Sa ngayon, ayoko munang magpakamakata o manunulat. Ayoko munang maging isang ParuParong lumilipad ang utak kung saan. Sa ngayon, gusto kong maging ako. Kasi siguro, sa buong 15 na taon kong pamumuhay, hindi pa yata ako nagpapakatotoo sa sarili ko. Para bang ipinanganak akong nakamaskara? Na takot itago ang totoong pagkatao kasi natatakot, nababalisa. Pilit tinatago ang mga nasa isip at ang nasa puso. Hindi lang naman ako ang kaisa isang taong nakamaskara e. Alam kong sa bawat taong naninirahan sa mundo, may takot ding nadarama sa tuwing gustong iparating ang nararamdaman. Torpe, Protective, at Self-Centered. Kaya minsan, ang madalas na nagtatagumpay ay ang mga makakapal ang mukha. Grab ng grab ng oppotunities, Take ng Take ng risk. Kahit na masaktan, diretso lang. Kasi tao ka, nasasaktan ka talaga. Diyan pumapatak ang Protective. Minsan naman, Natatakot na baka may magbago, Pinapatungan ang dila ng takot kaya hindi masabi ang totoong nararamdaman. Torpe. Yung iba naman, sarili lang ang iniisip. Kung may naiisip na maganda, kung may gustong sabihin, sinasarili. Self-Centered. Ewan ko. Hindi ko alam. Pero sa buong buhay ako. Ako yata ang tatlong ito. Kung mag-rereflect man ako sa mga pinagdaanan ko, lagi nalang akong natatakot, at lagi ko na lamang sinasarili ang problema. Kaya hindi ako makausad eh. Gusto ko mang maglakad kasama ka, hindi ko magawa kasi nga may pumipigil sakin. Problema, Pressure, atbp. Sa totoo lang, kung pagsasama samahin mo sila, isa lang ang patutunguhan nito. Takot. Napakaduwag ko. Sa sobrang takot ko, hindi ko masabi ang mga nararamdaman ko,hindi ko magawa ang gusto ko, dahil pinangungunahan ako ng Takot. At dahil sa pagiging makasarili, dinaramdam ko ang bawat pangyayari sa buhay ko. Na nagiging kadahilanan ng pagiging marupok ng puso ko. Konting sundot, luha, damdam. Parang papaya lang. Kahit na sabihing isa ako sa mga taong malaki ang potential, Paano ko madedevelop yun kung Duwag ako? Napakaraming tao ang nagsasabi nito. Malaki ang potential ko. Na parang isang batong naghihintay na mapolish hanggang sa maging isang kumikinang na dyamante. Nandahil yan sa Takot. Tanga ko no? Pinapaharipan ko lang ang sarili ko. Pero ganito talaga e. Duwag ako. Kaya naman kung natorpe ako sa'yo, gusto ko lang sana sabihing Mahal kita. Kung naging madamot naman ako, gusto kong ibigay itong nasasa akin ngayon para lang makabawi sayo. Kung naging protective man ako at pinigilan kang umusad, Sige na, You may go. Kung maibabalik ko nga lang sana ang oras, aayusin ko lahat ng gusot at butas ng buhay ko. Para naman kahit papaano, kahit may kaunting mantsa o gusot, maisusuot ko ang pagkataong nasasaakin ngayon. Lubos akong nagpapasalamat dahil nagkaroon ka ng oras basahin ang pagdadrama ko. Dahil kung wala ka, baka ang blog na ito ay isang malaking "Nganga" sa site nato. Hindi man agad agad, pero masasabi kong makikilala ko ang sarili ko at unti unti kong maaalis ang maskarang nagkukubli sa mga ngiting sana'y naibahagi ko sa iba. Na sa pagdating ng panahon, Torpe man ang kaibigan mo, masabi ko sa'yo na mahal kita.
No comments:
Post a Comment