Meo Patre

            Ating balikan ang mga pinagaralan natin sa eskwela, paano ka nabuo? Paano ka nabuhay sa mundong ito? A. Tumubo sa Lupa? B. Iniluwal ng Pusa? C. Sumulpot na lamang bigla? o D. None of above? Bobo mo naman kung hindi mo pa masagot. Syempre A! Maniwala ka at sa hindi, tumubo tayo sa lupa. Bakit? Unang una, kung tayo ay halaman, ibigsabihin, may nagtanim. Sino ang nagtanim? Ang ating mga magulang. Pangalawa, ang pagtatanim. at pangatlo, ang pangangalaga. Maging specific tayo, dahil pinadiriwang natin ang Araw ng mga Ama, Amaamahan, Papa, Tatay, Papsy, Pops etcetera etcetera, Magfofocus tayo sa ating mga ama na nagbubuhat ng tubig para tayo'y diligan, nagdadala ng mga sako ng pataba at nagtatayo ng ating mga tahanan para hindi tayo mapahamak ng mga hayop sa syodad.
Ang ating Ama. Define Ama. Walang perfect definition ang pagiging Ama dahil kung ang tao ay may iba't ibang uri, malamang , ang mga tatay din natin ay hindi generic. Wala yata akong nakitang ama na katulad ni Miyo sa Ina Kapatid Anak, o kung meron man, Bihira! Kung ano sila, yun ang depinisyon ng kanilang pagiging Ama. Kung paano nila tayo tratuhin bilang mga anak, iyon ang depinisyon ng kanilang pagiging Ama. Kung sobrang sungit niya sa inyo at wala nang inatupag kundi ang magayos ng tricycle niyo, ay humanda kayo, meron pala kayong step bro/sis na tricycle. Kung nagtatrabaho ng maigi ang inyong ama at nagkakaroon parin ng oras sa inyo, Congrats! Sa dinamidaming pwedeng maging Ama niyo, sa kaniya kayo napatapat. Pasalamat kayo! Hindi yung, Kulay Puti na Iphone ang nabigay sa inyo, eh nagmumukmok na kayo dahil ayaw niyo ng puti, gusto niyo ng black. Magpasalamat kayo na kahit masungit yan, nagkakaroon parin kayo ng oras para kumain ng sama sama. Hindi yung maghapon magdamag, nasa kanto, o nasa bilyaran. Magpasalamat kayo sa inyong tatay na wala mang berbal na pagsuporta, ay nanatiling tahimik ang isinasapuso na lamang ang pagsuporta dahil alam niyang ayaw nilang makaistorbo. Mabuti na yun kesa harapharapang sirain ang mga pangarap mo. Magpasalamat ka sa tatay mong walang ginawa kundi magsermon, dahil aminin mo man o hindi, natututo ka ng unti unti upang harapin ang magiging buhay mo kapag nawala sila. Sa totoo lang, ayokong magpaka baduy ngayong Araw ng mga Ama, pero, sa buong isang taon, ni hindi yata ako nakapagpsalamat sa aking ama na walang ginawa kundi magpaprint, mag pacheck ng kaniyang laptop, tingnan ang kaniyang bagong cellphone, magbasa, manood, matulog, umutot, kumain, magtabas, magtanim at magkwento na nang magkwento tunkol sa penoy na hinati pa sa apat para lamang magkasya sa kanilang hapunan. Nakakatawa pero ni isa, wala akong narinig diyan na, "Go anak, Kaya mo yan." At doon, nagpapasalamat ako dahil nakaya kong gumawa ng mga bagay na hindi ko kinailangan ng tulong. Hindi naman sa hindi ko kinailangan, pero sa buong pagpasok ko sa school, naging pagkain ko na ata ang independence ko. Natuto akong gumawa ng assignments at projects magisa dahil sa pananahimik niya sa isang tabi, natuto akong maging independent. Hindi man ako yung ideal anak para kaniya, yung malaki ang katawan, sporty, matalino at malakas ang common sense, alam kong tanggap nya lahat ng mga tabang ito na naipon sa kakaharap sa computer. Baduy na ba 'tay? Isang salita lang para sa inyo nang matapos na. "Salamat." 
HAPPY FATHER'S DAY SA MGA TATAY NIYO! (at sa tatay ko rin. ;))

No comments:

Post a Comment