Santa Claus

Kinakabahan, pinagpapawisan, wala na akong mukhang maihaharap sa aking ina kapag nakita niya ang puti kong panyo na nangungulay itim na sa dumi at pawis na walang pakundangang tinatanggap niya. Nasa Gymnasium kami ng school, Marami tao, marami nagaabang sa taong taong Choral Speech sa eskwela namin. At dahil may solo, mini solo ako sa performance namin, ramdam ko talaga ang pangingiinig ng aking mga kamay. Palibhasa, gutom. Maghapong hindi kumain dahil nagpractice ng nagpractice. Nakakainis kasi yung leader namin, ako pa ang piniiling maging Santa Claus sa choral speech. Kung saan, ang storya, ang mga elves na nagtatrabaho sa kaniya ay magrerevolt sakin, and then, ako rin ang sosolve ng problema. Ganoon naman lagi.
" Jake, Pakiasikaso ng music na gagamitin natin. Hanapin mo si Mars. Siya ang magpapatugtog para sa atin."
"Ok,"
With no further ado, tumayo ako sa sahig na kinauupuan ko at saka ko hinanap si Mars. Sumiksik ako sa mga taong kasali rin sa contest. Ang mga suot nila, iba iba. May isang klase na ang motif ay Sky blue, gold and silver, white. green, red. Marami. Ang ilan pa nga, hindi pa bihis. Habang naghahanap ako kay Mars, maraming tao ang nakatingin sakin. Dahil nga kakaiba ang suot ko, isang maluwang at mainit na damit ni Santa Claus, with mathcing black shoes at white glove pati narin ang Santa Hat. See, imagine niyo kung gaano karaming litro na ng pawis ang nailabas ko? Sa bawat pagdaan ko sa iba't ibang tao, iba't iba rin ang sinasbi nila.
" Uuuy! Si Santa oh!"
"Santaa! Pahingi regalo!"
" Santa, Ang pogi mo!."

Nagkanda hilo hilo na ako sa paghahanap, nasa may bandang left lang pala siya ng stage. Naghihintay ng kung ano.

" Mars! Ano? Tara na sa Sound System Room, Para metest natin yung music,"
" Sige Sige. "

At muli, pupunta na naman ako sa kabilang sulok ng gym kung saan dadaan ka pang muli sa mga taong walang ginawa kundi ikondena ang pagpapatupad ng RH Bill.
Mainit sa loob ng SSR. Sa maliit na kuwadradong kwarto kung saan napupuno ang hangin ng mga Carbon Dioxide ng mga matataas na tao. Ng mga taong walang ginawa kundi lapain ang mga pwesto sa itaas.

" Ser, "
"Oh?"
"Patesting naman naring wire saka ho naring cellphone kung gagana diyan."
" Patingin, Ay oo, gagana yan. "

"Mars!"
"Oh?"
" Gagana daw, Ikaw na bahala sa amin ha? Wag mong kalilimutan yung mga sequence kung saan mo patutugtugin. Ok? Salamat!"
"No prob, dude."

Nasa itaas kasi ng gym ang SSR. So, pagbaba ko, nakapatong sa likod ko ang pangitaas ko na sobrang init sa balunbalunan. Lahat sila, kinokondena ang pagpapatupad ng RH Bill. At pagbaba ko, may isang babaeng nakaPuting Polo Shirt at may dalang Ipad. Sa unang tingin, mayaman, may kaya ang taong ito. Makikita mo sa kaniyang ngiti ang isang kasiyahang hindi kailanman mabubuwag ng simpleng problema.

" Oh, Santa Claus! " sabay tapik sa balikat ko.
"Gagalingan mo ha?"
"Ah..Hehehe. Salamat po.." sabi ko.

Ang isang weird dito,naka costume lang ako ng Santa Claus, parang close na kami. Ni hindi ko nga siya kilala. Pero parang sa mga oras na iyon, may naramdaman akong kakaiba sa puso ko. Noong mga oras na iyon, parang may isang piraso ng alala ang nagsasabing kilala ko ang taong ito. Ang taong ito na ginagawa ang lahat para pabagsakin ang pagpapatupad ng RH Bill.
Oras na ng paligsahan, nakitaan ng galing ang bawat estudyante na nanala noong eliminations. Ang mga kalahok, walang ginawa kung hindi magbow ng mag bow. Ang tanging hangad ay ang palakpak ng manonood kahit na hindi naman talaga pwedeng pumalakpak dahil masisira ang pinakaiingat ingatang katahimikan.

" Contestant number 5! The Class of 3S-AG!"

Sobrang kabado na ako. Kabang kaba para sa aking gagawin kahindik hindik, mapangahas, mapagmatyag na role ng pagiging Santa Claus. Ang mga dapat kong sasabihin, ay nawala na sa gutom, kinain na ng gutom na gutom kong tiyan. Pagtapak ko sa stage, wala na akong magawa, hindi ko kinaya ang pagkanerbyos ko, at doon ako nagkalat. Nadissappoint ako sa ginawa ko. Nagalit ako dahil pinahamak ko ang aking mga kaklase. Nagkamali ako sa ilang linya at ilang akto. Doon ko naramdaman, napagtanto na hindi ko kailangangan ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga ako magaling. Hindi ako pang actor. Magaling lang ako maginarte, pero ang maging aktor, hintayin mo ang araw na maging yelo, sakaako gagaling mag aktor.

Noong mga oras na natapos kami, natulala ako. Sa may backstage kasi, may pinto or gate na papalabas papuntang open court. Napaupo ako sa isang konkretong upuan. Tulala. Walang imik. Nagsisisi kung bakit ako hindi kumain ng lunch. Kung bakit kinabahan ako. Kung ko pinariwara ang performance na karapatdapat para sa ilang box ng pizza, hindi para sa trophy.Mga ilang minuto pa, ang babaeng nakaputi, lumapit sakin at tinabihan ako sa aking pagkakaupo.

" Oh? Bakit ka malunkot? Nakita ko ang performance mo, ok naman ah." nakangiting sinabi niya.
" Wala nga hong kwenta. "
"Ano ka ba. Meron, kung nakita mo ang ibang tao, nakangiti sila habang pinapanood ka."
" Wala naman eh,"
" Anong wala. Alam mo, kung titingin ka sa kabilang banda ng buhay, mapapagtanto mo, masaya ang minsa'y magkamali. Doon ka natuto. At kung hindi ka lang tumingin sa judges? Malamang, hindi ka kinabahan. Kasi, yang judges, pahamak lagi yan sa magpeperform, ayaw ngingiti pag natutuwa, seryoso lagi, pampatense sa mga kalahok, kaya wag ka malunkot, mahal ka ng Diyos. Mahal ka niya."
"Ehh, kasiii.-"
"Hep, Tumigil ka, sige na, aalis na ako.Pupuntahan ko pa kasi ang anak ko. Ngumiti ka na Santa. May mga batang nagaabang sa'yo sa loob."
" Sa loob?" Napatingin ako sa may bintana ng gym, nakita ko, ang mga first year students na parang may hinahanap din sa may binatana, parang ako ang hanap nila, si Santa Claus na pawisin.
" Teka-" Nang maibaling ko na ang paningin ko sa kaniya, wala na siya. Pero bago siya nawala, may naramdaman ako, parang naramdaman ko, sa puso ko, na siya ang Ina ng Bestfriend ko. Na nagpalakas ng loob ko noong malapit ko nang iyakan ang pagkawala ng isang walang kwentang tinggang tropeo.

No comments:

Post a Comment