Kaharian

Ang utak ng tao, ay isang paradaym. Sukdulan ang nilalaman nito. Ngunit limitado ang mailalagay mo dito. May iba't ibang tao ang biniyayaan ng pambihirang talino at imahinasyon. May iba rin naman na nakukuha ang katalinuhan sa sipag at edukasyon. Mayron naman na God-given talaga. Sa sobrang talino na nga, nakakalimutan na ang pagiging Katoliko. One case ay si Iron Man. Fictional Character man, isa siyang Genius Playboy Billionare. At the same time, siya rin ay atheist. Maraming nagagawa ang utak sa tao. Syempre, Unang una, sa ating pangangatawan, siya ang central na kinakailangan ng katawan, para siyang CPU ng kataan natin. Walang kwenta ang Monitor ang Keyboard , ang Mouse at iba pa kung wala ang main commander.Pangalawa, dahil nga siya ang naguutos kung ano ang gagawin nain, siya rin ang dahilan kung ano ang mangyayari sa atin. Tayo kasi ang magdedesisyon. Saan man anggulong tignan, siya parin ang puno't dulo ng lahat ng gagawin mo. Lumandi ka, Gawa ng utak mo, Nagmahal ka, hindi dahil ng puso mo kundi dahil ng utak mo rin. Marami ang nagagawa ng utak. Kaya naman, natanong mo na ba sa sarili mo, Ngayong taon kaya? Nagamit ko ba ang utak ko sa matinong mga bagay? Posible naman. Hindi ka naman sobrang sama para pumatay ng tao dahil lang nakita mo siya. Napakahangal! Sa ating mga desisyon, ang laging nangunguna diyan ay utak. Ang katagang, "Let your heart decide" ay isang ekspresyon lamang! Kaya huwag mong gamitin ang puso mo kapag nagiisip ka! Puso yan! Puro dugo ang laman niyan! Kaya naman sa pagbig, huwag na huwag mong gagamitin ang puso. Gamitin mo ang hypothalamus mo. Sabi nga sa amin ng aming BIO teacher noon, " Kapag manliligaw kayo, huwag niyong sabihin na, "I love you with all my heart. " sabihin niyo. "I love you with all my hypothalamus. "" Pangatlo, ito ang ating imagination vessel. Ang Pagibig na sinasabi mo ay isang ideya lamang. Ang Panananampalataya, Ang pagtitiwala, ang pagkakilig, ang pagasa at kalayaan. Mga ideya lang yan na ginawa ng utak natin. Pero, ang mga ideyang ito ay maaari nating gamitin,ipakita o madama. Ang utak natin ay, sabihin na nating, sarilisarili nating KAHARIAN. Kaya mong maghari dahil nagagawa mo lahat ng gusto mo. Kaya mong magliwaliw. Party all night, maginom,magsaya, kaya mo ngaring lumipad! Marami kang magagawa sa sarili mong kaharian.Ang imahinasyon natin ay sukdulan. Isipin mo, ang imahnsyon natin ay ang kalangitan, at ang ating isipan ay ang mga lobo. Kayang lumipad ng lobo kung saan niya gusto. Ang utak natin ay kayang magisip. Ang kalangitan ay walang hanggan, katulad ng imahinsayon natin. Ang kontrol sa ating pagiisip ay maihahantulad mo sa hangin. Go withthe flow kumbaga. Kaya naman, sa taong ito, masasabi mo bang nagamit mo ang utak mo sa kabutihan o sa kasamaan? Saan ba nadala ng hangin ang mga lobo? Gaano na ba kataas ang lipad ng utak natin? Anong maganda na ang naidulot ng mga munting utak natin sa ating buhay? Ano? Paano? Saan at kung kailan?

No comments:

Post a Comment