniwala na "love is in the air". May mga naniniwala ke Kupido. May mga nagsasabi namang ang pagibig ay nasa puso ng maraming mga tao. Meron naman, nasa hypothalamus daw. Iba't iba ang mga spekulasyon kung Ano, at Nasaan ang Pagibig. maraming mga chika ang kumakalat na ang pagibig daw, parang drugs, masarap sa una, ikamamatay mo lang din naman sa huli. Iba iba. Kahit saang dako ka ng mundo pumunta. Iisa lang naman ang kahulugan ng pagibig sa bawat isa. Kahit na sabihin na nating nakikita mo ang pagibig as a Passionate Love, o kaya nama'y Romantic Love, o kaya nama'y Truthful Love, Giving Love, Selfish Love, Belgian Chocolate, Vanilla Ice Cream o kung ano mang flavor meron ang pagibig. Iisa lang naman. Kung totoo ang nararamdaman mo sa tao, malalaman mo. What is Love? Kapag natuto kang umibig ng totoo, masasabi mo sa sarili mo na, "Ah, Ganoon pala ang pagibig," Hindi mo kasi basta basta masasabi na totoong pagibig na ang nararamdaman mo ee. Minsan, habol mo ang "sex". Minsan, pera. Minsan, yung ganda, na later on ay pagsasawaan mo. Pero kapag natutunan mo ang magmahal ng totoo. Magiging masarap na ang pagibig. Kahit na anong delubyo pa ang maghiwalay sa inyong dalawa ng mahal mo, mamahalin at mamahalin niyo parin ang isa't isa. Kahit na anong relihiyon pa ang maghiwalay sa inyo, gagawa at gagawa kayo ng paraan para makapagsama dahil mahal niyo ang isa't isa. Love. Four letters, One simple word but complicated meaning. Kung titingnan mo ang websters dictionary, search mo ang LOVE then basahin mo,kahit na may specific meaning yan, hindi mo parin maipapaliwanag iyon. Kahit na sabihin na natin na ang pakiramdam ng love ay nagmumula sa isang chorbalu na nirelease ni eklabu para mapunta sa chuba at makaramdam ka ng sinasabi nilang LOVE. Love is still complicated. Tingnan niyo ang ilang mga interview sa mga artista, kapag tinatanong sila, " What is love for you?" Di ba laging me " for you" ? Ibigsabihin niyan, walangsinumang katuhan ang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ng isang tao sa isa pa. Ganun lang naman kasimple.What is love for you? Ang galing nga ee, Maraming nairereveal ang love na natatago sa ating pagkatao, What do I mean? For example... May GF ako, and I want her to stay with me ALWAYS( As in, pati sa pagdumi e kasama) for the sake of love. See! Nandahil sa pagibig, naibulgar mo sa tao na GREEDY ka. Another one, I want my gf to make love in bed(yung tipong magpaakamatay ka para lang mangyari un). Kitam! That means,na wala kang galang sa babae at sa pagkababae niya. Kita niyo na. Napakahiwaga ng pagibig. Umay na kayo ano? Ganyan talaga kapag umiibig. Wala kang pakialam kung anong sabihin ng tao sayo. Dahil alam mong lumulutang ka sa karagatan ng buhay at lumalanghap ka ng Pagibig na nasa Hangin. Wala kang pakialam basta mailabas mo lang ang sayang nararamdaman mo. Yan ang Pagibig. Love. Koi,Amare,Cinta, Amar, LOVE. Iba't ibang lengwahe, iba't ibang konspeto. Iba't ibang pananaw, Iba't ibang pagtingin. Saan man tayo magpunta, Nasa atin ang kasagutan.  Ngayon,Ano nga ba ang Pagibig para sa'yo?

Top 10 Events for 2012

Hello people of the internet! Happy New Year! First of all, nais ko munang bumati sa inyo ng masigabong bagong taon. Nawa'y ang ang Ahas ng Tubig ay buhusan tayo ng swerte sa taong ating sasalubungin. Ngayon! Dahil New Year na, lilisanin na natin ang 2012 at maglalakad na tayo holding hands with 2013. Sa taong iiwnan natin, may mga pangyayari talagang hinding hindi natin makakalimutan o kaya nama'y tatak sa ating mga isipan, sa trending board ng twitter, sa mga chismisan sa kanto, mga usapan sa inuman at iba pa. Sa aking pagreresearch at pagbabalik tanaw, ito ang mga maituturing kong TOP 10 EVENTS na talagang nagpayanig sa kamalayan ng mga Pilipino. 

TOP 10
LADY GAGA CONCERT 
                     Kung naaalala niyo pa, lalo na sa mga little monsters diyan, bago pa man dumating sa Lady Gaga dito sa Pilipinas,kinukutya na siya ng intriga ng mga catholic organizations. Ayon kasi sa mga Catholic Orgs, Napaka imoral daw ng mga kantang ipnapahayag ni Lady Gaga. Naintriga din ang kantang "Judas" niya. Ano ba namang nagawa ng mga Catholic Org sa pagpigil ng concert? Wala. Natuloy parin ang inaasam asam ng mg Filipino Little Monsters. Actually, noong concert niya, todo effort ang mga fans sa pagbibihis Lady Gaga. Hindi naman kasi Big Deal itong sa Lady Gaga for me. Kase, kung iisipin, nasa tao lang naman lagi kung maniniwala siya sa mga sinasabi ni Lady Gaga. At si Lady Gaga is there para maiexpress niya ang sarili niya. I'm not a fan of Lady Gaga but for me, expressing oneself is necessary sa mundong ito.

TOP 9
Katerina and Daniel Wedding ( "Walang Hanggan" Ending)
bidakapamilya.blogspot.com
                    Nakakatawa man pero OO. Top 9 ang kasalang Daniel at Katerina. As in, Noong umaga matapos ang episode ng kasalan nila, pinaguusapan padin sila sa Net, sa Twitter at pati narin sa mga kapitbahay namin dito. Napaka-Phenomenal ng Episode na iyon sapagkat simula't sapol na iere ito sa telebisyon, sinubaybayan na ito ng mga manunood. Baka nga ang mga solid kapuso ay panandalian munang hindi nanood ng mga teleserye nila sa GMA at sumaglit muna sa ABS. Ayon sa survey, Nang gabing i-ere ang episode ng kasal nila, 43.5%? I think ang nanood sa buong Pilipinas. Hanggang ending yun,take note. Naging isang factor din dito ang pagiging love team nina Dawn Zulueta at Richard Gomez na nakabatak ng ilang mga manonood na kinilala talaga sila as LOVE TEAM. 

TOP 8
BAGYONG PABLO
                     Nakakalunkot man, pero ang ilang mga lungsod sa Mindanao noong mga oras na iyon ay hindi nakapagpasko. Sa aking pagsasaliksik, mahigit 1000 ang nasawi dahil sa lecheng bagyong ito. At ang bagyong ito ang nagTOP sa ranking ng "Costliest Philippine Typhoons" na nagkakahalagang 36.9 billion of mahigit 900 USD. Sa ating paglisan sa 2012, alalahanin natin ang mga taong nagsakripisyo at mga nasawi at atin muna silang ipagdasal na nawa'y sa paglisan ng taon, makasama na agad nila ang Poong Maykapal sa langit.


TOP 7
CLAUDINE BARETTO VS. MON TULFO
Kung sino man ang gumawa nito, Da best ka!
                   Usap-usapan sa mga Social networking Sites ang pangyayaring ito. Sa Airport nangyari ang nakakagulat na pangyayaring ito. Sa panig ni Mon Tulfo, wala siyang kasalanan. Sa panig ni Claudine Baretto, protection purposes. Ay lintek, hindi ko alam kung ano nang nangyari dito sa kaso nitong dalawa. Ang natatandaan ko lamang, pinagkaguluhan ng mga parodies sa youtube at iba pa ang kanilang viral video.Kung magkaaway pa man sila ngayon, mag bati na sila bago pa man magkaputukan sa airport. 




TOP 6
Miss Amalayer
                            Bet ko, You will never forget this gal. Swear. As in this, girl, namely Paula Salvosa, made a name among the netizens. Noong narelease ang viral video nito, katulad ng video nina Claudine Vs. Mon, Maraming nagsulputang mga parodies na talaga namang nakakatawa, pero the video itself, I'm not satisfied by the idea that SHE is an educated person. Hindi ko maabsorb.




TOP  5 
RH Bill
Credits.
                       Maraming movement na ang ginawa ng Simbahan sa pagkontra sa Repro. Health Bill. Napakalaki ng mga effort ng simbahan. Nagrally, Pray Over, Nakipag debate sa Pamahalaan, Ipinakalat ang Good News Atbp. Pero ang Pamahalaan, Relx lang. Kung sa Simbahan ay ang samutsaring mga Pray Over atbp, ang nakita ko lamang sa PRO RH BILL ay iisang logo lamang. Samantalang sa ProLIFE, geez, Super dami. Kaya naman sa pagpapatupad nito, hindi parin tumitigil ang Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting balita na mahalaga ang mag buhay kaysa contraception. Agree naman ako. It's okay to have many kids in the family, actually , that makes a family a happy one. So, bakit kailangan kontrahin? Dahil over-populated ang Pilipinas? ASA! Hindi O.P ang Pilipinas! Kaya lamang MUKHANG O.P ang Pilipins ay dahil nagkukumpulan ang mga tao sa Syudad. Napakalawak ng Pilipinas. Kung huhubugin lamang nila ang espasyong iyon, masasabi kong, IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES.

TOP 4
Miss Universe 2012
                             Matapos ang pagka 1st Runner Up ni Janine Tugonon, Naging delikado para sa mga magpapaRebond ang sitwasyon. Bakit? Kasi naman! Lahat ng mga beki sa mga salon, Maiinit ang Ulo! Sabi nila, Luto raw ang laban, o kaya nama'y Mas deserving si Ms.Janine Tugonon. Nakakapanlumo naman talaga. Ang ganda ganda ng sagot ni Ms. Tugonon. Very inspiring. Pero yung ke Ms.USA, hindi ko nga nagets. Ang gulo. Nakakapagtaka nga naman diba. I can't find any flaws dun sa sagot niya. Pwera nalang dun sa pagtigil niya dahil nagsigawan ang mga tao. Kung ganoon lamang dahilan, napakababaw nila. Pero, let's move on. 1st Runner Up isn't bad. Maging masaya nalang tayo at again, nakakuha ulit ang Pilipinas ng pwesto sa Miss.Universe. Next time. Tsunami? Cobra? Hindi natin alam kung sino ang susunod.

TOP 3
Pacman vs. Marquez 4
                             I'm sure na hanggang ngayon, nadiyan parin sa mga isipan niyo ang pagkatalo ni People's Champ,Manny Pacquiao. Sa loob ng ilang taon, naramdaman ulit natin ang pagkatalo mula sa Mexicans. That's life, we have no choice but to accept it. We do, however have a choice to learn from it,or make the most out it. Linya yan sa piece na nirecite namin. Ang buhay, hind palaging masaya. And, I felt it nga naman sa pamilya Pacquiao. Si Mommy D, humagulhol. Si Jinky, umiyak pa sa isang interview. And I know, Manny Pacman feels the same. Hindi lang niya ipinapakita kasi nga, It's Sport. Being an athlete must have an attitude of being an athlete.SPORT. Pero, di rin naman siya lugi nun, nawala lang yung GLORY. Nasa kaniya parin ang GOLD pero hindi ko maintindihan kung nasaloob pa niya ang GOD.Naging usap usapan din ang hindi daw niya pagdadala ng Rosaryo, o kaya'y mag sisign of the Cross. At meron pa nga daw nagsasabing nagpaBorn Again daw siya. The truth lies withing Manny itself. Pero nangyari na, we can't go back to the past. Atin nalang tanggapin dahil kahit papaano, si Manny parin ang ating People's Champ.


TOP 2
Apocalypse 2012
                                  It's the end of the WORLD! Hindi daw. Postponed dahil may MMFF pa daw at manonood pa sila ng Enteng,Sisterakas o One more Try. Nandahil sa movie na "2012" , naging spekulasyon ang date na 12/21/12. Ito raw ang date kung san mangyayari ang End of the World. God will redeem us! Sigaw ng mga tao sa mga kalsada sa ibang bansa. Dito naman sa Pilipinas, Mamamasko po! Agang aga, wala pang pasko, namamasko na. Isa lang naman ang punto dito, Kaya tayo binibigyang babala, dahil masyado na tayong napapalayo sa Diyos. Tingnan niyo, hindi ba, noong araw ng 21.12, nagdasal ang iba sa atin dahil natatakot sila or nagrereassure lang. Ganun yung punto. 12.21.12 will not be forgotten, lalong lalo na ang movie na "2012" na naging Comedy na ang Genre.


TOP 1
                                                        Oppa Gangnam Style Fever.
                                 Isang Korean Rapper. Isang Korean Rapper na naka-Shades at Bow Tie ang yumanig sa mundo noong nirelease ang kantang "Oppa Gangnam Style" noong September 2012.Iba't ibang lahi na ang nahumaling sa kantang hindi mo naman naiintidihan pero napapaindak ka sa tugtog. Noong una pa lamang, hindi pa naman yan sikat. As in. Pinalaganap lang ni Vice Ganda at ng iba pang gumagamit nito.Kaya naman sa sobrang sikat nito, marami nang gumawa ng mg Choreos,Parodies,Covers,Metal Covers, Acoustic at iba pa. Talagang talbog nito ang Teach me How to Dougie. Kaya nga, tuwing nakakarinig ako ng Teach me Howto Douigie na pinapatugtog? Parang kasing luma na nito ang kantang Pusong Bato dahil nga talagang talbog na talbog ng kasikatan ng OppaGStyle. Sa lahat ng Christas Party! At iba pang Party! Hindi mawawalan ng OppaGStyle. Lahat na! Lahat. Kaya naman, si Psy. Hinding hindi rin siya malilimutan. Si Psy na kamukha ni Jugs. Malaki ang naiambag ng musika sa Pilipinas. Kaya naman kapag may sumikat, ay talaga naman, maghapong naka "Repeat" ang mga MP3 Players niyo sa kantang yan. Talagang sa taong 2012, Oppa Gangnam Style reigns na hindi natin malilimutan sa pagtatapos ng taon.






                                Yan! Ang Top 10 Events na sure na sure akong tumatak sa atin noong 2012. (Dahil 2013 na) Maraming mga pangyayari ang humubog sa atin noong 2012. Maraming mga pangyayari ang naiukit na sa ating mga isipan. At dahil dito, hindi naman masamang balikbalikan ito. Kaya naman sa paglayas ng 2012. Let's start a new beginning ika nga. At sa 2013. Abangan natin. Sino naman kaya ang magiiskandalo? Sino naman kaya ang mananalo? Sino naman kaya ang dadagdag sa Tsunami at Cobra Walk? Sino naman kayang artist ang sisikat at yayanig sa mundo? at ano naman kayang Teleserye ang magiging Phenomenal sa pagtatapos nito. Maligayang Bagong Taon sa inyo!

Kaharian

Ang utak ng tao, ay isang paradaym. Sukdulan ang nilalaman nito. Ngunit limitado ang mailalagay mo dito. May iba't ibang tao ang biniyayaan ng pambihirang talino at imahinasyon. May iba rin naman na nakukuha ang katalinuhan sa sipag at edukasyon. Mayron naman na God-given talaga. Sa sobrang talino na nga, nakakalimutan na ang pagiging Katoliko. One case ay si Iron Man. Fictional Character man, isa siyang Genius Playboy Billionare. At the same time, siya rin ay atheist. Maraming nagagawa ang utak sa tao. Syempre, Unang una, sa ating pangangatawan, siya ang central na kinakailangan ng katawan, para siyang CPU ng kataan natin. Walang kwenta ang Monitor ang Keyboard , ang Mouse at iba pa kung wala ang main commander.Pangalawa, dahil nga siya ang naguutos kung ano ang gagawin nain, siya rin ang dahilan kung ano ang mangyayari sa atin. Tayo kasi ang magdedesisyon. Saan man anggulong tignan, siya parin ang puno't dulo ng lahat ng gagawin mo. Lumandi ka, Gawa ng utak mo, Nagmahal ka, hindi dahil ng puso mo kundi dahil ng utak mo rin. Marami ang nagagawa ng utak. Kaya naman, natanong mo na ba sa sarili mo, Ngayong taon kaya? Nagamit ko ba ang utak ko sa matinong mga bagay? Posible naman. Hindi ka naman sobrang sama para pumatay ng tao dahil lang nakita mo siya. Napakahangal! Sa ating mga desisyon, ang laging nangunguna diyan ay utak. Ang katagang, "Let your heart decide" ay isang ekspresyon lamang! Kaya huwag mong gamitin ang puso mo kapag nagiisip ka! Puso yan! Puro dugo ang laman niyan! Kaya naman sa pagbig, huwag na huwag mong gagamitin ang puso. Gamitin mo ang hypothalamus mo. Sabi nga sa amin ng aming BIO teacher noon, " Kapag manliligaw kayo, huwag niyong sabihin na, "I love you with all my heart. " sabihin niyo. "I love you with all my hypothalamus. "" Pangatlo, ito ang ating imagination vessel. Ang Pagibig na sinasabi mo ay isang ideya lamang. Ang Panananampalataya, Ang pagtitiwala, ang pagkakilig, ang pagasa at kalayaan. Mga ideya lang yan na ginawa ng utak natin. Pero, ang mga ideyang ito ay maaari nating gamitin,ipakita o madama. Ang utak natin ay, sabihin na nating, sarilisarili nating KAHARIAN. Kaya mong maghari dahil nagagawa mo lahat ng gusto mo. Kaya mong magliwaliw. Party all night, maginom,magsaya, kaya mo ngaring lumipad! Marami kang magagawa sa sarili mong kaharian.Ang imahinasyon natin ay sukdulan. Isipin mo, ang imahnsyon natin ay ang kalangitan, at ang ating isipan ay ang mga lobo. Kayang lumipad ng lobo kung saan niya gusto. Ang utak natin ay kayang magisip. Ang kalangitan ay walang hanggan, katulad ng imahinsayon natin. Ang kontrol sa ating pagiisip ay maihahantulad mo sa hangin. Go withthe flow kumbaga. Kaya naman, sa taong ito, masasabi mo bang nagamit mo ang utak mo sa kabutihan o sa kasamaan? Saan ba nadala ng hangin ang mga lobo? Gaano na ba kataas ang lipad ng utak natin? Anong maganda na ang naidulot ng mga munting utak natin sa ating buhay? Ano? Paano? Saan at kung kailan?

Rurouni Kenshin : Samurai X (Movie Review)

Mga pare! Kung natatandaan niyo, para sa mga lalaking o mga babaeng nanonood  ng Samurai X. Eto yun! Ang pelikula ay talagang hango sa sikat na manga o japanese comic na Samurai X. Sinusundan niya ang kwento ng isang assasin na gustong magbago, Si Kenshin Himura. Kung mapapanood niyo ang movie, umiikot ang storya sa iisang bagay lamang, ang "katana" o ang espadang ginagamit noon sa Japan. Noon, ang    batayan sa katapangan ay ang iyong katana o ang iyong tapang sa pakikipaglaban.Kaya naman, sumikat ang katagang "Battosai" noong kasagsagan ng gyera. "Pure Drawn Sword." ang ibig sabihin nito. Kaya tinawag si Kenshin na Battosai ay dahil sa kaniyang ipinamalas na galing sa pakikipaglaban at pagpatay. Ang Pure Drawn Sword ay isa sa mga techniques na ginagamit niya sa pakikipaglaban. Shet. Action Drama ang genre. Talagang pinabigat ng drama ang pelikula kungtitingnan. Lalo pang pinainit ng labanan ang pelikula kaya naman, kahit jingle na jingle ka na, hindi mo kayang bumaba ng sinehan at jumingle sa cr. Eto, experience ko noong nanood ako, jingle na jingle na ako, pero noong nakita ko na na malapit na ang finale battle, ay nako, I ain't got time for that. HAHA. But anyway, Maganda yung movie. Ang pelikulang ito ay pinaguusapan na sa net at ibang social networking sites. Sabi nila, " the movie is near-perfect!" Talagang maganda yung movie. Una, Yung effort sa pagpapanumbalik ng traditional japanese environment. Pangalawa, ang choreography sa mga battle scenes, pangatlo, ang props at ang costume ng cast, hindi OA, pangapat, yung pagdadrama ng cast, swabeng swabe. Ang kwento: Isang assasin ang gustong magbago at ninanais nang huwag makapatay. Ngunit, dulot ng kanyang mga ginawa noon, gustong maghiganti ng mga taong nakaengkwentro niya noong giyera. Wew. Manood na nga lang kayo! Wala talaga akong masabi sa movie na ito.

CAST :
File:Takeru Sato-p2.jpgTAKEHARU SATO:
         Japanese Actor. Galing Saitama, Japan. Ilang taon narin siya sa industriya ng showbiz.Isa sa mga naging movie niya ang yung Kamen Rider Den-O saka yung Beck. Marami na siyang fans dito although hindi pa siya kilala ng karamihan tulad ng kasikatan ni mario Maurer dito sa Pilipinas. 170 cm height at Blood type A. WOW. XD




EMI TAKEI:
Emi Takei-p2.jpgBukod sa pagarte bilang Kaoru Kamiya sa Rurouni Kenshin, Naging Tsubaki Hibino rin siya sa pelikulang Love for Beginners.








Koji Kikkawa.jpg
KOJI KIKKAWA: 
Siya ang naging isa sa mga protagonist ng pelikula. Bilang Udo Jine, pinakita niya ang profesionallism niya sa pagarte sa Rurouni Kenshin.








                                         YU AOI:
Yu Aoi-p4.jpg"Yu Aoi, born in Kasuga-shi, Fukuoka on August 17th, 1985, is a popular Japanese actress & model. Since elementary school Yu Aoi has been a member of Itoh Company Group (talent agency). In 1999, at the age of 14, Yui made her stage debut as Polly in the musical production "Annie." During the audition process for "Annie," Yu Aoi was chosen over 10,000 other contestants for the role of Polly. Yui Aoi's career blossomed further with her appearance in Shunji Iwai's highly acclaimed film "All About Lily Chou-Chou." In 2002, Yui Aoi's popularity increased further as she was chosen as the 10th "Rehouse Girl" for Japanese real estate company Mitsui Rehouse. Other actresses who gained popularity through Mitsui Rehouse commercials include Rie MiyazawaChizuru Ikewaki, and Kaho."
-http://asianwiki.com/Yu_Aoi
Aoki -1-.jpgKitam? Bata pa itong si Yu ay namulat na sa pagarte. sa katunayan, sa kaniyang katagalan na sa pagarte, andami na niyang movie kung saan nakasama sya bilang cast.38 MOVIES! Bukod pa ang TV shows.

MUNETAKA AOKI 
Isa ito sa mga paborito ko. Yung karakter ni Sanosuke sa Rurouni, ay dabest. Osaka,Japan, March 14, 1980. Naging isa rin siya sa cast ng Battle Royale II







Marami silang cast. Pero, as for now, sila yung favorite cast ko sa movie. Gusto ko lang naman ishare ang movie na ito sapagkat napakaganda. Maaari mang may patayan, may violence, pero, kung didibdibing mabuti, talagang may aral na matututunan. Kayo na humusga kung ano yun. Panoorin niyo nalang. Ang Rating ko, 9 out of 10. Please watch this movie! :)



                        "A sword is a weapon. Whatever pretty names you give it, swordsmanship is a way to kill."

Paano na sila?

Napakasarap ng may bata sa paligid. Lalong lalo na yung mga cute at mga batang munti na walang ginawa kundi maglaro, maglikot at maglambing. Marahil ang iba sa inyo ay takot sa bata, naiinis sa bata o gustong gusto ang bata. Nakakatawa pero ako, ayoko sa batang sobrang likot at maurirat, pero hind maiiwasan yun eh. Kahit saang anggulo tignan, bata yan, wala pang bait. Saan mang anggulo tignan, sila ang nagbabalanse ng mundong ibabaw. Tingnan niyo, kung walang bata, walang magaalaga sa mga matatanda at magtatrabaho para sa kanila na magiging isa namang dhailan para bumagsak ang ekonomiya ng bansa. At eventually, mawawala sa tamang sirkulasyon ang gobyerno,simbahan at ang sosyalidad ng bansa. One time, nakasakay ako sa isang multicab, ang buong pamilya ay nasa unahan ng sasakyan. Ang driver ang ama, ang ina nama'y katabi niya kasama ang batang anak. Mukhang isang taong gulang o wala pang isa. Ang nasa likod ng passenger seat sa unahan ay isang babaeng nakayellow na polo shirt. Sa mukha pa lamang, kita ko na parang malunkot ang babaeng ito. Kaya namang nagtext ito, inilabas ang kanyang B.B Bold, "(Wow, Alam talaga. ) at saka nagtext. Nang niyakap ng ina ang bata, napabaling ang bata sa cellphone ng babae. Syempre, bata, nabano sa cellphone at saka nilikot ang cp, dinutdot, pinindot. Ussually, ang approach ko pag ganun, ilalayo ko ang cp ko, peo siya, hindi. Nakatingin lang siya. At sa kaniyang mga mata, nilalaro niya ang bata. Nakangiti, naibsan sa mga problemang kanyang hinaharap. Tingnan niyo kung paano naging isang malaking bagay ang isang mumunting bata. Napakalaki ng idinudulot nito sa mundo. Hindi sila kahihiyan. Hindi sila ang magiging dahilan kung bakit masisira ang future niyo. Kung magkaanak ka ng wala sa oras, hindi nawala ang future mo, ibangdaan lang ang tinahak mo, sa isangdaang walang kasiguraduhan. Mapa-18 ka nagkaanak, 14,13,12 o kung kailan ka mang lumandi, ang mga bata ay regalo ng Diyos. Regalo sila ng Diyos na hindi nararapat makatanggap ng pagmamalupit mula sa mundong kinabilangan nila. Paano na na tayo kung wala sila? Paano sila kung wala tayo? Bawat tao, bawat estado, may dahilan kung bakit ipinanganak sa mundo. Kaya naman, mga kaibigan, please lang, stop abortion. Ang maimumungkahi ko lamang sa mga taong nagmadali sa buhay, tanggapin niyo ang bata, sapagkat regalo yan! Hindi yan para maging sagabal sa yo at sa buhay mo. Kung magkaanak ka man ng 10 o 15, basta nabubuhay kayo bilang pamilya at masaya kayo bilang pamilya, hindi yan sagabal! Kung hindi ka man nakapagaral dahil sa bata, buhay ka pa teh! May hininga ka pa! Pwede ka pang magaral ulit at maabot ang mga pangarap mo kasama ang pamilya mo. Namuhay na sila sa kadiliman, namuhay na sila sa katahimikan, nakabaluktot,nakakubli. Ipagkakait mo pa ba sa kaniya ang liwanag na ibinibigay ng mundo?

Movie Review: 24/7 in Love

Unang-una, Spoiler alert ito. Kaya kung ayaw niyong maSpoil ang panonood niyo, manood na kayo habang showing pa. Anyway.Ang 24/7 in Love ay showing pa mapahanggang ngayon. Ang sabi nila, panget daw. Hindi worth it panoorin, pero sa aking palagay, ito ay isang napakagandang pelikula. Hindi man ito para sa mga minor, pero para sa mga nakakarelate naman at nakakaintindi ng salitang PAGIBIG. Sa movie na ito, ipinakita kung paano nakaapekto ang PAGIBIG at ORAS sa iba't ibang tao. Sa iisang movie umikot ang tanong na, " Paano kung End of the World na bukas? Ano ang gagawin mo?" Ang character ni Kathryn Bernardo bilang si Jane ang naging puno na humahawak at kumokonekta sa mga karakter nina Deither Ocampo at Maja Salvador, Pokwang at Sam Milby, Gerald Anderson at Kim Chui, Zaijan Jaranilla,Piolo Pascual at Xyril Manabat,Kathryn Bernardo Daniel Padilla, Angelica Panganiban,John Llyd Cruz at Coco Martin at Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Dito ipinakita ang iba't ibang klase ng pagibig. Sa aking palagay nga, parang ito ang movie form ng "Para kay B" ni Ricky Lee. Kung saan nga, pinakita ang iba't ibang klase ng pagibig sa iba't ibang tao kung saan pinagtagpo tagpo sila sa iisang lugar at panahon. Masyadong predictable ang movie ngunit kapag talagang dinibdib mo ang movie, maiiyak ka sapagkat hindi dahilan ang pagiging predictable nito. Sa unang kwento, ipinakita nina Pokwang at Sam Milby na ang Pagibig, ay hindi nangangahulugang SUPER involved ang SEX o ang pakikipagtalik. Kahit laging nauudlot ang nakaschedule na pakikipagtalik nila, nanaig parin ang pagibig kahit na nakakatanda si Pokwang kay Sam. Sa pangalawang kwento, Napakaikli lang nito, ngunit dito ipinakita ang pagmamahal at pagkalinga ng dalawang taong nagiibigan sa isang batang hindi naman nila kaano ano. Hindi sinabi kung kanina talaga yung bata ngunit para sa kanila, ang batang iyon ang naging daan para malaman ng isa't isa ang nararamdaman nila. Sa pangatlong kwento, ito talaga ang isa sa mga tumatak sa aking puso noong mga oras na iyon. Sa kwento nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, namayani ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Bakit? Ipinakita ni John Lloyd Cruz na hindi kailangan ng isang tao na ilaan lahat ng kanyang oras sa pagibig. Dito niya ipinakita ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagtanggap sa realidad na hindi talaga sila ni Angelica para sa isa't isa ngunit, itinakda si John Lloyd na maging isa sa mga taong bumuo muli sa nasirang puso ni Angelica. Tinanggap niya na ang pagtulong ng binata sa dalaga ay sapat na upang maging masaya. Sa huli, naging maayos ang pagiibigan ng asawa ni Angelica na si Coco sa pagbalik nito sa Pilipinas galing Vietnam. Sa pang apat na kwento, naging problema dito ang nararamdaman ng isang dalagang in love sa kanyang gay bestfriend. Dito ipinakita nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo na ang pagkakaibigan ay sapat na upang mabuhay sila ng maligaya at masigaboang kanilang relasyon bilang mag-LABS (Tawagan nila bilang magbestfriends. ) Sa pang-limang kwento, ito rin ay nabibilang sa mga kwentong tumatak sa aking puso sapagkat namayani rin ang pagkakaibigan nina Piolo Pascual bilang isang Mentally Disabled chiled at nina Zaijan at Xyriel. Sa murang edad, si Zaijan ay namulat na sa pangliligaw kay Xyriel. Si Piolo naman, ang dapat ay tulay sa matamis na Oo ni Xyriel ngunit naging balakid pala sapagkat si Piolo pala ang napupusuan ni Xyriel. Kaya naman si Zaijan, nagdesisyon nang magpaampon, nguniut bago siya kupkupin ng mga magiging magulang niya, nakipagayos sa Piolo at doon, kahit na natuloy ang pagampon, naging masaya naman sila sa huli. Sa huling kwento, Dito nakikipaglaban ang TRABAHO at ang PAGIBIG. Naging masyadong Job - Oriented si Kim kaya naman hindi na niya naiintindihan ang mga nararamdaman ni Gerald, ang kasintahan niya dati na naiwan niya sa Cebu sapagkat nagaral at nagtrabaho. Naging problema dito ang trabahong inalok ni Kim kay Gerald na maging underwear model, noong una, hindi siya pumayag , tumanggi siyang alisin ang kanyang pantalon ngunit sa pangalwang pagkakataon, pumayag na siyang maging model kahit isang beses lamang para sa kaniyang minamahal na si Kim. Dito naibahagi ni Kim ang oras niya sa trabaho at sa kaniyang iniibig na si Gerald bilang Patty at Alvin. Ang pelikulang ito ay hindi naglalayong ipakita kung sino ang mas magaling umarte o umiyak, ito ay naglalayong ipakita ang kahulugan ng pagibig at ang nagagawa nito sa tao. Isang payak na pelikula ngunit komplikadong mga kwento. Sa mga kwentong ito, ang bumuo sa mga pangarap ni Kathryn. Naging bahagi ang mga kwentong ito sa videong ginagawa ni Kathryn kung saan nainterview niya ang mga taong ito. At sa videong ito nakasalalay ang pagkikita nila ni Billy Fernandez o si Daniel Padilla sa isang concert. Sa concert na iyon, nagkasama sama ang mga major cast ng pelikula ng masaya at nagiibigan. Napakagandang pelikula. Medyo baduy man, pero, may aral namang napupulot. As in, relate na relate ako sa movie, lalong lalo na sa kwento nina Bea at Zanjoe. Palibhasa kasi, may bestfriend din akong babae, but anyway, Sana mapanood niyo ang pelikulang ito. Hindi ako binayaran para magpromote ha? Gusto ko lang maramdaman niyo kahit oaminsan minsan ang simoy ng pagibig sa hangin. Maraming naidudulot ang pagibig para sa atin. Lahat tayo, dumadaan sa puntong kailangan masaktan. Syempre, Life is not Perfect ika nga.Mapa-Pagibig sa Kaibiga, Sa Baklang kaibigan, Sa isang stranger na natulungan, Sa isang Singer Hearthrob, Sa isang Boss ng kumpanya, Sa isang normal na tao, sa isang Virgin, Sa isang Pro-Life, Sa isang Pro-RH Bill. Dalawa lang ang dapat mamayani sa ating mga puso pagdating sa pagibig. Ang pagtitiwala at pagmamahal. Saan mang anggulong tignan, Umiikot sa mundo araw-araw, gabi gabi ang salitang PAGIBIG.

A Different Point of View

Bilang isang self-proclaimed Photographer, hindi ako nawawalan ng mga shots na halos ika guho ng mundo ko.  Anong ibig kong sabihin? May mga shots kasi akong EPIC FAIL sa sobrang FAILNESS. May mga shots na blur ang subject, ang iba naman, under-exposed o over-exposed. At minsan, ETO. Ang larawang nakikita niyo ngayon ay isa sa mga paborito kong shots. Bakit? Look closely.Ang ganda ng view diba? Blue skies, green leaves, white structure, at kung nasakop pa niyan ang dagat? Nako, Near-perfect ang shot para sa akin, pero, Ang talagang subject ng shot na yan, ay ang yellow na bulaklak. Ang blur na yellow na bulaklak. Noong nakita ko ang shot na yan, aba, hindi ko malaman kung anong kamalasan ang pumatong sa ulo ko ng mga oras na iyon. Pagka shot na pagka shot ko, at nakita ko, ang sabi ko sa sarili, " Potapeteng gago." Hindi maalis sa sarili ko ang mainis. syempre! Award-wining ang shot! Tapos may epal na BLUR. At ang nagblur pa, yung SUBJECT. Hindi lubos maisip kung bakit pa nangyari iyon, nagbait naman ako, bakit ganoon!? Anti-RH Bill naman ako, bakit nagkaganoon! Geez. Pro-Life ako! Pro-LIFE! Anyway. Ganito ang buhay. Tayo ang photographer. Nasa sa atin kung saan tayo titingin, kung nasaan ang ating POINT OF VIEW. Nasa atin kung saan tayo titingin, sa masama? o sa mabuti? Sa maganda ? o sa panget? Nasa sa inyo iyon. Ang mga pictures ang mga alaala. May mga magaganda, may hindi kagandahan, may nakakatakot, may nakakatawa. Iba't ibang uri ng litrato ang naiimbak sa atiing mga isipan sa tuwing nararansan natin ang mga ito. Halimbawa, kapag nabuklat mo muli ang lumang Album ng picure mo noong bata ka, may mga pagkakataong, kapag nakita mo ang sarili mo na hubo't hubad nong bata ka pa, maaaring marumi ka, o kaya nama'y matawa. Parang mga clown din, kahit na may mga baby na umiiyak tuwing nakikita sila, Ok lang, kasi at least, may ibang mga tao pa silang napapasaya maliban lang sa mga batang iyakin. Nasa iba't ibang pagtingin yan. Nasa sarili nating perspective sa buhay. Lagi mong tatandaan, ang buhay, hindi perpekto. Ang iaalok sa'yo, maaaring ikapahamak mo, o kaya nama'y ikagalak ng puso mo. Sa Pagibig, dito rin pumapasok ang salitang PERSPECTIVE o Point of View. Kung may makikita kang couple sa simbahan, tapos ang lalaki, hindi ka gwapuhan, pero ang babae, maganda, hindi mo mapigilang sabihin sa sarili mo " Nako, nagayuma. " Teka lang, hindi pwedeng True Love? See, ganan ang perspective, kahit na hindi kagwapuhan, kahit mukha kang nagayuma, try mo tingnan ang positive side, mahal ka niyang totoo, tapos. Sa buhay, ganoon rin. Bagsak ka sa test? Nah, at least natuto ka. Talo ka sa contest? At least, nakasama ka. Break up? Nah, at least free ka na ulit. (Masarap maging single)  Kahit na masakit, kahit na mahapdi sa puso, kailangan mo paring maging masaya dahil may mga tao paring nagmamahal sa'yo kahit na hiniwalayan ka ng mahal mo. Kailangan mong tingnan ang ibang anggulo. Kailangan mong ngumiti dahil may mga itinirang magagandang bagay ang Diyos para sa'yo. Maging masaya ka sapagkat kahit inaantok ka pa dahl ginising ka ng alarm clock, pasalamat ka dahil nagising ka. ang mga kaibigan mo, Pro-RH Bill, So what? Pro-Life ako. Masaya ang Diyos para sa akin. Tayo ang photographer ng buhay natin. Tayo ang magbibigay kulay sa mga bagay na nakatakdang maging black and white. Tayo ang magbibigay kasiyahan sa mga mukhang noo'y hindi nasisinagan ng araw. Tayo ang hahanap ng sarili nating point of view kung saan magagalak ang puso nating sugatan at naglalaway sa pagmamahal.

Santa Claus

Kinakabahan, pinagpapawisan, wala na akong mukhang maihaharap sa aking ina kapag nakita niya ang puti kong panyo na nangungulay itim na sa dumi at pawis na walang pakundangang tinatanggap niya. Nasa Gymnasium kami ng school, Marami tao, marami nagaabang sa taong taong Choral Speech sa eskwela namin. At dahil may solo, mini solo ako sa performance namin, ramdam ko talaga ang pangingiinig ng aking mga kamay. Palibhasa, gutom. Maghapong hindi kumain dahil nagpractice ng nagpractice. Nakakainis kasi yung leader namin, ako pa ang piniiling maging Santa Claus sa choral speech. Kung saan, ang storya, ang mga elves na nagtatrabaho sa kaniya ay magrerevolt sakin, and then, ako rin ang sosolve ng problema. Ganoon naman lagi.
" Jake, Pakiasikaso ng music na gagamitin natin. Hanapin mo si Mars. Siya ang magpapatugtog para sa atin."
"Ok,"
With no further ado, tumayo ako sa sahig na kinauupuan ko at saka ko hinanap si Mars. Sumiksik ako sa mga taong kasali rin sa contest. Ang mga suot nila, iba iba. May isang klase na ang motif ay Sky blue, gold and silver, white. green, red. Marami. Ang ilan pa nga, hindi pa bihis. Habang naghahanap ako kay Mars, maraming tao ang nakatingin sakin. Dahil nga kakaiba ang suot ko, isang maluwang at mainit na damit ni Santa Claus, with mathcing black shoes at white glove pati narin ang Santa Hat. See, imagine niyo kung gaano karaming litro na ng pawis ang nailabas ko? Sa bawat pagdaan ko sa iba't ibang tao, iba't iba rin ang sinasbi nila.
" Uuuy! Si Santa oh!"
"Santaa! Pahingi regalo!"
" Santa, Ang pogi mo!."

Nagkanda hilo hilo na ako sa paghahanap, nasa may bandang left lang pala siya ng stage. Naghihintay ng kung ano.

" Mars! Ano? Tara na sa Sound System Room, Para metest natin yung music,"
" Sige Sige. "

At muli, pupunta na naman ako sa kabilang sulok ng gym kung saan dadaan ka pang muli sa mga taong walang ginawa kundi ikondena ang pagpapatupad ng RH Bill.
Mainit sa loob ng SSR. Sa maliit na kuwadradong kwarto kung saan napupuno ang hangin ng mga Carbon Dioxide ng mga matataas na tao. Ng mga taong walang ginawa kundi lapain ang mga pwesto sa itaas.

" Ser, "
"Oh?"
"Patesting naman naring wire saka ho naring cellphone kung gagana diyan."
" Patingin, Ay oo, gagana yan. "

"Mars!"
"Oh?"
" Gagana daw, Ikaw na bahala sa amin ha? Wag mong kalilimutan yung mga sequence kung saan mo patutugtugin. Ok? Salamat!"
"No prob, dude."

Nasa itaas kasi ng gym ang SSR. So, pagbaba ko, nakapatong sa likod ko ang pangitaas ko na sobrang init sa balunbalunan. Lahat sila, kinokondena ang pagpapatupad ng RH Bill. At pagbaba ko, may isang babaeng nakaPuting Polo Shirt at may dalang Ipad. Sa unang tingin, mayaman, may kaya ang taong ito. Makikita mo sa kaniyang ngiti ang isang kasiyahang hindi kailanman mabubuwag ng simpleng problema.

" Oh, Santa Claus! " sabay tapik sa balikat ko.
"Gagalingan mo ha?"
"Ah..Hehehe. Salamat po.." sabi ko.

Ang isang weird dito,naka costume lang ako ng Santa Claus, parang close na kami. Ni hindi ko nga siya kilala. Pero parang sa mga oras na iyon, may naramdaman akong kakaiba sa puso ko. Noong mga oras na iyon, parang may isang piraso ng alala ang nagsasabing kilala ko ang taong ito. Ang taong ito na ginagawa ang lahat para pabagsakin ang pagpapatupad ng RH Bill.
Oras na ng paligsahan, nakitaan ng galing ang bawat estudyante na nanala noong eliminations. Ang mga kalahok, walang ginawa kung hindi magbow ng mag bow. Ang tanging hangad ay ang palakpak ng manonood kahit na hindi naman talaga pwedeng pumalakpak dahil masisira ang pinakaiingat ingatang katahimikan.

" Contestant number 5! The Class of 3S-AG!"

Sobrang kabado na ako. Kabang kaba para sa aking gagawin kahindik hindik, mapangahas, mapagmatyag na role ng pagiging Santa Claus. Ang mga dapat kong sasabihin, ay nawala na sa gutom, kinain na ng gutom na gutom kong tiyan. Pagtapak ko sa stage, wala na akong magawa, hindi ko kinaya ang pagkanerbyos ko, at doon ako nagkalat. Nadissappoint ako sa ginawa ko. Nagalit ako dahil pinahamak ko ang aking mga kaklase. Nagkamali ako sa ilang linya at ilang akto. Doon ko naramdaman, napagtanto na hindi ko kailangangan ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga ako magaling. Hindi ako pang actor. Magaling lang ako maginarte, pero ang maging aktor, hintayin mo ang araw na maging yelo, sakaako gagaling mag aktor.

Noong mga oras na natapos kami, natulala ako. Sa may backstage kasi, may pinto or gate na papalabas papuntang open court. Napaupo ako sa isang konkretong upuan. Tulala. Walang imik. Nagsisisi kung bakit ako hindi kumain ng lunch. Kung bakit kinabahan ako. Kung ko pinariwara ang performance na karapatdapat para sa ilang box ng pizza, hindi para sa trophy.Mga ilang minuto pa, ang babaeng nakaputi, lumapit sakin at tinabihan ako sa aking pagkakaupo.

" Oh? Bakit ka malunkot? Nakita ko ang performance mo, ok naman ah." nakangiting sinabi niya.
" Wala nga hong kwenta. "
"Ano ka ba. Meron, kung nakita mo ang ibang tao, nakangiti sila habang pinapanood ka."
" Wala naman eh,"
" Anong wala. Alam mo, kung titingin ka sa kabilang banda ng buhay, mapapagtanto mo, masaya ang minsa'y magkamali. Doon ka natuto. At kung hindi ka lang tumingin sa judges? Malamang, hindi ka kinabahan. Kasi, yang judges, pahamak lagi yan sa magpeperform, ayaw ngingiti pag natutuwa, seryoso lagi, pampatense sa mga kalahok, kaya wag ka malunkot, mahal ka ng Diyos. Mahal ka niya."
"Ehh, kasiii.-"
"Hep, Tumigil ka, sige na, aalis na ako.Pupuntahan ko pa kasi ang anak ko. Ngumiti ka na Santa. May mga batang nagaabang sa'yo sa loob."
" Sa loob?" Napatingin ako sa may bintana ng gym, nakita ko, ang mga first year students na parang may hinahanap din sa may binatana, parang ako ang hanap nila, si Santa Claus na pawisin.
" Teka-" Nang maibaling ko na ang paningin ko sa kaniya, wala na siya. Pero bago siya nawala, may naramdaman ako, parang naramdaman ko, sa puso ko, na siya ang Ina ng Bestfriend ko. Na nagpalakas ng loob ko noong malapit ko nang iyakan ang pagkawala ng isang walang kwentang tinggang tropeo.

The Mighty Adventures of Johnny Kalan


" I'm Sorry Johnny. Pero.. hindi ko masasagot ng Oo ang panliligaw mo. Sorry talaga. "

Ganyan at ganyan na lamang ang sagot ng iba sakin. Alam mo yung wala nang matinong sagot ang mga babae kundi, "Hindi ka sapat para sakin. " Lahat na ginagawa ko para sa kaniya. Para sa taong mahal ko. Pero bakit ganon? Ilang dosena na ng babae ang naligawan ko? Ilan na? Hindi na sapat ang kamay at paa ko para magbilang. Sabihin na nating bata pa ako. Third Year College Student mula sa isang maganda school. Magandang lalake. Tsinito at maganda ang katawan. Pero bakit? Bakit wala pang kumakagat sa pain ko? Nakakainis. Nagpapakabait na ako. Nagaaral na ako ng mabuti. Ano bang  problema nila sa'kin?!

" Oh pare, Hulaan ko, Basted ka na naman. "

Hindi na ako umimik. Napatungo na lamang ako sa sahig. Habang nakaupo ako sa aking kama, si Harold, nakatingin sa akin na para bang naaawa na sa sitwasyon ko, pero ang di niya alam, alam ko na gusto niya lang magyaya ng inom kaya siya naaawa sa akin. Pustahan tayo, ito ang linyang ssabhin niya mamaya. " Pre' Maginom nalang tayo para mawala ang sama ng loob mo."

Umupo siya sa aking tabi. Wala mang sinasabi, alam kong pinapagaan niya ang loob ko sa kaniyang kalmang paghinga.

" Pre' Maginom nalang tayo para mawala ang sama ng loob mo."

"Ano? Tayo na naman? Nakakasawa na tayong dalawa."

" Sama nalang natin yung tropa ko. Papakilala kita sa kanila."

"Bahala ka. Basta dito lang ako. "

Noong araw ding iyon, Linggo ng hapon, dumating sina Harold, at dalawang babaeng tropa niya daw. Pero hindi naman at mukhang nakuha niya lang yung isa sa isang bar na malapit dito. At yung isa, simple lang. Mukhang first time maginom. Kapwa third year student namin ni Harold. Nakita ko na siya dati sa corridor, ka batch namin ito. Ano nga ulit pangalan niya?

Nakaupo ako sa terrace namin, pinagmamasdan ang kahel na kalangitan na unti unting natutulog.

" Pre' si Hannah," tapos kumaway si Hannah ng sobrang landi.

"At ito naman si-"

"..K..K..Kaye?..right?"

"uhh, yeah. " sumagot si Kaye ng sobrang hinhin.

" Oh? Ano na? Inuman na!"

Hindi man kami close ng dalawang babae, pero mukhang si Hannah, feeling close lagi. Kala mo, porke nakasama ko maginom, kami na. Hanep maka hawak sa braso. May haplos pang kasama. Si Kaye naman. Pinipilit pang uminom. Sa pagkakaalam ko, kaya sumama si Kaye, dahil may problma rin daw. Gusto makalimot sandali. Kahit na class officer, wala na siyang pakialam sa regulasyon ng school. Parang ewan no? Sa sobrang higpit ng hawak sa sabon, napipilitang kumalas ang ilang studyante at dumulas paalis sa malupit na kamay na humahawak dito. Ako naman, tulad ng dati, inom lang ako ng inom. Para bang walang bukas na haharapin. Hindi ko iniisip kung magsuka ako sa harapan ng dati kong niligawan, si Kaye.Ang tadhana na mismo ang gumawa ng daan para magkasama kami sa isang inumang ganito. Habang kami'y nagiinom at namumulutan, hindi ko mapigilang isipin ang mga oras na kaunti na lamang ang pagitan ng puso naming dalawa, ngunit nabuwag ng hindi inaasahang pangyayari.

" Kaye? Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Nakita ko si Kaye sa may bench malapit s isang malaking puno. Umiiyak.
" Ha? Ako? Di ah, " sabi niya.
"Ano ka ba, hindi porke manliligaw mo ko, magtatago sa akin ng ganyan, kaibigan mo ako."
" Kasii..Kasi..." Humagulhol na si Kaye. Narinig sa hangin ang kaniyang mahinhing boses. Humihingi ng tulong. Humihingi ng pagkalaya ng pusong nakulong sa isang malunkot na pangyayari sa buhay niya.
"Si Ate, Nagpakamatay."
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noon. Natatandaan ko pa nga, siya ang nagreto sakin kay Kaye. Siya yung the best na ate para kay Kaye. Mahirap. Masakit. Pero hindi maiwasang maluha rin ako. Ang sabi sakin ni Kaye, nagpakatiwakal ang Ate Irene niya dahil nabuntis daw siya. Hindi pinagutan ng boyfriend. Nagiwan na lamang ng sulat sa tabi ng kanyang bangkay na nakabitin sa kisame. Nakatali ang leeg at puno ng taga ang braso at binti. Kaya naman noong mga oras na iyon, nilahat ko na ang pagkalimot ng problema. Kumbaga, back to zero ako bukas. Reformat ng Hard Disk dahil puno na at nabagal na ang PC.

Magaalas dyis na ng gabi. Ako, Si Hannah, at si Kaye. Mga lasing na. Hindi ko na malaman kung alin ang kutsara at alin ang sisig. Kaya naman, napagdesisyonan na ni Harold na ipasok na kami sa loob. Kahit nanghihina, binuhat niya si Hannah sa isang kama sa isang kama ng dorm ko. At si Kaye sa kama ko. Ako naman, may lakas pa akong tumayo, kaya naman nahiga na ako sa kama kung saan naroon si Kaye. Hindi ko na alam ang mga nangyari. Basta, Maraming nangyari noong gabing yuon. Naranasan ko muli ang matagal ko nang hindi natitikman. Natikman ko ang sarap na inaalok ng mundo sa akin. Pinagsukluban ako ng demonyo noong mga oras na iyon. Hindi ko na alam ang tama at mali. At dahil doon, nanaginip ako.

" Johnny!Ano to?!" Si Sir Lopez.. Hawak ang plastic balloon na nasa bag ko. ]

" Ehh, Siir. Nilalaro ko lang naman po-"
"Ano to?! Laruan?! Nawawala ka na ba sa sarili mo? Ito!? Laruan? Kanio mo ito gusto gamitin?! Ha?!"

" Sir, wala po. " Hindi ko lang masabi. Pero balak ko talagang pumunta sa lugar aliwan sa malapit sa isang kanto malapit sa bahay namin. Doon ko ibubuhos ang allowance kong bigay ng maluho kong tiyahin. Na walang ginawa kung hindi magsugal at ibili ng kung ano ano ang mga perang ginagamit niya. Wala naman siyang pakialam sa akin ee, kaya gusto ko nalang maging masaya sa buhay ko. Angtanggapin ang alok ng mundo.

"Kailangan kong makausap ang guardian mo, kahit sa cellphone,"

" Sir, wala pong cellphone ang tiyahin ko."

"Telepono."

"Wala ho."

"Papuntahin mo nalang siya dito."

" Wala ho siya dito. Nasa NuevaEcija."

" Ehh di sa internet,"

"Wala hong computer dun."

" Kailan ang balik?."

"Hindi ho sigurado."

"Magisa ka sa bahay?"

"Oho."

" URGGH! Bahala ka sa buhay mo. Basta, masususpend ka ng ilang linggo dahil dito."

Naiyamot na si Sir Lopez at pinaupo na ako. Ang mga kaklase ko naman, nakatingin lahat sa akin. Wala nang ibang masabi kung hindi, " Ano ba yan."

Hindi ko na pinansin ang mga yun. Basta ang gusto ko lang, maging masaya dahil may pera na ako.Para makapagliwaliw.

" Hi Sir Johnny!" Pagbati sa akin Jennifer. Isang waitress sa lugar-aliwan na pinuntahan ko pagkatapos ng klase.

" Uhh, Extra Service ako. " sabi ko.

"This way sir."

At dinala niya ako sa isang silid. Noong una'y madilim, pero nang magbukas na ang ilaw sa kabilang kwarto na napaghihiwalay ng isang pader na may salamin, makikita mo ang naka linyang mga magagandang babaeng nakatapis lamang.

" Buti ho talaga, hindi kayo narerade dito. " sabi ko.

" Bakit ho?"

" Nagpapapasok kayo ng high school student na kagaya ko dito. "

" Ang kasiyahan ay para sa lahat. Yan ho ang motto namin. "

Hindi na ako sumabat. Namili na ako ng babae. Nagbayad. At doon ko nagamit ang extrang plastic balloon na naipuslit ko sa wallet ko. Lahat sila, parepareho ang mga sinasabi. Naririnig ko ang mga salitang hindi ko gusto ngunit patuloy kong ginagawa. Naririnig ko ang bawat "Hindi." ng mga babaeng nililigawan ko. Wala na sila. At dahan dahang nawala ang tunog. Namulat ako sa isang responsibilidad na hindi ko dapat hinahagkan.

Sumilip na ang araw mula sa kalangitan. Ang sahig, nabahiran ng liwanag ng araw.At sa aking pagmulat, hinampas ako ni Kaye ng tsinelas. Habang hawak ang kumot na pinangtapis niya. Nakatulog pala kami na naka full glory.

" Walangya ka! Pinagsamantalahan mo ako! Walangya ka! "

" Ano?! Ha?!" Hindi ko alam ang sinasabi niya.

" Alam mo ba kung anong ginawa mo sakin kagabi?! Ha?! Nako! Hinawakan mo ko. Tapos... Tapos ano!" Nawala ang pagiging Filipina niya sa kaniyang sarili. Para bang sa ginawa kong iyon, nabalatan ang magandang kutis ng mansanas.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko na ito. Ito ang madalas nangyayari sa mga telenovela. Pagkatapos nito, may oras na maduduwal siyam at yun na ang pahiwatig na, buntis na siya, sakin. Sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi na kami pumasok noong mga oras na iyon. Nasa may dining room siya, nakaupo sa upuan at nakatuon ang dalawang siko sa lamesa habang minamasahe ang ulo. Nagpapanic.

" Alah! Paano na yan?! Mabubuntis ba ako?! Hannah! Harold! Asan sila?!"

" Umuwi sila ng maaga. Ganun si Harold, hinahatid niya ang sinumang makainuman niya na pinatulog dito. " Naupo ako sa harap ng computer. Sinusubukang magrelax. MagDota kahit AI lang.

" Johhny! Anong gagawin natin?! Buntis na ako, sigurado na yun. " Napasimangot na siya.

" Napakatanga mo kasi! Antanga tanga mo?! Bakit kasi tumabi ka sakin?! Dapat sa sahig ka nalang! Dapat kay Harold ka nalang tumabi! Bakit sakin pa?! Hindi na ako matatanggap ng pamilya kong yan. At panigurado, hindi mo ako pananagutan hindi ba?! Itong batang lalaki sa tiyan ko? May ipapakain ka?! Wala! Kaya tatakasan mo lang ako. Hindi ba? Hindi ba? Sabihin mo? AmIaLiar? No! Alam ko ang mangyayari pagkatapos nito! tatakasn mo ako diba? Diba?!"

" Kaye.." Napabuntong hininga ako habang nagcocomputer.

" See! Answer me! Amalayer!? No! YOU are the liar! "

" Kaye, wag kang mag English please."

" Aba! So you're telling me, Wala akong pinagaralan!? FYI, May pinagaralan ako, Johnny! Sa totoo nga nyan ee, magka batch tayo. Madalas mo akong nakikita sa corridor ng school. At FYI, graduating ako ng Mass Communication Next year. That makes a sense right?! Hindi ako katulad mo na wlaang inatupag kung hindi magcomputer umaumaga, magaliw sa hapon at maginom sa gabi! "

" Kaye. Tama na."

" Bakit ako titigil?! Binuntis mo ako!"

" Lasing tayo,"

" Pero gusto mo!"

" Hindi ko ginusto ito," Patuloy parin ako sa pagcocomputer.

" Sa tingin mo, ako rin?! Hindi! So Paano na yan! Samahan mo ako! Ipapalaglag ko ang bata ASAP. Kailangan hindi ito agad lumaki!"

" Tumigil ka nga diyan.Kaye Batumbakal. Tumigil ka na."

" Wala ka ba talagang pakkialam, Johnny!? Ikaw ang may kagagawan nito! Ikaw ang-"

" Ano ba Kaye! Magaalmusal ka ba o hindi?! Maliligo ka ba o hindi?! Titigil ka ba o hindi?! Dahil kung titigil ka, tulungan mo akong maghanap ng magandang pangalan sa magiging anak natin! Tumigil ka na sa kakadakdak diyan! Potapete,"


At dito nagtatapos- hindi pala, at dito, ipinagpatuloy ni Johnny Kalan ang kanyang paglalakbay sa lugar na malupit na nagngangalang, MUNDO.