Unrequited Love

Aminin na natin. Halos lahat tayo nagkaroon na ng ganitong uri ng pagibig. Yung bang, tayo ang maguumpisa, tayo rin ang tatapos. Mapalalake man o babae, hindi tayo immune dito.Pero kadalasan, mga lalaki ang biktima. Bago ko simulan ang blog entry na ito, gusto ko lang sabihin sa inyo na, ako ay nagsasalita sa lahat. Bilang isang lalake, ito ang nakikita ko sa kapaligiran.Kaya sa ngayon, ako ang boses ng mga kapwa ko lalake. 
Sa mundong ito, pantay pantay lang ang mga lalake at babae. Kung nasasaktan kayo dahil niloko kayo ng mga kasintahan niyo, kami naman, nasasaktan habang kayo ay umiiyak. Kung kayo ay naiipit sa paghihigpit ng mga magulang niyo, pwes pareho lang tayo. Kung may monthly period kayo, kami, er, nakaranas din kami ng paghabangbuhay na sakit. Pare pareho lang naman e. Kung may pagkukulang kayo, kami ang pupuno, at kung may pagkukulang ka, kami ang pupuno. Kaya nga meron Adan at Eba diba? Hindi ko sinasabing hindi nageexist ang mga kapatid nating lesbian at mga gay. It's there choice naman eh, basta wala silang ginagawang nakalalabag sa utos ng Diyos. Pero anyway,Katulad nga ng sinabi ko. Pantay pantay lang. Kung nasasaktan kayo, pwes lalo na kami. 
Namumuhay kayo bilang tao sa mundong ito. Bilang tao, nakaprogram sa atin ang iba't ibang emosyon. Bilang tao, we were meant to be hurt. Totoo yun. Wala pa akong nakitang tao na hindi nsaktan sa buong buhay niya. Physically,Mentally,Socially and Spiritually. At parte na ng buhay natin ang pagiilusyon, pangangarap at pag seset ng goal. Nasanay na tayo ng nagseset ng hopes and wants. At minsan, napapahalo na ang hopes at WANTS sa pagibig.
"Gusto ko siya.", "Sana ako nalang." ,"Akin ka nalang." , "Siomai ka ba?" Tapete. Eto yung mga linyang madalas naming ginagamit sa panliligaw. Aminin niyo girls, Baduy no? Pero ang pagiging baduy ay isa sa mga kinakikiligan niyong parte ng panliligaw dahil nagsisilbi itong "pagpapacute " ng mga lalake sa inyo. Flowers, Chocolate, Siomai, Noodles, Ford Mustang, House and Lot, Sapatos, at etcetera etcetera. Ito naman yung mga madalas binibigay habang nanliligaw. Impressive? Eh kung maghatak pa yang ng daan daang tao para lang sabihin sayong mahal ka niya? Galeng! Ano impression  mo? NGANGA! Nasaktan si Boy. Boom.
That's Unrequited Love. Ikaw ang nagsimula, ikaw ang nagtapos. Kaya maraming suicide cases ng mga lalake e. Sa totoo lang, karamihan dito ay dahil basted sila. Hindi ko sinasabing sagutin niyo lahat ng mga manliligaw sa inyo. Pero, ano ba naman yung Thank you di ba? Hindi yung, "Sorry." at ang masaklap pa, " I'm Taken." Saka kung alam mo namang maraming nakakakita sa inyo at naghihintay ng sagot mo, at kung alam mong HINDI ang sagot mo, wag mo namang sabihin sa harap ng maraming tao. Kausapin mo ng pribado. Sa una, Oo, masasaktan yan, pero dahan dahan yang makakarecover kung hindi mo binigla. Kung nag eeffort siya sayo, Sincere lang na Thank you, okay na. Kasi kaming mga lalake, ang tendency ng mga yan, maging tanga. Pero ganan minsan ang buhay eh. Sumasaya ka sa pagiging tanga , pero at the end, tayo ang nasasaktan. Hindi malandi ang babaeng kayang makipagusap ng isang normal na konbersasyon sa kaniyang manliligaw. " Ano ba naman yan, di pa nga niya sinasagot, nilalandi na. " Just be yourself dahil naappreciate namin yung kahit ituring niyo kaming tao. Hindi taong grasa. Lalapit lang, lalayo na. Kung from the start ay ayaw mo talaga sa kaniya, sabihin mo ng ayos. Tapete, Hindi yung " Umalis ka na nga! Ayoko sa'yo! That's it!" Wow. Para mo na siyang pinatay.Kung gaano kayo nasasaktan dahl sa panloloko ng IBANG lalaki, mas nasasaktan kami sa mga IBANG babae na grabe kung makapanlait ng manliligaw. Kung ayaw niyong gawin sa inyo, wag niyong gawin sa iba. Magpakatao naman. Uso pa yun. Treat them as a friend kung ayaw mo siyang sagutin. Oo, nawalan siya ng nililigawan, pero the both of you won a friend. Unrequited Love man, pero the efforts paid off dahil nagkaroon naman siya ng kaibigan. " Kailan mo ba ako sasagutin?" " Kahit kailan, hindi kita sasagutin." "Bakit naman?" " Dahil ayokong maging boyfriend ang lalaking naging kasama ko sa tuwing magisa ako, mas gusto siyang maging kaibigan."

No comments:

Post a Comment