sang araw, may nakita akong lalaki. Mukhang gutom na gutom, payat, sirasira ang damit, ang dungis dungis ng mukha tapos ika ika maglakad. Nasa simbahan ako, nagdasal ako dahil naging official photographer narin ako ng isang magazine. Nagpasalamat ako sa Panginoon, dahil nagbigay siya ng pagkakataon na magkaroon ng isang magandang trabaho. Nadaanan ko siya sa isang tabi ng simbahan, nakaupo siya, naubos na kasi ang paninda niyang Sampaguita kaya siya umupo at nagbilang ng pera. Pinagmasdan ko siya, sumakau ako sa sasakyan ko habang pinagmamasdan siya. Sa malayo, kitang kita mo na puro barya lang ang hawak niya. Palagay ko, hindi lalampas ng 100 pesos. Pagkatapos niyang magbilang, mga ilang minuto niyang tinitigan ang mga hawak niya tapos tumingin sa kahel na kalangitan, hawak hawak ang sunbrerong yari sa dayami. Hindi na ako nagtagal, binalewala ko nalang siya. Kailangan ko naring umuwi dahil panigurado na namang maghihinala ang asawa ko na may iba akong minamahal. Kaya pinaandar ko na ang sasakyang asul at bumulusok ang usok sa tambutso nito. Nakakaasar, Nakakaasar na ang asawa ko na laging nalang nagtatatalak tuwing umuuwi ako, mabuti nalang ang wala kaming anak, kung hindi, baka umiiyak lagi ang mga iho ay iha ko dahil sa takot sa.pagsisigawan namin. Tuwing gabi, hindi na kami makapaglambingan dahil ang tanong niya lang lagi ay, "Kumusta ang trabaho? Siguraduhin mo lang na may maiipon ka. " Kahhit na sabihing, sapat na ang pera para sa pagkakaroon ng anak, ayaw niya parin, Problema lang daw, saka nalang. Nakakapagpakulo ng dugo! Isa pang pinoproblema ko, Ay ang aking boss na pilit akong binibili sa kumpanyang pinasukan ko, ayaw niya akong hayaang mawala sa kmpaniya niya. Nakakainit ng ulo. Sa aking pagmamaneho, napansin ko na wala sa bulsa ko ang wallet ko. Kaya dali dali akong nagmaneho pabalik ng simbahan. Kabangkaba ako. Ayokong talakan na naman ako ng asawa ko. Kulang nalang, mamatay ako. SANA HINDI NALANG AKO NABUHAY! Ang dami daming problema sa mundo! Bakit ang init init?! Bakit laging trapik!? Bakit magulo ang bansang ito?! Ayoko na mabuhay sa mundong ito! Hinalughog ko ang buong simbahan at nakita ko ang lalaki kanina na tinititigan ko. Hawak hawak niya ang wallet ko habang tinitingnan kung anong laman. Hindi muna ako nagpakita, baka kasi may kuhann siya, kaunti lang naman ang laman nun kaya ayos lang kung sakaling may kuhanin siya. Kinuha ko ang akng kamera at sinubukang kunan ang gagawin niyang krimen. Nagbantay ako, pero hindi ang inaasahan ko ang nakita ko. Nabigla ako, dahil nalaman niyang kakaunti ang laman nito, naglagay siya ng ilang barya sa loob at nilapag ito kung san ito orihinal na nakalagay. Ngumiti siya tapos sumigaw, " Mga anak! May pang banana kyu na tayo! Whoo!! Ay,sorry po. XD " Napasigaw siya sa tuwa, kaso, napansin niya na nasa loob siya kaya siya humingi ng paumanhin sa harap ng altar. Para bang may nagbabantay nito na nakapako sa Krus. Pinatay ko ang aking kamera at kinuha ko ang aking pitaka. Nagulat talaga ako, dahil hindi lang pala barya ang nilagay niya, kundi isang maliit na porselas na gawa sa sampaguita. Mga ilang saglit, pumasok muli ang lalaki, at nakita niya ako. " Kayo po ang may-ari niyan? " sabi ng gusgusing lalako. " O-Oo. Salamat ha? Napakabait mo. Pagpalain ka ng Dyos. " sabi ko ng may ngiti sa labi. " Matagal na po akong pinagpapala ng Dyos. Kahit ho namatay ang bunso ko, Binibigyan niya parin ako ng rason para ngumiti. "
At doon ko napatunayan na Masaya pala mabuhay.
No comments:
Post a Comment