Naglalakad ako pauwi sa bahay. Medyo maliwanag pa. Nakita ko ang kalsadang noo'y bako bako ngunit ngayo'y sementado, ang tindahang sumasalubong sayo, ang pader na hindi naiihian. Maraming nagbago.
Sabi nila, kapag masama daw ang loob mo, pagod ka sa mga nangyayari sayo, huminga ka daw ng malalim at saka ibuga lahat ng mga sama ng loob. May iba pa nga na nagsasabing magabilang ka daw ng 10 habang humihinga ng malalim para humupa ang galit.
Kumakain ako sa paborito naming kainan sa harapan ng eskwela. Naupo kami ng mga kaibigan/kaklase ko sa may kanang parte ng tindahan. Nahahati kasi siya sa dalawa kasi ang nasa gitna ay ang lutuan at bayaran. Sa kaliwang parte, naroon ang mga kakilala ko sa ibang seksyon ng aming batch. May mga dala silang gitara at doon sila tumutugtog, kasali kasi sila sa patimpalak sa paaralan. Umorder ako ng "pantitilog". Pancit Canton na may Tinapay, iced Tea at Itlog. Mga ilang minuto pa'y dumating na ang pagkain. Kumakain na ang mga kasama ko, ako, nakikain narin. Halo ang pancit canton, inom ng iced tea, palaman ng itlog sa tinapay, ikot ng tinidor at sabay subo ng canton. Hindi lang ako makareklamo pero matigas talaga ang pancit canton. Para kang kumain ng net. Syempre wala akong magagawa, kaya hinayaan ko nalang. Mga ilang sandali pa, tumugtog na ang mga tao sa kaliwa namin.At doon ako napabuntong hinga. Naisip ko, paano nga kaya kapag tumanda na kami? Siguro lagi namain tong ikukwento. Na minsan kumain kami ng pagkain na may nakakatawang pangalan, na nagkaroon pa kami ng oras na maupo at magpahinga matapos ang maghapong pagaagaw buhay. Siguro kapag tumanda kami, ipagluluto ko rin ang mga apo at mga anak ko ng pantitilog. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nakita ko ang buwan, nakita ko na parang malamya ang kalangitan. Maulap pero sobrang init. Papalakad ako sa isang eskinitang walang kasiguraduhan. Kakagatin ka ba ng aso o hindi? Makakatapak ba ako ng jackpot o hindi? Maraming mga tanong. Walang maisagot.
No comments:
Post a Comment