The Mighty Adventures of Johnny Kalan


" I'm Sorry Johnny. Pero.. hindi ko masasagot ng Oo ang panliligaw mo. Sorry talaga. "

Ganyan at ganyan na lamang ang sagot ng iba sakin. Alam mo yung wala nang matinong sagot ang mga babae kundi, "Hindi ka sapat para sakin. " Lahat na ginagawa ko para sa kaniya. Para sa taong mahal ko. Pero bakit ganon? Ilang dosena na ng babae ang naligawan ko? Ilan na? Hindi na sapat ang kamay at paa ko para magbilang. Sabihin na nating bata pa ako. Third Year College Student mula sa isang maganda school. Magandang lalake. Tsinito at maganda ang katawan. Pero bakit? Bakit wala pang kumakagat sa pain ko? Nakakainis. Nagpapakabait na ako. Nagaaral na ako ng mabuti. Ano bang  problema nila sa'kin?!

" Oh pare, Hulaan ko, Basted ka na naman. "

Hindi na ako umimik. Napatungo na lamang ako sa sahig. Habang nakaupo ako sa aking kama, si Harold, nakatingin sa akin na para bang naaawa na sa sitwasyon ko, pero ang di niya alam, alam ko na gusto niya lang magyaya ng inom kaya siya naaawa sa akin. Pustahan tayo, ito ang linyang ssabhin niya mamaya. " Pre' Maginom nalang tayo para mawala ang sama ng loob mo."

Umupo siya sa aking tabi. Wala mang sinasabi, alam kong pinapagaan niya ang loob ko sa kaniyang kalmang paghinga.

" Pre' Maginom nalang tayo para mawala ang sama ng loob mo."

"Ano? Tayo na naman? Nakakasawa na tayong dalawa."

" Sama nalang natin yung tropa ko. Papakilala kita sa kanila."

"Bahala ka. Basta dito lang ako. "

Noong araw ding iyon, Linggo ng hapon, dumating sina Harold, at dalawang babaeng tropa niya daw. Pero hindi naman at mukhang nakuha niya lang yung isa sa isang bar na malapit dito. At yung isa, simple lang. Mukhang first time maginom. Kapwa third year student namin ni Harold. Nakita ko na siya dati sa corridor, ka batch namin ito. Ano nga ulit pangalan niya?

Nakaupo ako sa terrace namin, pinagmamasdan ang kahel na kalangitan na unti unting natutulog.

" Pre' si Hannah," tapos kumaway si Hannah ng sobrang landi.

"At ito naman si-"

"..K..K..Kaye?..right?"

"uhh, yeah. " sumagot si Kaye ng sobrang hinhin.

" Oh? Ano na? Inuman na!"

Hindi man kami close ng dalawang babae, pero mukhang si Hannah, feeling close lagi. Kala mo, porke nakasama ko maginom, kami na. Hanep maka hawak sa braso. May haplos pang kasama. Si Kaye naman. Pinipilit pang uminom. Sa pagkakaalam ko, kaya sumama si Kaye, dahil may problma rin daw. Gusto makalimot sandali. Kahit na class officer, wala na siyang pakialam sa regulasyon ng school. Parang ewan no? Sa sobrang higpit ng hawak sa sabon, napipilitang kumalas ang ilang studyante at dumulas paalis sa malupit na kamay na humahawak dito. Ako naman, tulad ng dati, inom lang ako ng inom. Para bang walang bukas na haharapin. Hindi ko iniisip kung magsuka ako sa harapan ng dati kong niligawan, si Kaye.Ang tadhana na mismo ang gumawa ng daan para magkasama kami sa isang inumang ganito. Habang kami'y nagiinom at namumulutan, hindi ko mapigilang isipin ang mga oras na kaunti na lamang ang pagitan ng puso naming dalawa, ngunit nabuwag ng hindi inaasahang pangyayari.

" Kaye? Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Nakita ko si Kaye sa may bench malapit s isang malaking puno. Umiiyak.
" Ha? Ako? Di ah, " sabi niya.
"Ano ka ba, hindi porke manliligaw mo ko, magtatago sa akin ng ganyan, kaibigan mo ako."
" Kasii..Kasi..." Humagulhol na si Kaye. Narinig sa hangin ang kaniyang mahinhing boses. Humihingi ng tulong. Humihingi ng pagkalaya ng pusong nakulong sa isang malunkot na pangyayari sa buhay niya.
"Si Ate, Nagpakamatay."
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noon. Natatandaan ko pa nga, siya ang nagreto sakin kay Kaye. Siya yung the best na ate para kay Kaye. Mahirap. Masakit. Pero hindi maiwasang maluha rin ako. Ang sabi sakin ni Kaye, nagpakatiwakal ang Ate Irene niya dahil nabuntis daw siya. Hindi pinagutan ng boyfriend. Nagiwan na lamang ng sulat sa tabi ng kanyang bangkay na nakabitin sa kisame. Nakatali ang leeg at puno ng taga ang braso at binti. Kaya naman noong mga oras na iyon, nilahat ko na ang pagkalimot ng problema. Kumbaga, back to zero ako bukas. Reformat ng Hard Disk dahil puno na at nabagal na ang PC.

Magaalas dyis na ng gabi. Ako, Si Hannah, at si Kaye. Mga lasing na. Hindi ko na malaman kung alin ang kutsara at alin ang sisig. Kaya naman, napagdesisyonan na ni Harold na ipasok na kami sa loob. Kahit nanghihina, binuhat niya si Hannah sa isang kama sa isang kama ng dorm ko. At si Kaye sa kama ko. Ako naman, may lakas pa akong tumayo, kaya naman nahiga na ako sa kama kung saan naroon si Kaye. Hindi ko na alam ang mga nangyari. Basta, Maraming nangyari noong gabing yuon. Naranasan ko muli ang matagal ko nang hindi natitikman. Natikman ko ang sarap na inaalok ng mundo sa akin. Pinagsukluban ako ng demonyo noong mga oras na iyon. Hindi ko na alam ang tama at mali. At dahil doon, nanaginip ako.

" Johnny!Ano to?!" Si Sir Lopez.. Hawak ang plastic balloon na nasa bag ko. ]

" Ehh, Siir. Nilalaro ko lang naman po-"
"Ano to?! Laruan?! Nawawala ka na ba sa sarili mo? Ito!? Laruan? Kanio mo ito gusto gamitin?! Ha?!"

" Sir, wala po. " Hindi ko lang masabi. Pero balak ko talagang pumunta sa lugar aliwan sa malapit sa isang kanto malapit sa bahay namin. Doon ko ibubuhos ang allowance kong bigay ng maluho kong tiyahin. Na walang ginawa kung hindi magsugal at ibili ng kung ano ano ang mga perang ginagamit niya. Wala naman siyang pakialam sa akin ee, kaya gusto ko nalang maging masaya sa buhay ko. Angtanggapin ang alok ng mundo.

"Kailangan kong makausap ang guardian mo, kahit sa cellphone,"

" Sir, wala pong cellphone ang tiyahin ko."

"Telepono."

"Wala ho."

"Papuntahin mo nalang siya dito."

" Wala ho siya dito. Nasa NuevaEcija."

" Ehh di sa internet,"

"Wala hong computer dun."

" Kailan ang balik?."

"Hindi ho sigurado."

"Magisa ka sa bahay?"

"Oho."

" URGGH! Bahala ka sa buhay mo. Basta, masususpend ka ng ilang linggo dahil dito."

Naiyamot na si Sir Lopez at pinaupo na ako. Ang mga kaklase ko naman, nakatingin lahat sa akin. Wala nang ibang masabi kung hindi, " Ano ba yan."

Hindi ko na pinansin ang mga yun. Basta ang gusto ko lang, maging masaya dahil may pera na ako.Para makapagliwaliw.

" Hi Sir Johnny!" Pagbati sa akin Jennifer. Isang waitress sa lugar-aliwan na pinuntahan ko pagkatapos ng klase.

" Uhh, Extra Service ako. " sabi ko.

"This way sir."

At dinala niya ako sa isang silid. Noong una'y madilim, pero nang magbukas na ang ilaw sa kabilang kwarto na napaghihiwalay ng isang pader na may salamin, makikita mo ang naka linyang mga magagandang babaeng nakatapis lamang.

" Buti ho talaga, hindi kayo narerade dito. " sabi ko.

" Bakit ho?"

" Nagpapapasok kayo ng high school student na kagaya ko dito. "

" Ang kasiyahan ay para sa lahat. Yan ho ang motto namin. "

Hindi na ako sumabat. Namili na ako ng babae. Nagbayad. At doon ko nagamit ang extrang plastic balloon na naipuslit ko sa wallet ko. Lahat sila, parepareho ang mga sinasabi. Naririnig ko ang mga salitang hindi ko gusto ngunit patuloy kong ginagawa. Naririnig ko ang bawat "Hindi." ng mga babaeng nililigawan ko. Wala na sila. At dahan dahang nawala ang tunog. Namulat ako sa isang responsibilidad na hindi ko dapat hinahagkan.

Sumilip na ang araw mula sa kalangitan. Ang sahig, nabahiran ng liwanag ng araw.At sa aking pagmulat, hinampas ako ni Kaye ng tsinelas. Habang hawak ang kumot na pinangtapis niya. Nakatulog pala kami na naka full glory.

" Walangya ka! Pinagsamantalahan mo ako! Walangya ka! "

" Ano?! Ha?!" Hindi ko alam ang sinasabi niya.

" Alam mo ba kung anong ginawa mo sakin kagabi?! Ha?! Nako! Hinawakan mo ko. Tapos... Tapos ano!" Nawala ang pagiging Filipina niya sa kaniyang sarili. Para bang sa ginawa kong iyon, nabalatan ang magandang kutis ng mansanas.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko na ito. Ito ang madalas nangyayari sa mga telenovela. Pagkatapos nito, may oras na maduduwal siyam at yun na ang pahiwatig na, buntis na siya, sakin. Sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi na kami pumasok noong mga oras na iyon. Nasa may dining room siya, nakaupo sa upuan at nakatuon ang dalawang siko sa lamesa habang minamasahe ang ulo. Nagpapanic.

" Alah! Paano na yan?! Mabubuntis ba ako?! Hannah! Harold! Asan sila?!"

" Umuwi sila ng maaga. Ganun si Harold, hinahatid niya ang sinumang makainuman niya na pinatulog dito. " Naupo ako sa harap ng computer. Sinusubukang magrelax. MagDota kahit AI lang.

" Johhny! Anong gagawin natin?! Buntis na ako, sigurado na yun. " Napasimangot na siya.

" Napakatanga mo kasi! Antanga tanga mo?! Bakit kasi tumabi ka sakin?! Dapat sa sahig ka nalang! Dapat kay Harold ka nalang tumabi! Bakit sakin pa?! Hindi na ako matatanggap ng pamilya kong yan. At panigurado, hindi mo ako pananagutan hindi ba?! Itong batang lalaki sa tiyan ko? May ipapakain ka?! Wala! Kaya tatakasan mo lang ako. Hindi ba? Hindi ba? Sabihin mo? AmIaLiar? No! Alam ko ang mangyayari pagkatapos nito! tatakasn mo ako diba? Diba?!"

" Kaye.." Napabuntong hininga ako habang nagcocomputer.

" See! Answer me! Amalayer!? No! YOU are the liar! "

" Kaye, wag kang mag English please."

" Aba! So you're telling me, Wala akong pinagaralan!? FYI, May pinagaralan ako, Johnny! Sa totoo nga nyan ee, magka batch tayo. Madalas mo akong nakikita sa corridor ng school. At FYI, graduating ako ng Mass Communication Next year. That makes a sense right?! Hindi ako katulad mo na wlaang inatupag kung hindi magcomputer umaumaga, magaliw sa hapon at maginom sa gabi! "

" Kaye. Tama na."

" Bakit ako titigil?! Binuntis mo ako!"

" Lasing tayo,"

" Pero gusto mo!"

" Hindi ko ginusto ito," Patuloy parin ako sa pagcocomputer.

" Sa tingin mo, ako rin?! Hindi! So Paano na yan! Samahan mo ako! Ipapalaglag ko ang bata ASAP. Kailangan hindi ito agad lumaki!"

" Tumigil ka nga diyan.Kaye Batumbakal. Tumigil ka na."

" Wala ka ba talagang pakkialam, Johnny!? Ikaw ang may kagagawan nito! Ikaw ang-"

" Ano ba Kaye! Magaalmusal ka ba o hindi?! Maliligo ka ba o hindi?! Titigil ka ba o hindi?! Dahil kung titigil ka, tulungan mo akong maghanap ng magandang pangalan sa magiging anak natin! Tumigil ka na sa kakadakdak diyan! Potapete,"


At dito nagtatapos- hindi pala, at dito, ipinagpatuloy ni Johnny Kalan ang kanyang paglalakbay sa lugar na malupit na nagngangalang, MUNDO.

No comments:

Post a Comment