
Mga pare! Kung natatandaan niyo, para sa mga lalaking o mga babaeng nanonood ng Samurai X. Eto yun! Ang pelikula ay talagang hango sa sikat na manga o japanese comic na Samurai X. Sinusundan niya ang kwento ng isang assasin na gustong magbago, Si Kenshin Himura. Kung mapapanood niyo ang movie, umiikot ang storya sa iisang bagay lamang, ang "katana" o ang espadang ginagamit noon sa Japan. Noon, ang batayan sa katapangan ay ang iyong katana o ang iyong tapang sa pakikipaglaban.Kaya naman, sumikat ang katagang "Battosai" noong kasagsagan ng gyera. "Pure Drawn Sword." ang ibig sabihin nito. Kaya tinawag si Kenshin na Battosai ay dahil sa kaniyang ipinamalas na galing sa pakikipaglaban at pagpatay. Ang Pure Drawn Sword ay isa sa mga techniques na ginagamit niya sa pakikipaglaban. Shet. Action Drama ang genre. Talagang pinabigat ng drama ang pelikula kungtitingnan. Lalo pang pinainit ng labanan ang pelikula kaya naman, kahit jingle na jingle ka na, hindi mo kayang bumaba ng sinehan at jumingle sa cr. Eto, experience ko noong nanood ako, jingle na jingle na ako, pero noong nakita ko na na malapit na ang finale battle, ay nako, I ain't got time for that. HAHA. But anyway, Maganda yung movie. Ang pelikulang ito ay pinaguusapan na sa net at ibang social networking sites. Sabi nila, " the movie is near-perfect!" Talagang maganda yung movie. Una, Yung effort sa pagpapanumbalik ng traditional japanese environment. Pangalawa, ang choreography sa mga battle scenes, pangatlo, ang props at ang costume ng cast, hindi OA, pangapat, yung pagdadrama ng cast, swabeng swabe. Ang kwento: Isang assasin ang gustong magbago at ninanais nang huwag makapatay. Ngunit, dulot ng kanyang mga ginawa noon, gustong maghiganti ng mga taong nakaengkwentro niya noong giyera. Wew. Manood na nga lang kayo! Wala talaga akong masabi sa movie na ito.
CAST :
TAKEHARU SATO:
Japanese Actor. Galing Saitama, Japan. Ilang taon narin siya sa industriya ng showbiz.Isa sa mga naging movie niya ang yung Kamen Rider Den-O saka yung Beck. Marami na siyang fans dito although hindi pa siya kilala ng karamihan tulad ng kasikatan ni mario Maurer dito sa Pilipinas. 170 cm height at Blood type A. WOW. XD
EMI TAKEI:

Bukod sa pagarte bilang Kaoru Kamiya sa Rurouni Kenshin, Naging Tsubaki Hibino rin siya sa pelikulang Love for Beginners.
KOJI KIKKAWA:
Siya ang naging isa sa mga protagonist ng pelikula. Bilang Udo Jine, pinakita niya ang profesionallism niya sa pagarte sa Rurouni Kenshin.
YU AOI:
"Yu Aoi, born in Kasuga-shi, Fukuoka on August 17th, 1985, is a popular Japanese actress & model. Since elementary school Yu Aoi has been a member of Itoh Company Group (talent agency). In 1999, at the age of 14, Yui made her stage debut as Polly in the musical production "Annie." During the audition process for "Annie," Yu Aoi was chosen over 10,000 other contestants for the role of Polly. Yui Aoi's career blossomed further with her appearance in Shunji Iwai's highly acclaimed film "All About Lily Chou-Chou." In 2002, Yui Aoi's popularity increased further as she was chosen as the 10th "Rehouse Girl" for Japanese real estate company Mitsui Rehouse. Other actresses who gained popularity through Mitsui Rehouse commercials include Rie Miyazawa, Chizuru Ikewaki, and Kaho."
-http://asianwiki.com/Yu_Aoi
Kitam? Bata pa itong si Yu ay namulat na sa pagarte. sa katunayan, sa kaniyang katagalan na sa pagarte, andami na niyang movie kung saan nakasama sya bilang cast.38 MOVIES! Bukod pa ang TV shows.
MUNETAKA AOKI
Isa ito sa mga paborito ko. Yung karakter ni Sanosuke sa Rurouni, ay dabest. Osaka,Japan, March 14, 1980. Naging isa rin siya sa cast ng Battle Royale II
Marami silang cast. Pero, as for now, sila yung favorite cast ko sa movie. Gusto ko lang naman ishare ang movie na ito sapagkat napakaganda. Maaari mang may patayan, may violence, pero, kung didibdibing mabuti, talagang may aral na matututunan. Kayo na humusga kung ano yun. Panoorin niyo nalang. Ang Rating ko, 9 out of 10. Please watch this movie! :)
"A sword is a weapon. Whatever pretty names you give it, swordsmanship is a way to kill."
No comments:
Post a Comment