A Different Point of View

Bilang isang self-proclaimed Photographer, hindi ako nawawalan ng mga shots na halos ika guho ng mundo ko.  Anong ibig kong sabihin? May mga shots kasi akong EPIC FAIL sa sobrang FAILNESS. May mga shots na blur ang subject, ang iba naman, under-exposed o over-exposed. At minsan, ETO. Ang larawang nakikita niyo ngayon ay isa sa mga paborito kong shots. Bakit? Look closely.Ang ganda ng view diba? Blue skies, green leaves, white structure, at kung nasakop pa niyan ang dagat? Nako, Near-perfect ang shot para sa akin, pero, Ang talagang subject ng shot na yan, ay ang yellow na bulaklak. Ang blur na yellow na bulaklak. Noong nakita ko ang shot na yan, aba, hindi ko malaman kung anong kamalasan ang pumatong sa ulo ko ng mga oras na iyon. Pagka shot na pagka shot ko, at nakita ko, ang sabi ko sa sarili, " Potapeteng gago." Hindi maalis sa sarili ko ang mainis. syempre! Award-wining ang shot! Tapos may epal na BLUR. At ang nagblur pa, yung SUBJECT. Hindi lubos maisip kung bakit pa nangyari iyon, nagbait naman ako, bakit ganoon!? Anti-RH Bill naman ako, bakit nagkaganoon! Geez. Pro-Life ako! Pro-LIFE! Anyway. Ganito ang buhay. Tayo ang photographer. Nasa sa atin kung saan tayo titingin, kung nasaan ang ating POINT OF VIEW. Nasa atin kung saan tayo titingin, sa masama? o sa mabuti? Sa maganda ? o sa panget? Nasa sa inyo iyon. Ang mga pictures ang mga alaala. May mga magaganda, may hindi kagandahan, may nakakatakot, may nakakatawa. Iba't ibang uri ng litrato ang naiimbak sa atiing mga isipan sa tuwing nararansan natin ang mga ito. Halimbawa, kapag nabuklat mo muli ang lumang Album ng picure mo noong bata ka, may mga pagkakataong, kapag nakita mo ang sarili mo na hubo't hubad nong bata ka pa, maaaring marumi ka, o kaya nama'y matawa. Parang mga clown din, kahit na may mga baby na umiiyak tuwing nakikita sila, Ok lang, kasi at least, may ibang mga tao pa silang napapasaya maliban lang sa mga batang iyakin. Nasa iba't ibang pagtingin yan. Nasa sarili nating perspective sa buhay. Lagi mong tatandaan, ang buhay, hindi perpekto. Ang iaalok sa'yo, maaaring ikapahamak mo, o kaya nama'y ikagalak ng puso mo. Sa Pagibig, dito rin pumapasok ang salitang PERSPECTIVE o Point of View. Kung may makikita kang couple sa simbahan, tapos ang lalaki, hindi ka gwapuhan, pero ang babae, maganda, hindi mo mapigilang sabihin sa sarili mo " Nako, nagayuma. " Teka lang, hindi pwedeng True Love? See, ganan ang perspective, kahit na hindi kagwapuhan, kahit mukha kang nagayuma, try mo tingnan ang positive side, mahal ka niyang totoo, tapos. Sa buhay, ganoon rin. Bagsak ka sa test? Nah, at least natuto ka. Talo ka sa contest? At least, nakasama ka. Break up? Nah, at least free ka na ulit. (Masarap maging single)  Kahit na masakit, kahit na mahapdi sa puso, kailangan mo paring maging masaya dahil may mga tao paring nagmamahal sa'yo kahit na hiniwalayan ka ng mahal mo. Kailangan mong tingnan ang ibang anggulo. Kailangan mong ngumiti dahil may mga itinirang magagandang bagay ang Diyos para sa'yo. Maging masaya ka sapagkat kahit inaantok ka pa dahl ginising ka ng alarm clock, pasalamat ka dahil nagising ka. ang mga kaibigan mo, Pro-RH Bill, So what? Pro-Life ako. Masaya ang Diyos para sa akin. Tayo ang photographer ng buhay natin. Tayo ang magbibigay kulay sa mga bagay na nakatakdang maging black and white. Tayo ang magbibigay kasiyahan sa mga mukhang noo'y hindi nasisinagan ng araw. Tayo ang hahanap ng sarili nating point of view kung saan magagalak ang puso nating sugatan at naglalaway sa pagmamahal.

No comments:

Post a Comment