What is Love?

Medyo luma na itong pick-up na ito pero share ko na din.

" Love for a historian is a BATTLE.
Love for a mathematician is a PROBLEM
Love for a chemist is a REACTION
Love for me... is you."
          
          Ano nga ba ang pagibig para sa ating lahat? Maraming mga nagsasabing, walang makakapagpaliwanag sa pagibig.Meron namang iba, na ang Diyos ang pagibig. Meron namang naniniwala na "love is in the air". May mga naniniwala ke Kupido. May mga nagsasabi namang ang pagibig ay nasa puso ng maraming mga tao. Meron naman, nasa hypothalamus daw. Iba't iba ang mga spekulasyon kung Ano, at Nasaan ang Pagibig. maraming mga chika ang kumakalat na ang pagibig daw, parang drugs, masarap sa una, ikamamatay mo lang din naman sa huli. Iba iba. Kahit saang dako ka ng mundo pumunta. Iisa lang naman ang kahulugan ng pagibig sa bawat isa. Kahit na sabihin na nating nakikita mo ang pagibig as a Passionate Love, o kaya nama'y Romantic Love, o kaya nama'y Truthful Love, Giving Love, Selfish Love, Belgian Chocolate, Vanilla Ice Cream o kung ano mang flavor meron ang pagibig. Iisa lang naman. Kung totoo ang nararamdaman mo sa tao, malalaman mo. What is Love? Kapag natuto kang umibig ng totoo, masasabi mo sa sarili mo na, "Ah, Ganoon pala ang pagibig," Hindi mo kasi basta basta masasabi na totoong pagibig na ang nararamdaman mo ee. Minsan, habol mo ang "sex". Minsan, pera. Minsan, yung ganda, na later on ay pagsasawaan mo. Pero kapag natutunan mo ang magmahal ng totoo. Magiging masarap na ang pagibig. Kahit na anong delubyo pa ang maghiwalay sa inyong dalawa ng mahal mo, mamahalin at mamahalin niyo parin ang isa't isa. Kahit na anong relihiyon pa ang maghiwalay sa inyo, gagawa at gagawa kayo ng paraan para makapagsama dahil mahal niyo ang isa't isa. Love. Four letters, One simple word but complicated meaning. Kung titingnan mo ang websters dictionary, search mo ang LOVE then basahin mo,kahit na may specific meaning yan, hindi mo parin maipapaliwanag iyon. Kahit na sabihin na natin na ang pakiramdam ng love ay nagmumula sa isang chorbalu na nirelease ni eklabu para mapunta sa chuba at makaramdam ka ng sinasabi nilang LOVE. Love is still complicated. Tingnan niyo ang ilang mga interview sa mga artista, kapag tinatanong sila, " What is love for you?" Di ba laging me " for you" ? Ibigsabihin niyan, walangsinumang katuhan ang makakapagpaliwanag ng nararamdaman ng isang tao sa isa pa. Ganun lang naman kasimple.What is love for you? Ang galing nga ee, Maraming nairereveal ang love na natatago sa ating pagkatao, What do I mean? For example... May GF ako, and I want her to stay with me ALWAYS( As in, pati sa pagdumi e kasama) for the sake of love. See! Nandahil sa pagibig, naibulgar mo sa tao na GREEDY ka. Another one, I want my gf to make love in bed(yung tipong magpaakamatay ka para lang mangyari un). Kitam! That means,na wala kang galang sa babae at sa pagkababae niya. Kita niyo na. Napakahiwaga ng pagibig. Umay na kayo ano? Ganyan talaga kapag umiibig. Wala kang pakialam kung anong sabihin ng tao sayo. Dahil alam mong lumulutang ka sa karagatan ng buhay at lumalanghap ka ng Pagibig na nasa Hangin. Wala kang pakialam basta mailabas mo lang ang sayang nararamdaman mo. Yan ang Pagibig. Love. Koi,Amare,Cinta, Amar, LOVE. Iba't ibang lengwahe, iba't ibang konspeto. Iba't ibang pananaw, Iba't ibang pagtingin. Saan man tayo magpunta, Nasa atin ang kasagutan.  Ngayon,Ano nga ba ang Pagibig para sa'yo?

No comments:

Post a Comment