Movie Review: 24/7 in Love
Unang-una, Spoiler alert ito. Kaya kung ayaw niyong maSpoil ang panonood niyo, manood na kayo habang showing pa. Anyway.Ang 24/7 in Love ay showing pa mapahanggang ngayon. Ang sabi nila, panget daw. Hindi worth it panoorin, pero sa aking palagay, ito ay isang napakagandang pelikula. Hindi man ito para sa mga minor, pero para sa mga nakakarelate naman at nakakaintindi ng salitang PAGIBIG. Sa movie na ito, ipinakita kung paano nakaapekto ang PAGIBIG at ORAS sa iba't ibang tao. Sa iisang movie umikot ang tanong na, " Paano kung End of the World na bukas? Ano ang gagawin mo?" Ang character ni Kathryn Bernardo bilang si Jane ang naging puno na humahawak at kumokonekta sa mga karakter nina Deither Ocampo at Maja Salvador, Pokwang at Sam Milby, Gerald Anderson at Kim Chui, Zaijan Jaranilla,Piolo Pascual at Xyril Manabat,Kathryn Bernardo Daniel Padilla, Angelica Panganiban,John Llyd Cruz at Coco Martin at Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Dito ipinakita ang iba't ibang klase ng pagibig. Sa aking palagay nga, parang ito ang movie form ng "Para kay B" ni Ricky Lee. Kung saan nga, pinakita ang iba't ibang klase ng pagibig sa iba't ibang tao kung saan pinagtagpo tagpo sila sa iisang lugar at panahon. Masyadong predictable ang movie ngunit kapag talagang dinibdib mo ang movie, maiiyak ka sapagkat hindi dahilan ang pagiging predictable nito. Sa unang kwento, ipinakita nina Pokwang at Sam Milby na ang Pagibig, ay hindi nangangahulugang SUPER involved ang SEX o ang pakikipagtalik. Kahit laging nauudlot ang nakaschedule na pakikipagtalik nila, nanaig parin ang pagibig kahit na nakakatanda si Pokwang kay Sam. Sa pangalawang kwento, Napakaikli lang nito, ngunit dito ipinakita ang pagmamahal at pagkalinga ng dalawang taong nagiibigan sa isang batang hindi naman nila kaano ano. Hindi sinabi kung kanina talaga yung bata ngunit para sa kanila, ang batang iyon ang naging daan para malaman ng isa't isa ang nararamdaman nila. Sa pangatlong kwento, ito talaga ang isa sa mga tumatak sa aking puso noong mga oras na iyon. Sa kwento nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, namayani ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Bakit? Ipinakita ni John Lloyd Cruz na hindi kailangan ng isang tao na ilaan lahat ng kanyang oras sa pagibig. Dito niya ipinakita ang pagmamahal niya sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagtanggap sa realidad na hindi talaga sila ni Angelica para sa isa't isa ngunit, itinakda si John Lloyd na maging isa sa mga taong bumuo muli sa nasirang puso ni Angelica. Tinanggap niya na ang pagtulong ng binata sa dalaga ay sapat na upang maging masaya. Sa huli, naging maayos ang pagiibigan ng asawa ni Angelica na si Coco sa pagbalik nito sa Pilipinas galing Vietnam. Sa pang apat na kwento, naging problema dito ang nararamdaman ng isang dalagang in love sa kanyang gay bestfriend. Dito ipinakita nina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo na ang pagkakaibigan ay sapat na upang mabuhay sila ng maligaya at masigaboang kanilang relasyon bilang mag-LABS (Tawagan nila bilang magbestfriends. ) Sa pang-limang kwento, ito rin ay nabibilang sa mga kwentong tumatak sa aking puso sapagkat namayani rin ang pagkakaibigan nina Piolo Pascual bilang isang Mentally Disabled chiled at nina Zaijan at Xyriel. Sa murang edad, si Zaijan ay namulat na sa pangliligaw kay Xyriel. Si Piolo naman, ang dapat ay tulay sa matamis na Oo ni Xyriel ngunit naging balakid pala sapagkat si Piolo pala ang napupusuan ni Xyriel. Kaya naman si Zaijan, nagdesisyon nang magpaampon, nguniut bago siya kupkupin ng mga magiging magulang niya, nakipagayos sa Piolo at doon, kahit na natuloy ang pagampon, naging masaya naman sila sa huli. Sa huling kwento, Dito nakikipaglaban ang TRABAHO at ang PAGIBIG. Naging masyadong Job - Oriented si Kim kaya naman hindi na niya naiintindihan ang mga nararamdaman ni Gerald, ang kasintahan niya dati na naiwan niya sa Cebu sapagkat nagaral at nagtrabaho. Naging problema dito ang trabahong inalok ni Kim kay Gerald na maging underwear model, noong una, hindi siya pumayag , tumanggi siyang alisin ang kanyang pantalon ngunit sa pangalwang pagkakataon, pumayag na siyang maging model kahit isang beses lamang para sa kaniyang minamahal na si Kim. Dito naibahagi ni Kim ang oras niya sa trabaho at sa kaniyang iniibig na si Gerald bilang Patty at Alvin. Ang pelikulang ito ay hindi naglalayong ipakita kung sino ang mas magaling umarte o umiyak, ito ay naglalayong ipakita ang kahulugan ng pagibig at ang nagagawa nito sa tao. Isang payak na pelikula ngunit komplikadong mga kwento. Sa mga kwentong ito, ang bumuo sa mga pangarap ni Kathryn. Naging bahagi ang mga kwentong ito sa videong ginagawa ni Kathryn kung saan nainterview niya ang mga taong ito. At sa videong ito nakasalalay ang pagkikita nila ni Billy Fernandez o si Daniel Padilla sa isang concert. Sa concert na iyon, nagkasama sama ang mga major cast ng pelikula ng masaya at nagiibigan. Napakagandang pelikula. Medyo baduy man, pero, may aral namang napupulot. As in, relate na relate ako sa movie, lalong lalo na sa kwento nina Bea at Zanjoe. Palibhasa kasi, may bestfriend din akong babae, but anyway, Sana mapanood niyo ang pelikulang ito. Hindi ako binayaran para magpromote ha? Gusto ko lang maramdaman niyo kahit oaminsan minsan ang simoy ng pagibig sa hangin. Maraming naidudulot ang pagibig para sa atin. Lahat tayo, dumadaan sa puntong kailangan masaktan. Syempre, Life is not Perfect ika nga.Mapa-Pagibig sa Kaibiga, Sa Baklang kaibigan, Sa isang stranger na natulungan, Sa isang Singer Hearthrob, Sa isang Boss ng kumpanya, Sa isang normal na tao, sa isang Virgin, Sa isang Pro-Life, Sa isang Pro-RH Bill. Dalawa lang ang dapat mamayani sa ating mga puso pagdating sa pagibig. Ang pagtitiwala at pagmamahal. Saan mang anggulong tignan, Umiikot sa mundo araw-araw, gabi gabi ang salitang PAGIBIG.
Labels:
Blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment