Gusto ko lang sanang mag reminisce muna kayo kahit konti. Gusto kong isipin niyo kung anong mga laro ang inyo nang nausubukan noong kayo ay mga bata pa lamang. Tumbang Preso? Luksong Baka? Luksong tinik? atbp. Gusto ko muna kayong magdrama at alalahanin lahat ng mga bagay at mga pangyayari noon, kung saan wala pang internet, wala pang mga gadgets na nagsisimula sa "i" , kung saan ang chocolate shake ay kinakalog at hindi biniblend, kung saan ang mga libro ay isang dankal ang kapal at hindi ilang sentimetro lang at kung saan sinisigawan kayo ng inyong mga ama't ina tuwing hapon na umuwi na dahil hapon na. Siguro, napagtanto niyo sa mga sarili niyo na talagang tumanda kayo ng todo. Siguro, Sa mga alaalang iyon, ay namiss niyo ang magtatakbo sa magabok na lansangan. Sige lang! Go! Kaso baka akalaing kayo ay snatcher o kung ano man. Mabilis ang panahon. Totoo yan. Lalo pa't sa paglaki natin, nagpapatong patong na ang mga responsibilidad na nagpapalimot sa atin na may oras na pilit tumatakbo kahit na marami tayong problema. Di ba? Tama naman e. Gusto nating tumigiil ang oras. Minsan nga, gusto pa nating ibalik ang oras e. Pero hindi pwede. Pilit yang tumitiktak. Ang oras ay walang hanggan. Kahit sabihin natin may KATAPUSAN. Oras yan! Noong ginawa ng Diyos ang mundo. Di ba , may mga DAYS DAYS na? Day1 , Day 2, Day, 3. Sa kaso nga lang natin, Nagumpisa ang oras natin noong Day 1 natin sa mundo. Pagkaraan ng Day 1, padagdag yan ng padagdag hanggang dumaan tayo sa pagkabata. Sa pagkabata natin.. dito natin nararanasan ang pinakamasasayang araw ng buhay natin. Kung sa ating paglaki, naranasan natin ang sagutin ng nililigawan, ang manalo sa raffle o makita sa tv, pwes wala yan sa mga naranasan natin noong tayo ay mga bata pa lamang. Masaya naman talaga diba? Aminin niyo, Mas gusto niyong bumalik ng pagkabata dahil sa mga rasong ito: Mahirap ang magaral, Sinasaktan ng BF/GF, Social Problems, Financial Problems, at iba pa. Kaya natin gustong bumalik sa panahong yun, dahil gusto nating tumakas sa problema. Dahil alam na natin, na sa tuwing maglalaro tayo, kakain ng amos-amos, magbabahay-bahayan, kakain ng nectar ng santan at magluluto gamit ang niyog at mga punit punit na gumamela, wala tayong pakialam sa mundo. Noong bata ako, hapon hapon kami lagi sa labas. Pag kumpleto na ang magpipinsan, hanap ng kanya kanyang tsinelas. Yung iba, madaya, ang gamit nilang tsinelas ay yung Rambo? Yung matigas lalo na kung luma na? Yun! Tapos ako naman, dahil mataba, mabagal, kaging buro o laging talo,laging taya. Non-stop yun. Mga 1 and a half hour. Tapos pagkatapos nun, marami nang mga inahing manok ang titilaok, " 'Utoy! Uwi na! Hapon na!"At sa moment na pauwi na ako, may isang bagay akong hindi ko maiwasang tingnan. Ito ay ang aking mga paa. Sa tuwing makikita ko kasi ang aking mga paa na marurumi, hindi ako nandidiri. I take pride on it. Bakit? Kasi alam ko sa sarili ko na nag-enjoy talaga ako na hindi ko na napansin na sobrang dumi ko na talaga.Ang mga paang ito ang tila nagiging indikasyon na hinubog ako ng simpleng pamumuhay. Minalas lang talaga ako at naririto ako ngayon, kaharap ang laptop at nagsusulat ng mga opinyon sa kung anoano at hindi sa isang notebook at ballpen. Inabutan lang talaga ako ng panahong ito kung saan nakukuha ang taba sa pag-upo, hindi sa pagkain. Kaya nga gusto kong isipin niyo muli ang mga alaala noong bata pa kayo e. Kasi alam kong napakamemorable nito sa inyo. At alam ko, sa oras na ito, napangiti ko kayo kahit konti. At alam ko rin, na sa pag mumuni muni niyo, nakita niyo ang inyong mga paang marurumi. Ang mga paang noo'y nagdala sa inyo sa kasiyahan. Ang mga paang hinayaan kayong malimutan lahat ng problema na umiikot sa inyong mundo simula pa lamang na kayo'y ipinanganak hanggang sa pagkabata. :)
No comments:
Post a Comment