
BER Months na!

LOL, Share lang..
Ang drama drama ng paglalakad ko kanina sa Ulan. Tinetesting ko kasi yung bagong ayos kong sapatos na dati'y pinapasok ng tubig, ngayo'y kaunti na lamang. Habang ako'y naglalakad, pare, grabe, ang sabi ko sa sarili ko. Ngayon, as in ngayong oras na ito, magaaral ako, magiging enthusiastic sa paggagawa ng blogs at maiikling kwento. Pero, ang nangyare, naubos lang kakaayos ng theme nito. Bwiset. XD
Career Week Celebration (Blog)
Pusang Ligaw. (Blog)
Nasa school ako noon,kasama kasi ako sa student council ng high school. CLSO ang tawag. Nadoon kami para mag assist ng Leadership training ng mga Officers ng bawat klase ng highschool. So, here we go, talagang enthusiasticaly o kung ano mang spelling nun ay ginawanamin part namin. Me, As the Photographer, Kasama din kasi ako sa Staff ng School Paper namin kaya ako ang ginawang Official Photographer dahil member din ako ng Photography club, nag picture picture ako. Nakakahiya nga minsan ee, sila, buhat ng buhat ng kung anu ano pero ako, taga kuha lang ng litrato nila. Pero natulong din naman ako, nakakahiya kaya! Anyway, ganito ang nangyari, nagbreak muna kami ng mga kasama ko. Lone wolf kasi ako lagi kaya lumabas na ako ng mabilis at kumain sa labas ng school. May series kasi ng tindahan sa tapat ng school kaya naman mabilis lang ang pagpunta doon. Ang natatandaan ko pa noon, ang kinain ko lang ay burger kasi nagtitipid ako. Burger at Sampung pisong RedTea na nasa plastik.Kumain ako. Then pagkatapos nun, hindi muna ako bumalik, nagmuni muni muna ako sa loob ng tindahan kasi parang super mini kainan yun kaya may dalawang choice ka pag naorder, Dine in? or Take out? Habang tulala ako sa kawalan, dumating ang dalawa kong kasama sa CLSO. Kaya medyo napatagal ako sa pagupo dahil hinihintay ko silang matapos. Ang tagal naman kasi. At mga ilang minuto pa, finaly, natapos sila. Mas matagal pa kasi ang luto sa kain. So, bumalik na kami, pero bago kami nakapasok, may nakita kaming KUTING na nasa gitna ng daan! As in, seriously, walang dramang halo, nasa gitna talaga ng daan. Papalabas yung kuting sa may gate na dinadaanan ng sasakyan. Mukhang bulag pa ata ang isang mata. Noong una, nagdadalawang isip kaming kuhanin pero nauna na yung taga Tanod na kuhanin ang kuting at itabi sa may guard house malapit sa may gate. ( Noramally naman kasing nasa may gate ang guard house. ) Naisip namin na magiging safe siya, pero hindi ee, hindi naman inintindi ng mga guard kaya ako'y nagdesisyon na na dalhin sa gym namin. Kasi napansin ko dati na ang karamihan ng mga pusa ay nanggagaling sa Gym kaya dun ko gustong dalhin. So, dinala ko. Kinuha ko yung panyo kasi nangangalmot, tapos ang ginawa ko ee parang duyan style ng pagbitbit. Pag dating ko sa gym, dun rin kasi ang Leadership training, Nilagay ko siya sa backstage. Katulong ko yung 2nd year na CLSO din sa paghahanap ng maayos na pwesto kung saan pwede namin siyang iwan.So dun na nga, Ang sabi ko, Total, ang assignent naman namin sa Photography Club ay kumuha ng litrato ng animals, Yan! Yang pusa sa itaas ang pusa na nakita ko. At alam mo ba ang nangyari pagkatapos ko siyang picturan? Hinahabol niya ako. As in. Kung pwede ko lang siyang dalhin. Pero hindi e, kaya iniwan ko nalang siya. Ngiyaw siya ng ngiyaw na parang may hinahanap. Halos pakinig nga yung ngiyaw niya sa buong gym habang nag oorient si Sir. Ang nakakalunkot pang isipin, nung balikan ko siya nung Lunes, Sabado ko kasi siya nakita, Wala na yung mga ngiyaw niya. Naglaho sa kadiliman ng pagiisa.
Profile Pic (MK)
" Pare! PaFacebook sa Tab ha. "
"Sigo lang bro, "
Nadito ako sa bahay ng katropa ko. May hangout, over night.. pero hindi kami naglasing, nag rockband lang kami magdamag. Bad daw ang alak. Kaya nadito ako ngayon, nakahiga sa kama habang nagTaTab. NagFeFaceBook. Maopen nga ang notifs.
//* Rose Ann Mira sent you a--*\\ "Naah, Wulang kwenta to. "
//* Gilbert Sarosa posted in--*\\ "Pake ko naman diyan, wala naman akong contribution sa group."
"Etoo, Mukhang may kwenta na ito. "
//" Santi Cruz suggested Valerie De Guzman to be your friend"\\ "Ha? Sino naman kaya itong babaeng to? "
" SANTII! Sino itong sinuggest mong babae?" tanong ko
"Ah! Nga pala, Maganda yan pare! Nakoo! Grabe! Mas maganda pa siya kina Yuna, Lightning , Tifa at iba pang Gaming Hotties! Tingnan mo Profile Pic niyan pati yung ibang pics niya. Eto, Root Beer muna tayo " Sabay bato sa akin ng isang Can ng Root Beer.
" Sigurado ka ha? Ibabato ko pabalik ito sa mukha mo kapag hindi. XD" banta ko.
" Gooo. " Uminom siya ng RootBeer na parang uhaw na uhaw.
Kaya, inopen ko. Pagkaclick ko sa pangalan niya. Mukha palang dre. Mukha palang ang nakikita ko!! Muntik ko nang malagok ang buong can sa sobrang uhaw! Grabe. Grabeng Grabe.
" Pare..Pare...Pare...ANSARAP! ANSARAP NG ROOT BEER PRE!! IKASA MO NGA! " umapir ako, umapir din siya.
" Shhht, Ampagkaganda nito." sambit ko.
" Ehh di ligawan mo! " pagbibiro niya.
" LILIGAWAN KO TALAGA TO! XD" Tumawa naman si Santi at yung magkambal na si David at Gol. Akala nila nagbibiro ako, pero hindi. Nainlove na ako. Love at first sight dre. Parang tinamaan ako ng pana ni Kupido..VIA INTERNET! Shhht.
"HAHAHAHAHAHA!" tawa ni Santi
"HAHAHAHAHAHAH! " tawa ni David
"HOHOHOHOHO!" tawa ni Gol, dahil nga malaking tao siya.
" Bakit kayo tumatawa? Para kayong Troll. Pinaglloloko nio ako eeh! XD"
" NAKAKATAWA KASI YANGG BIRO MO! LILIGAWAN MO SIYA?! HAHAHAHAHA! " tawang tawa talaga tong si David. Sa pagtawa niya, muntik na niyang matapakan yung gitara na pang RockBand.
" Ha? XD Ala, Ewan ko sa inyo. XD" Hindi ko na sila inintindi. Ang ginawa ko, inadd ko na siya bilang friend. At dahil naka public ang pics niya, hinalunkat ko lahat, AS IN LAHAT. Pati mga FAILS at EPIC WINS. Lahat ng pictures, aaminin ko, NAPAKAGANDA. Kamukha ni SOLLENN, Pramiis. Halos magdamag din akong nagFaceBook.. Habang sila natutulog, binuksan ko ang WiFi at nagFaceBook. Tinititigan ang mga pictures niya na parang wala nang bukas. May Force na humihila sa akin para titigan ang pics niya, LOVE FORCE. Daig ang nasa DisneyLand, Enchanted Kingdom, sa kasiyahang nararamdaman ko. Grabe na ito. I want to meet her personally. Tapos, hindi ko nalang namalayan, nakatulog na ako, hawak hawak ang Tablet at ganun parin ang pusisyon, naka side view tapos hawak ko ang Tab with my both hands. Para akong nalasing saa sobrang kagandahan.
" Paree, Kape muna... Uminom ka ba ng Alak ng patago at nakatulog ka hawakhawak ang tablet ko? Grabe ka. " It was almost 10 o'clock when I woke up. Kaya medyo nakakasilaw habang bumabangon at tinatanggap ang kapeng mainit na nasa basong red. XD
" Nako, Pasensiya naaa, Nanonood kasi ako." pagsisinugaling ko. Ayoko kasing pagtawanan na naman nila ako.. Kaya ang sabi ko.. " Nanonood ako ng OnePiece, hinahabol ko yung latest episode mula sa simula. Ehh nakatulog ako, yan tuloy, nalowbat. Pasensiya na."
"Deeh, Okay lang yan. Umalis na nga pala yung magkambal. Hinahanap na sila. Tara, almusal na tayo." tapos kumain kami sa loob ng kwarto. Nagdala na ng pagkain si Santi. Pagkatapos kong kumain, umalis na ako para umuwi. Bakasyon ee, kaya eto, Tambay Pogi lang. XD Pagkauwi ko. Check ko agad yung FB ko, tapos ito ang nagpaganda ng araw ko
*//" Valerie DeGuzaman accepted your friend request."\\*
Eto na talaga mga Dre.. Makakapagpost na ako sa wall niya, Mappm ko na siya. Tapos magiging close kami. HAAY! X"D Makapag "Hi" nga.
" Hi. Thank You sa Aprroval. :)" tinype ko, sabay bulong ko rin sa sarili.
Ilang minuto pa ee, nilike niya! Online pala siya pero nakaOff ang settings.
" SHIT! NILIKE NIYA! " Napamura nalang ako kaya kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nasa kwarto ako pero parang nasa harapan ako ng audience at nasa taas ng stage. Kailangan ang First Move ay Ako. Dapat Swabe, "No Time for Failure James , No time for Failure"
//" Hi! I'm James , and you are Valerie I assume. Can you be my friend?"\\ Private Message ang ginawa ko. Naghintay ako ng pagkatagal tagal tapos eto, NagPm sa Chat, " Off course! Hihi. :>"
Then yun, Almost maghapon kaming magkachat, magkausap na parang close friends. Pinuri ko siya, Finlatter ko siya, KASI NGA NAINLOVE AKO SA PROFILE PIC NIYA! We ended up talking like robots kasi nakakapagod, so sabi niya, " James? DIba sabi mo malapit ka sa Ayala? Then, Why not,iif we meet personally. "
" OF COURSE! What time tomorrow? Uhhm, This is my number, " then I said my number.
" Uhhm, Mga 11 o' clock am? Lets have lunch at my fave resto. Ok? See you. Ill text you later. Byee! :*"
Then yun, Nagoff na siya. After 7 hours. Makakapagpahinga narin aako. Nabighani na ako. Nabighani na talaga ako. Ang Gandaganda niyaaaaaa.Hindi pa ako nakakapagpahinga, may nagtext na saking Unknown number, nagpakilala siya bilang si Valerie, kaya kinausap ko sabay register sa phonebook. 2 hours kaming nagkatext, kaya inihayag ko na ang nararamdaman ko sa kaniya.. Tinanong ko kung pwede manligaw, kaya, yun pumayag siya. Pero bago yun, kailangan ko muna daw siyang makita sa personal bago siya manligaw. Kaso 8 o' clock na, tapos pagod pako, kaya nagpaalam na ako. Wala narin yung unli ko. Kaya NagGoodNight ako, may kasama pang ">:)<"
The Next Day, Naligo ako ng todo, nagpabango ng tama lang , nagayos ng makapal na buhok , naghanap ng magandang pamporma tapos kumuha ng pera mula sa alkansiya kong nabubuksan. 9 o' clock pa naman kaya humanap muna ako ng Flower Shop na pwedeng pagbilhan ng magandang bulaklak. Hanap ko lang naman kasi ee kahit isang pirasong Rose na espesyal kaya nakahanap naman ako, binili ko yun. Nakarating ako sa Ayala ng mga 10:30 sa Mall, Nasa may upuan ako sa tapat ng entrance. ang sabi niya kasi kanina, " GoodMorning James, Inform ko lang sayo na naka Yellow Tee ako na may Spongebob na inprint ha? Wag mo nang sabihin yung iyo susuotin, gusto ko surprise. ^^ Ingat! take care! See you! :)"
Kaya eto, Naghihintay ako. Masasagot narin yung katanungang, "Kailan kaya kami makakapagkita. " Ang sagot, NGAYON. Wala. Emotionless ako habang naghihntay. Headset On, Music Pumpin on my Head. Inaabangan ko ang bawat taong pumapasok. May babaeng nakared polo shirt at jeans, may babaeng naka tee na blue na may Superman sa gitna, tapos yung iba naka BatMan, may iba nga na naka FLASH! tapos eto na, nakakita ako ng dalawang babaeng nakaYELLOW na TEE tapos may SPONGEBOB! Eto na siya. Kaya dahan dahan kong sinalubong yung unang babaeng pumasok. Nagabang ako malapit sa guard habang nakatitig sa mukha niyang kamukha ni Sollen. Tapos sabi ko, "Miss? Are you Ms. Valerie DeGuzman? I'm James, yung kausap mo kagabi. "
" HA?.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..Wala akong kilalang James. Sorry. You're reffering to the wrong person."
"Ohh, yeah, I'm Sorry Miss," sabay tungo ng ulo.
Grabe. Naloko ako. Akala ko siya na yun. KAMUKHA NAMAN KASI NI SOLLEN! Bv. Umupo ulit ako sa bench ng may pagaalangan pero bago ako makapaupo, may kumulbit sa likod ko. Yung babaeng naka Yellow na sumunod sa pagpasok nung unang nakaYellow na inakala ko ay siya na nga.
" Uhh, What can I do for you?.....Uhhh. Yeaah. " Tumingin ako sa mukha niya. Sa katawan niya, mula ulo hanggang paa, inexamine ko, tingingnan ko ng maigi. Nananaginip ata ako, dahil ang kaharap ko ay si Valerie DeGuzman mismo.
" HELLO! Are you James? I assume. Ikaw na talaga yan. Grabe ka makatitig ah. XD"
Natawa ako sa sarili ko. Nadaya ako. Nakakatanga. NakakBobo. NakakaGago. NAPAKATANGA KO DAHIL NAGPALOKO AKO SA ISANG BABAENG PHOTOSHOP USER! Nagmahal pala ako ng isang 13 yrs. old! SHIT! Natulala ako, tapos, may tumulo mula sa ilong ko.
" JAMES! Bakit dinudugo ang ilong mo! Teka Teka, Ito ang panyo.. " binigay niya yng panyo ng natataranta tas pinaupo na ako.
" Ano bang nangyari sayo?! Nagulat ka ano? Akala mo maganda ang kikitain mo?! HAY NAKO! Ang mga lalaki talaga! NAKAKAINIS KA!!?? IReremove Friend kita! Bahala ka sa buhay mo! Sayo na yang panyo ko!" Nagtinginan ang mga tao. Tapos ako, Hindi ako makapagsalita, As in. Hindi ko talaga kayang magsalita kapag nagugulat ng SOBRA SOBRA. Bulong ko nalang,
" Good...Byee muna. "
ANTANGA TANGA KO! TANGA TANGA TANGA! Natatawa nalang ako sa sarili ko.
Ma? Maari ba? (MK)
Isang gabing malamig. Nangangatal ang mga ngipin hindi dahil sa nagyeyelong hanging humahampas sa kanyang mukha ngunit sa galit na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Walang kibo. Walang imik. Ni-pagtawag ng kalikasa'y di niya marinig. Ang tanging naririnig niya'y ang boses ng kanyang Inang humihiyaw mula sa kalayuan. Humihiyaw sa kanyang pagbabalik.
"ANAK! BUMALIK KA NG MGA ALAS OTSO HA? MAGIINGAT KA!"
Hindi niya pinakinggan ang kanyang ina. Dali dali siyang naglakad papunta sa sasakyan ng kaniyang mga kaibigan. Dalidali siyang sumakay at hinayaan ang nagmamanehong humarurot ng napakibilis na animo'y leyong may hinahabol na hayop navkaniyang lalamunin.
"Ano ba yan! Hanggang alas Otso ka lang? Ano ka? Bata?! " sabay halakhak ng isang kaibigang mukhang lasing na.
Humalakhak rin ang iba niyang mga kasamahan sa loob ng humaharurot na sasakyan. Walang kibo, Hinayaan niyang humampas ang hangin sa kaniyang mukha. Kalong kalong ang bag na may handang panghapunan niya kung sakaling magutom siya sa daan.
"Kakain naman tayo sa pupuntahan natin aah? Bakit may dala ka pang pagkain? Mamas Boy ka pala! " humalakhak muli ang isang lalakeng hawak hawak ang bewang ng kaniyang kasintahang umuusok ang bibig.
Muli, Nanahimik siya. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi nila pero sa kalooblooban niya,nakakaramdam siya ng INIS, hindi sa kaniyang mga kaibigan ngunit sa kaniyang INA. Ang Inang lagi nalang siyang pinagsasabihan, pinagbibilinan
Ang inang ikinakahiya niya simulat sapol ng siyay napahiya nang sinubukan ng kaniyang inang lagyan ng bimpo ang likod niya habang sumasayaw sa entablado. Pinagtawanan siya ng mga batang nanonood sa kaniya. Humihiyaw ang ibang mga ka-edad niya ng kung ano anong lait tunkol sa kaniya. Ni siya daw ay garne, ganto. Napaiyak nalang siyat tumakbo sa tricycle nila sabay sigaw,
"UMUWI NA TAYO! "
Tumunog ang malakas na ingay ng musiko sa loob ng sasakyan. Nagkaroon ng kaunting sayawan sa loob ng sasakyan sapagkat anf bubong nitoy nakikita ang kalangitang punong puno ng mga bituwin. Tumayo ang lahat maliban sa kaniya. Bilang isang batang lumaki sa loob ng isang tahanan, wala siyang kalayaang lumabas ng dis oras o maglaro ng tagutaguan sa sementeryong malapit sa kanila. Isa lang siyang batang walang kamalay malay sa mundong hindi niya kinalakihan. Nagkaroon ng sayawan hanggang dumating sila sa kanilang paroroonan.
"Pare, May sorpresa kami sayo. Halika. Sumama ka samin sa loob. Mabibighani ka sa makikita mo. Saglit lamang ang pagtataklob ng iyong mata. Sandali lang to. Humanda ka na."
Nagkaroon ng kadiliman sa kaniyang paningin. Nararamdaman lang niya ang kaba sa kaniyang puso na nagresulta sa pananabik nito. Tumuloy na sila sa isang pansamantalang tahanan na.punong puno ng ilaw. Mga kabigha-bighaning pagkaayos ng lugar ng pagtanggap. Inalalayan siya paakyat ng hagdan. At sa wakas, nakaratin sila sa isang hindi kilalang amoy ng isang kwarto.
"Relaks ka lang 'tol Eto na siya"
Sa isang saglit, nakaramdam siya ng haplos. Isang haplos na nagmumula sa isang malambot at malamig na kamay. Tila nagpapahiwatig ng isang babaeng nangaakit. Naramdaman niyang umikot ito sa kaniyang paligid habang sumisigaw ang kaniyang mga kaibigan.
"WOO!! WIWIIIIT! "
Hindi na siya nagalinlangan. Inalis niya ang telang bumabalot sa kaniyang nga mata at sinubukang kumurap kurap. Iginalaw niya ang kaniyang mga bisig na para bang nangalay ito bigla. Napatungo nalang siya sa janiyang nakita. Tila gulat na gulat sa janiyang nakita. Isang babae na namang may usok sa bibig at may hawak na dalawang malaking pakete ng puting pulbos.
" Total naman, Nakatapos ka na, Maghahanap ka ng trabaho. Huwag ka nang magpakahirap pa. Eto na ang BIG BREYK mo. Ang gagawin mo lang ay dalhin ito sa ibang bansa. Napaka simple hindi ba? Kami ng bahal sa pamasahe mo papunta at pabalik. Huwag ka naring magpaalam sa iyong ina. Hindi ka naman mahal niya diba? "
Ilang segundo ang lumipas ng pagiisip,paghinga at pagtakbo ngunit hindi na siya nakapalag. Naigapos na siya. Nakatali ang kaniyang mga kamay habang ang malulupit na kamao ng kaniyang mga kaibigan ay lumapat sa kaniyang kaawa awang muka. Umiiyak, Nagdadalamhati sa kaniyang ginawang kasalanan. Naalala niya ang nga sandaling nagrebelde siya sa kaniyang ina, naglayas ngunit bumalik, pinalo at umiyak, napahiya sa gitna ng madla.
Naalala niya ang mga sinabi nito,
" Hindi kita pinaparusahan, Mahal kita"
Pagod na pagod na siya. Nararamdaman na niya ang kabog ng kaniyang dibdib mula sa mabigat na hingalo. Hilonghilona siya. Sa sobrang hina, hindi na niya naramdaman ang pasakit sa kaniya. Bumalagta nalang siya at bunagsak ang ulo niya sa malambot at malamig na unan at nakakita ng isang liwanag na nagsasabing,
"Wag kang susuko anak, May pagasa pa."
Noong gabing iyon, Dalawang kaluluwa ang naglakbay patungo sa pariroonan. Dalawang tao ang nagsipag lipad,ngunit iisa ang naiwan. Nahulog sakamang pagasa at napabulong ng may luha,
"Ma, Maari ba kitang mayakap? Namimiss na kita. "
Sapat na ba? (MK)
" Pambihira naman Gardo! Hindi ka parin makakabayad ng utang mo!? "
" Kaya nga po ako rumiripite sana ee. pangako ko po , huling huli na. Sa katapusan po."
"Sigurado ka? Ay siya sige , sana ee mapagamaot na't gumaling tatay mo."
" Salamat po! " paiyak na sinabi ni Gardo.
Nang makalabas ng bahay ni Mang Karding si Gardo , buluong bulungan ang sumalubong sa kaniya. Ang malamig na hangi'y humampas sa kaniyang mukha habang kaharap ang mga taong naglalapat ang taynga at bibig.
" Uy , Alam niyo ba? ...." " Grabe talaga no?...."
" Oo daw ee.. tapooos." " Umoovering ang dating dre. "
Dahil ipinanganak na hindi basagulero , hindi niya nalang napansin ang mga nagbubulungan madla sapagkat isa sa mga tinuro ng kaniyang ina na , " Wag kang mananakit kahit na sinasaktan ka." Kaya nama'y nagpatuloy siya. Patungo siya sa kanilang bahay upang tingnan ang kalagayan ng kaniyang ama na mahina't saktin pa. May TB daw itong si Mang Edgar , kaya siya madalas nilalayuan ng tao para iwas hawa. Pagpasok niya sa kanilang munting tahanang nakatayo sa tabing ilog , nakita niya ang tatay niyang naghihingalo at pawis na pawis habang kinakaligkig.
" TAY! Anong nangyayari!? TAY! "
"Hindi ko na kaya anak. Mukhang..mauuna na ang tatay sa'iyo. Magiinga-"
"ANO BA TAY?! SUSUKO KA NALANG BA?! Akala ko ba ikaw ang King dito sa tabing ilog?! Bakit ka susuko agad?!"
" Hindi ako sumusuko , Noon palang , lumalaban na ako. Pero mukhang ang laban na ito , ay nasa kaniyang katapusan na..*cough* *cough* , magiingat ka anak. Maraming...salamat at ako'y iyong minahal. Mauuna na ako ha? MagIingat ka. " At hindi na napigilang humagulhol ni Gardo. Ngayon lang umiyak si gardo ng ganito , bagama't dahil sa kaniyang masayahing muukha , hindi mo kagad mapapasuko si Gardo ng ganun ganun lang sa isang problema. Naging masakit ang pagkakawala ng kaniyang ama. Natatandaan niya yung mga paalala lagi ng kaniyang ama tuwing nasa ilog , nagpapahangin , "Anak , ang buhay ay parang ilog , tatandaan mo lagi na ang ilog ay may mga batong matitilos na babangga sa iyong daan papunta sa malawak na karagatan , kaya wag kang susuko , dahil kapag dumating ang bagyo , darating ang araw at sisikat sa iyo. " Napapaluha siya tuwing naalala niya ang mga katagang pagpapaalala sa kaniya. Kaya pagkatapos at pagkatapos ng babaang luksa , bumalik na siya sa dating Gardo , masaya , positibo at palangiti sa problema. Ang tanging pagkakaiba nga lang , ee , magisa nalang siya sa kanilang tahanan. Isang araw , naglalakad siya papuntang bayan upang mamili ng makakain nang may nakabangga siyang lalaking malaki ang katawan at mukhang maiinit ang ulo. Natabig niya ang malaking braso nito at sinabing , " Ay , Pasensiya na Pare. " sabay ngiti ng maayos.
"NILOLOKO MO BA AKO?! KILALA MO BA ITONG BINANGGA MO HA?!" sabay tapon sa mga pinamili sa sobrang galit.
" Hindi nga ee , Pasensiya na talaga , Hindi ko sinasadya. " sabay kamot sa ulo.
" Hindi mo sinasadya?! HA?! Patatawa tawa ka pa diyan! " Sinapak ng lalaki si Gardo. Nagtinginan naman ang mga tao na parang walang pakialam. Siguro natatakot sila dun sa lalaki.
" Pasensiya na talaga pare.. Hindi ko sinasadya. Seryoso na ako. Pasensiya na talaga. " sambit ni Gardo habang haplos haplos ang kanyang pisnging namamaga mula sa suntok.
" Walang Pasepasensiya saken! Magdurusa ka ng todo!" At sinapaksinapak ng lalaki si Gardo hanggang mawalan ng malay sa gitna ng daan . Mga ilang oras pa'y nagising siya , wala paring tumulong sa kaniya kahit na nasa gitna na siya ng daan. Bumangon siya ng hinang hina at kinuha ang sumbrerong gawa sa dayami.
"Whew , mukhang napasabak ako dun aah. HAHAHA! " napakamot nalang siya sa ulo habang tumatawa sa daan.
Pag dating sa bayan , nagtitinginan na naman ang mga tao sa kaniya , hindi dahil pinaguusapan siya , kundi dahil sa may malaking pasa siya sa pisngi. Hindi naman ang nagatubili ang isang babaeng tindera ng isda na nadaanan niya ,
" Tooy , Bakit ganan ang itsura mo? Nabugbog ka ba? "
" HAHAHA! Opo. " tumawa nalang siya.
" At talagang tumatawa ka pa niyan ha? Iulat mo kaya sa mga kinauukulan? Ay Aba! Hindi dapat ganan ang trato sa mga tao ngayon. "
"Ok lang po Ate . ' ngumiti siya ng walang alinlangan sa kalooblooban,
" SiyaSiya , Eto oh , bumili ka ng isda , bawas na ng bente pesos para sa iyo. Nakakaawa ka kasi. "
"NAKO! SALAMAT PO ATE! :))"
Nakangiti si gardong umalis sa tindahan at naghanap naman ng karne na pwede maiulam man lang. Minsan kasi siya mag karne kaya ngayon , itatrato niya namna ang sarili bilang HARI sa kaniyang munting Kastilyo.
" Pare! Karne ka dyan oh! " sigaw ng mama mula sa kalayuan kaya lumapit si Gardo.
" Kuya , Magkano po kada kilo? "
"170.Bili ka na dito."
" Ehh kuya , pwede bang bibili ako ng isang kilo pero kalhati ang bayad?"
" Nako naman tutoy , Nagbibiro ka ba? Mahi-" hindi na pinatapos ni gardo ang sinasabi ng mama
" Tutulungan ko na lang po kayong magkabenta. Pakiusap lang po. Kailangan ko lang po talaga ng isang kilo. Pangako po. Makukuha ko po yung kalhati ng 170 sa aking pagtulong sa inyo. Pakiusap lang po." seryosong sinabi ni Gardo.
" Grabe ka talaga , Eh siya sige! Total masakit narin ang likod ko , ee tulungan mo nalang ako dito." ngiting sinabi ng mama. Sa pagbayag niya , laking tuwa ni Gardo , kaya naman ginawa niya ang lahat para makabenta ng marami. Naglako na siya , sumayaw sa gitna ng daan , kumanta sa taas ng mesang pinaggagayatan ng mga baboy at baka pati na mga manok , nag alok ng ilang mga "PROMO" at sa uli , nalagpasan niya ang kotang pinangako niya , sobra sobra pa. 85 Pesos dapat ang makuha niya , pero ang kinita ng tindahan ng mama , 600 pesos sa 3 oras na pagtulong nito.
" SALAMAT TALAGA! Gusto mo bang magtrabaho dito saking tindahan iho? Malaki ang kikitain mo kung itutuloy mo lang yang ginagawa mo. Hindi sapat ang kalahating kilo ng manok , eto , tanggapin mo itong 300. Kalahati yan ng kinita natin. ;) Sa susunod , kung gusto mong tumulong , pumunta ka lang dito ha?" Masayang masaya ang mama pati na si Gardo. Umalis si Gardo upang maghanap naman ng kaunting gulay. Sa paghahanap niya , nakakita siya ng matandang babaeng isang tambakol ang mukha na nakaupo sa ilalim ng malaking payong habang nagpapaypay at nagpapahangin. Tinanong niya ito kung, "Ale , Ano pong problema?" at sinabing , " Wala kang pakialam! Bibili ka ba o hindi? "
"Ah , Opo , Opo , Magkano po ang isang bawang? Isang Sibuyas at isang balot ng paminta?"
" Bale , Bente tutoy. "
" Ah , bilihin ko na po. eto po ang bayad." binigay ni Gardo ang Bente pesos. Nang maibigay ni Gardo ang Bente pesos. Dali dali itong umalis , at pagalis niya , bakas ang ngiti sa labi ng tindera. Siguro , dahil sa Bente pesos na sinulatan niya ng , " Wag po kayong magreklamo daihl mainit , Kasing ganda po kayo ng sikat ng araw kapag ngumingiti."
Pag balik niya sa bahay niya , Kinuha niya ang mga binili nyang mga pagkain at nagsimula na siyang magluto ng kaniyang paburito, Inasal na Manok. Ang ina niya ang nagutor sa kaniyang magluto nito kaya naman alam niya na ang pasikot sikot sa kusina. Mga 2 oras din siyang nagluto. At dahil isang kilo ang nakuha niyang manok , marami din siyang nalutong Inasal kaya nagtabi siya para bukas. Tinuring niya ang sarili niya bilagn maharlikang kumakain ng Inasal. Ninamnam niya ang pagkain na para bang langit ito para sa kaniya. Napangiti nalang siya habang tinitingnan ang stik na ginamit niya pantuhog sa manok. Kinabukasan , nagbaon siya ng niluto niya at dinala sa trabaho , at dahil nga sa bayan ang trabaho niya , dadaan siya kung san dumaraan ang nanakit sa kaniya kahapon. Dalawang tuhog ng manok ang dinala niya at isang tasa ng kanin na nakabalot sa dahin ng saging. Mga ilang minuto ng paglalakad , nagkasalubong na sila ng nanakit sa kaniyang lalaki.
" IKAW NA NAMAN!? ALAM MO!? NAKAKA-" Bago pa man matapos ang sinasabi niya , nakaharap na sa kaniya ang isang tuhog ng inasal na manok sa kaniya. Tila binibigay ni Gardo ang isa para sa kaniya sabay sabing ,
" Nagluto nga pala ako , para sa'yo to. Hindi ito sigurp sapat para sa'yo , pero sana , maintindihan mo , na hindi ako lalaban kung sakaling mananakit ka pa ulit , mahal ko kung sino mang kilala ako. Tinuro ng aking ina , na Huwag mananakit pag sinasaktan , ang dapat lang daw gawin , ipagluto sila ng Inasal na Manok na may halong pagmamahal , pangunawa at pagpapatawad . Alam kong katulad din kita. Namatay ang tatay mo kasabay ng tatay mo. Sabay nagdalamhati ang ating mga ina. Ang pagkakaiba nga lang ee , nasa langit na ang aking ina , ang iyo ay nadine pa. Kung sakali bang sasaktan mo ulit ako , kakainin mo ba ito? Sapat na ba ito upang mapasaya ko ang araw mo? Kulang pa yung suntok mo sakin sa pisngi upang tapatan ang hapdi at sakit na naramdaman ko nung namatay ang tatay ko , siguro ganun din para sayo , pero sana wag ka nang malugmo pa , dahil alam ko , Sapat na ang Bente Tres na taong kapiling natin sila. Kaya kung binato ka ng bato , batuhin mo ng Inasal na Manok , baka siguro , masiyahan pa ang mga nanakit sa'yo. :)"
" Bakit mo ito ginagawa? Masaya ka dahil sinapak at binug bog kita kahapon? "
" Oo , :) Ngayon ko lang kasi naramdaman ang balat ng aking kapatid, ^^"
Masaya pala (MK)
sang araw, may nakita akong lalaki. Mukhang gutom na gutom, payat, sirasira ang damit, ang dungis dungis ng mukha tapos ika ika maglakad. Nasa simbahan ako, nagdasal ako dahil naging official photographer narin ako ng isang magazine. Nagpasalamat ako sa Panginoon, dahil nagbigay siya ng pagkakataon na magkaroon ng isang magandang trabaho. Nadaanan ko siya sa isang tabi ng simbahan, nakaupo siya, naubos na kasi ang paninda niyang Sampaguita kaya siya umupo at nagbilang ng pera. Pinagmasdan ko siya, sumakau ako sa sasakyan ko habang pinagmamasdan siya. Sa malayo, kitang kita mo na puro barya lang ang hawak niya. Palagay ko, hindi lalampas ng 100 pesos. Pagkatapos niyang magbilang, mga ilang minuto niyang tinitigan ang mga hawak niya tapos tumingin sa kahel na kalangitan, hawak hawak ang sunbrerong yari sa dayami. Hindi na ako nagtagal, binalewala ko nalang siya. Kailangan ko naring umuwi dahil panigurado na namang maghihinala ang asawa ko na may iba akong minamahal. Kaya pinaandar ko na ang sasakyang asul at bumulusok ang usok sa tambutso nito. Nakakaasar, Nakakaasar na ang asawa ko na laging nalang nagtatatalak tuwing umuuwi ako, mabuti nalang ang wala kaming anak, kung hindi, baka umiiyak lagi ang mga iho ay iha ko dahil sa takot sa.pagsisigawan namin. Tuwing gabi, hindi na kami makapaglambingan dahil ang tanong niya lang lagi ay, "Kumusta ang trabaho? Siguraduhin mo lang na may maiipon ka. " Kahhit na sabihing, sapat na ang pera para sa pagkakaroon ng anak, ayaw niya parin, Problema lang daw, saka nalang. Nakakapagpakulo ng dugo! Isa pang pinoproblema ko, Ay ang aking boss na pilit akong binibili sa kumpanyang pinasukan ko, ayaw niya akong hayaang mawala sa kmpaniya niya. Nakakainit ng ulo. Sa aking pagmamaneho, napansin ko na wala sa bulsa ko ang wallet ko. Kaya dali dali akong nagmaneho pabalik ng simbahan. Kabangkaba ako. Ayokong talakan na naman ako ng asawa ko. Kulang nalang, mamatay ako. SANA HINDI NALANG AKO NABUHAY! Ang dami daming problema sa mundo! Bakit ang init init?! Bakit laging trapik!? Bakit magulo ang bansang ito?! Ayoko na mabuhay sa mundong ito! Hinalughog ko ang buong simbahan at nakita ko ang lalaki kanina na tinititigan ko. Hawak hawak niya ang wallet ko habang tinitingnan kung anong laman. Hindi muna ako nagpakita, baka kasi may kuhann siya, kaunti lang naman ang laman nun kaya ayos lang kung sakaling may kuhanin siya. Kinuha ko ang akng kamera at sinubukang kunan ang gagawin niyang krimen. Nagbantay ako, pero hindi ang inaasahan ko ang nakita ko. Nabigla ako, dahil nalaman niyang kakaunti ang laman nito, naglagay siya ng ilang barya sa loob at nilapag ito kung san ito orihinal na nakalagay. Ngumiti siya tapos sumigaw, " Mga anak! May pang banana kyu na tayo! Whoo!! Ay,sorry po. XD " Napasigaw siya sa tuwa, kaso, napansin niya na nasa loob siya kaya siya humingi ng paumanhin sa harap ng altar. Para bang may nagbabantay nito na nakapako sa Krus. Pinatay ko ang aking kamera at kinuha ko ang aking pitaka. Nagulat talaga ako, dahil hindi lang pala barya ang nilagay niya, kundi isang maliit na porselas na gawa sa sampaguita. Mga ilang saglit, pumasok muli ang lalaki, at nakita niya ako. " Kayo po ang may-ari niyan? " sabi ng gusgusing lalako. " O-Oo. Salamat ha? Napakabait mo. Pagpalain ka ng Dyos. " sabi ko ng may ngiti sa labi. " Matagal na po akong pinagpapala ng Dyos. Kahit ho namatay ang bunso ko, Binibigyan niya parin ako ng rason para ngumiti. "
At doon ko napatunayan na Masaya pala mabuhay.
Minsan (MK)
Ang dilaw na kalangitan ay lumiligid sa lugar ng paghahawan. Tahimik at hindi maliparang uwak. Sa unang tingin, aakalain mong walang mga nakatindig na makikisig na puno sa lugar na iyon, ngunit, meron pala. Mga ilang saglit pa’y, umugong na ang mga sasakyang ginamit sa paghahakot ng torso. Ikinarga narin ang ilang mga chainsaw sa sasakyan. Dahandahang nawala ang maiingay na tahol ng mapanirang tambutso at natira na lamang ang dalawang anino sa gitna ng napanot na kagubatan.
“ Ang sabi ng ibang matatanda samin, kapag daw nakipagsalo ka ng isang inumin sa kapwa mo, magiging magkakapatid na kayo. “ paliwanag ni Kal. “ Hindi ba alak lamang ang maaring inumin? Bawal kaya sa atin yun. “ sabi ni Sado. Sa isang saglit, napangiti si Kal na para bang may balak na magugustuhan ng lahat. “ Hindi naman tayo iinom ng alak. Nakakita ako ng puno ng buko sa silangan ng gubat. Maiinom natin yung tubig nito. “ Hawak hawak na niya ang tatlong buko at inilapag sa madamong lupa. “ Sandali lang! Kukuha lamang ako ng gulok sa bahay, “ Kumaripas ng takbo si Lupi, ang pinakabata sa magkakaibigan. Lumiligid nag bilog na buwan. Pumapaspas ang mga sanga ng mga puno roon. Umuugong ang huni ng kuwago sa kalayuan. Naglalaban ang init ng siga at lamig ng hangin habang nagiintay kay Lupi.
Mga ilang saglit pa, dumating na ang bunso sa kanila. Inihanda nila ang mga iinumin. Masaya silang nakikihalubilo sa bawat isa. Walang bakas ng pagkailang ang makikita mo sa kanila. Kahit na si Sado, nagmula sa isang nakakaangat na pamilya na lumalagay malapit sa gubat kung saan nakatira ang maliit na tribo nina Lupi at Kal. Madalas tumatakas si Sado sa kanilang bahay para lamang makipaglaro sa kanila o Sumama sa pangangaso. Sa murang edad, Hindi niya iniisip kung mapagalitan siya ng mga magulang niya, ang mahalaga, maging malaya siya at makapagsaya imbis na magkulong sa kwarto, maglaro magisa, at ubusin ang maghapon sa pagaaral. Napakalupit ng tadhana para sa batang ito noon. Apat na taong gulang palang siya, ay napakahigpit na ng mga magulang nito sa kaniya. Si Sado naman, walang magawa, kaya sumusunod lagi ito sa kanila. “ Sado! Anak! Ano itong markang nakuha mo sa eksamen?” Sigaw sa Anim na taong gulang na si Sado.” Bakit po? Ako na nga po ang pinakamataas sa amin. May problema parin po ba sa marka ko? “ “ Oo! Alam mo bang kahihiyan sa pamilya natin ang magkamali ni isa sa eksamen? Ha?! Alam mo ba yun? NapakaMangmang mo! Kahihiyan ka sa pamillyang ito! “ Sinampal ng Ama si Sado na naging dahilan ng pag takbo nito pabalik sa kwarto. Umiiyak habang nagmamasid sa madilim na kalangitan mula sa gintong bintana. Pinagmamasdan ang bilog na buwan. Tila handang suntukin ito sa sobrang galit. Kumatok ang kanyang Ina .“ Sado? Anak? “ sabi nito. “ Pabayaan niyo ako! Layuan niyo ako! Kahihiyan ako hindi ba?! Hindi ba?! “ humagulhol ang bata. “ Anak, hindi sa ganoon, ay-” “Tigilan niyo na ako! Pabayaan niyo na ako!” At pagkatapos noon, tumigil na ang kaniyang Ina at hinayaan nalang na makatulog ang bata.
Alas Onse na ng gabi, kumakahol ang mga lobo mula sa kalayuan. Ang mga paniki ay lumiligid na sa kalangitan. Umuugong ang huni ng mga kuwago. Nagising ang Mapagrebeldeng Prinsipe at napansing may nangyayaring kakaiba sa gubat na malapit sa kanila. Sumilip siya sa bintana at napansing nagsasayaw ang liwanag sa gubat. Kaya naman hindi na nagdalawang isip ang bata. Tumakas siya at pinuntahan ang gubat dala lamang ang kaniyang gasera at tapang.
“ Sobrang lamig na, mukhang naliligaw na ata ako sa gubat na ito. “ Nangangatog na ang kaniyang mga tuhod. Huli na para magsisi at bumalik dahil hindi na niya alam ang daan pauwi. Mga ilang saglit pa, narinig niya ang umaangil na tunog ng lobo. Papalapit ng papalapit ito hanggang lumitaw na sila mula sa mga halaman. Mukhang gutom na gutom sila. Naglalaway , at ang iba, parang kakakain lamang dahil kumakayat pa ang dugo mula sa kanilang mga bibig. Lumapit ng dahan dahan ang paninila sa kanilang magiging sumila. Sa sobrang takot ni Sado, napapupo nalang siya matapos matakid sa nakausling bato. Sumisigaw na siya. “ Tulong! Tulong!” Nawalan na siya ng pag asa. Umiyak nalang siya sa kaniyang kinauupuan habang nagdarasal kaharap ang mga pangil na handang lumapa sa kaniyang murang balat.
“ Lumayo ka diyan!” Ang malakas na sigaw na lumamon sa katahimikan ay ikinagulat ni Sado pati na ng mga lobo. Sa sobrang takot, hindi na siya nakatayo . At sa minutong lalamunin na siya, may humila sa kaniya papalayo upang hindi siya matamaan ng lumilipad na tunod. “ Wag kang maingay, Dito ka lang. “ sabi ng isang anino sa kagubatan. Mga ilang saglit pa, “ Maari na kayong lumabas. “ sabi ng nakakatandang boses. Nakakatakot ang pangyayaring iyon sa kaniya. Kung hindi dahil sa tatlong aninong nagligtas sa kaniya, malamang, lasog lasog ang katawan niya sapagkat pinagpiyestahan na siya ng mga lobo. Dahan dahang tumayo si Sado at inaninag ang pagkakakilanlan ng tatlong aninong ito. “ Maraming salamat po! “ sabi niya. “ Ano ba namang ginagawa mo dito? Gabing gabi na. “ sabi ng isang batang mas matanda sa kaniya ng ilang taon. “ Oo nga! Teka, Gasera? Mga mayayaman lang ang mayroon niyan! Ginto pa oh! “ Nakatingin ang isang batang mas bata sa kaniya sa makintab na gasera na hawak hawak ng bata.. “ Galing po ako sa malaking bahay doon.” Itinuro niya ang kanilang mataas na bahay. “ Itay! Hindi ba yung bahay na iyon, ay ang mayari ng gubat na ito? “ Sabi ng magbibinatang bata. “ Anak, Sa atin ang gubat na ito. Iho, dito ka na magpalipas ng gabi. “ “ S-Sige po. Salamat po. “
“ Itay, Ano sa tingin niyo? Siya kaya yung anak ng pamilyang umaagaw ng gubat? “ bumulong ang binata sa kaniyang ama habang natutulog si Sado. “ Oo, Iyang bahay na iyan lamang ang ilang sa iba. “ Nagbulungan ang magama.
“ Napaka Tuso talaga ng taong yan. Mabuti na lamang at may batas na pumoprotekta satin. “
“ Sana nga po patuloy tayong protektahan ng batas na iyan. “
“ Bata! Batang Ginto! Gising na. Ihahatid na namin ikaw papalabas ng gubat. Hindi kami pwedeng makita ng mga tao sa inyo. “ Nakasimangot na sabi ng binata. “ Pero- “ “ Wala nang pero pero, Halika na. “
“ Ayaw ko pa pong bumalik! Pakiusap po! Hayaan niyo muna ako dito. Kahit isang gabi lang. Pakiusap. “ Sa sobrang pagmamakaawa, napaluhod siya sa harapan ng Magaama. “ Tatanggapin ka muna namin dito pansamantala, pero sa isang kundisyon. “
“ Sige po. “
“Kailangan mong tumulong sa amin. Sa pangangaso, pangangahoy at iba pang gawain ng tribo. Maliwanag ba yun?”
“ Maliwanag po. Salamat po talaga!”
“ Ay siya, Kumain ka na diyan. Pagkatapos mong kumain, sumama kay Lupi at Kal. Mangangaso kayo para sa tanghalian.”
Nagdaan ang oras na para bang masaya ito para sa kaniya. Naging magkakaibigan sila ni Lupi at ni Kal. Nangangaso sila na para bang naglalaro. Minsan, Nagiging paligsahan ito sa kanila .Si Kal, Nagiba ang ugali. Mula sa pagiging ignorante, naging maaalalahanin sa kasama. Ang isang araw na ipinangako ay hindi natupad, sapagkat, araw araw siyang pumupunta sa tribo ng hindi nalalaman ng kaniyang mga magulang.
“ Mga kasama, Naririto tayo ngayon,sa ating sinumpaang kagubatan, ang ating paraiso, upang ipagdiwang ang pagiging magkapatid natin. Sa oras na ito, Idinedeklara ko na Ako, Si Kal, Si Sado at si Lupi, ay opisyal nang magkakapatid! “ Itinaas ni Kal ang kanyang baso na gawa sa kawayan at sabay sabay nilang pinaguntog ang mga baso nila . Bago pa man mangyari iyon, “ Teka, alam niyo ba yung salitang “Cheers” ? Yun yung sinasabi nila kapag pinaguuntog ang mga baso nila. “ paliwanag ni Sado. “ Tsirs? Sheers? Cheers? “
“Cheers, “
“CHEERS! “ sumigaw ang lahat. Nagdiwang sila. Kumain ng ilang karne ng lobo, laman ng buko at iba pa. Si Lupi, Nagpakabusog, si Kal, Inaalala ang mga nakababatang kapatid at si Sado, patuloy na tumatawa sapagkat nakakatawa ang paraan ng pagkain ni Lupi. Isang gabing napakasaya sa kanila. Isang gabing nagpatunay na sila’y hindi lamang magkakatoto kung hindi ay magkakapatid rin.
Maraming buwan ang lumipas. Araw araw silang masaya. Masayang nangangaso, nangangahoy at iba pa. Dati rati, umuuwi siya ng malinis ang paa, pero ngayon, nagdurumi na. At kahit na nalaman na ng kaniyang Ama na nagpupunta ito sa gubat, hinahayaan nalang niya ito.
“ Papa! Saan ho kayo pupunta? “
“Lalabas lang ako. Huwag kang lalabas ng bahay ha? Bantayan mo Lola mo. Maliwanag? “
“ Opo!”
Mabilis na umalis ang kaniyang Ama. Kasama ang Tatlong Malalaking lalaki na nakaitim na may dalang maletin. “ Maglilinis tayo ng kalat. Handa na ba kayo? “
“ Yes Sir. “
“ Mabuti, tara na.”
Hindi alam ni Sado, na patagong papatayin ng kaniyang Ama at mga kasama niya ang buong tribo upang tuluyan nang mapasakaniya ang kagubatan at mapatayuan niya ng mapagkakakitaang establishimyento. Hindi niya kasi maaring angkinin ang isang kagubatan hangga’t may nakatirang mga katutubo roon. Kaya naman, ipapamukha niyang nilapa ng mga lobo ang buong tribo at dinala sa kanilang lungga upang matakluban ang gagawin niyang krimen.
“ Santiago. Bakit na naparito? “ sabi ni Amang Tiyo.Nagtinginan lahat ng tao roon. Ang mga bata ay ipinasok na sa loob ng mumunting bahay. Ang mga kalalakihan nama’y nagsihanda ng mga sandata.
“ Napaka bastos naman yata ng pagbati mo. Naririto ako para bumisita. Bumisita sa aking gubat. “
“ Anong gubat?! Sa amin ito! Kami ang nauna rito! Wala kang karapatang sabihin na pagmamayari mo ito kasi hindi naman talaga! “
“ Oo, Hindi nga ito sa akin, pero sa araw na ito, pagmamayari ko na itong lupaing ito. “ Itinutok niya ang baril sa kalangitan at pinaputok ito. At sa pagputok na iyon, tumikas ang kanilang mga tindig na animo’y makikipagpatayan para sa kanilang lupain.
“ Ibaba mo yang pumuputok na bagay na yan! “
“ Pumuputok na bagay? Itong baril na hawak ko? “ Humalakhak siya na parang nangiinsulto.
“ Ano ba yan! Ito lang? Hindi niyo alam? Papaano niyo mapapangalagaan ang inyong gubat kung hindi niyo alam kung ano ito? Paano? Pwes, Ipapakita ko sa inyo ang kahalagahan at kapangyarihan ng isang taong may hawak ng ganito. Mga alalay, Umpisahan niyo na. “ Umulan ng bala mula sa kalangitan. Ang dugo ay bumaha sa matabang lupa. Ang mga kababaihan ay nagsitakbuhan ngunit hindi nakaligtas habang si Santiago, Nasa likuran ng mga namamaril, humahalakhak.
“ Magdusa kayo! Mga palalo! “
Narinig ni Sado ang mga putukan. Ang kaniyang Impo ay nagtago na sa ilalim ng kumot sa loob ng kwarto nila. Kaya naman hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na tumakas at pumunta sa gubat dahil alam niyang doon nagmula ang putukan. Kumaripas siya ng takbo. Dala dala ang munting sandata na ginagamit niya sa pangangaso kasama ang kaniyang mga itinuring na kapatid. Isang mahabang tubo na gawa sa bakal. Isinuot niya rin ang sumbrerong nakita ni Lupi na nakasabit sa puno ng niyog. Suot suot niya rin ang bigay na kwintas ni Kal. Ang lahat ng mga bagay na iyon ay importante sa kaniya,Sa kanilang lahat. Kahit na marami nang naibigay ang tribo sa kaniya, hindi niya ito kinalimutang bayaran. Bilang ganti sa kanilang mabuting pagtanggap, Ibinahagi niya ang mga nalalaman niya tunkol sa mundo. Tinuruan niya ang mga tao kung paano magsulat at bumasa. Kahit sa mumunting paraan, tumatak sa puso ng mga katutubo si Sado.
Si Kal, bilang isa sa mga magagaling na mangangaso, ay sumugod. Hindi na siya nagisip ng taktika, sumugod nalang siya ng buong tapang at sa kasamaang palad, binawian siya ng buhay matapos tamaan ng bala sa ulo. “ Asaan ang Diyos niyo? Ha?! “ Humalakhak muli si Santiago. Hindi niya alam na pumuslit si Lupi sa likod at binabalak na patamaan ng tunod ang mga mamatay tao mula sa likod. Dahan dahan siyang gumapang sa likod ng mga makakapal na halaman. Mga ilang saglit pa, naging kritikal na ang sitwasyon sapagkat tumahimik na ang kapaligiran. Tumigil na ang pagputok ng mga nakamamatay na baril. Nararamdaman niya ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib habang lumalapat ito sa lupa. Inihanda na niya ang kaniyang pana at dahan dahang hinila ang tali na nakalagay sa dalawang dulo ng arko. Nakahanda narin ang tatlo pang tunod para sa tatlo pang katao. Tumagos ang tunod mula sa likod sa segundong pinakawalan niya ito. At pagkatapos noon, dalawang mabilis na tunod pa ang naitarak sa dalawang likod na walang depensa. Huli na nang malaman ni Santiago na wala na pala siyang kawal. Lahat sila, patay na. Natakot na ang Sakim. Tumagaktak na ang pawis sa kaniyang malinis na noo. “ Lumabas ka diyan! “ Hindi na niya nakayanan ang takot at nagbababaril na lamang kung saan niya gusto. Kung saan saan narin tumama ang mga bala nito. Hinarap na ng bata ang kaniyang takot kaya namang buong tapang na tumayo at pinaulanan ng tunod ang Sakim.
Sa huling minuto ni Santiago, Nakita ni Sado ang kanyang ama na tadtad ng mga tunod at si Lupi na may hawak na pana. Nagkamali siya ng akala. “ Lupi! Anong ginawa mo sa Tatay ko! “
“ Sado, Mali ang-”
“ Anong mali!? Mali iyang ginawa mo! Kahit a sinabi ko noon na ayaw ko sa aking Ama, Ama ko parin siya! Bakit mo kinuha ang buhay ng aking Ama?! Bakit!? Simula ngayon, Itinatakwil na kita! Kalimutan mo na ako! Kakalimutan kita. Paalam. “
Itinapon niya lahat ng mga alaala ng kanilang pagkakaibigan. Ang tubo, ang sumbrero at ang kwintas. Humagulhol ang bata sa pagkamatay ng kaniyang Ama habang tumatakbo sa masukal na kagubatan. Lumalayo sa inaakala niyang mamamatay tao na si Lupi.
“ Akala ko ba kagubatan natin ito? Akala ko ba atin ito? Akala ko ba ito ang tahanan mo? Bakit mo sinisira? Bakit? Bakit? “
“ Pinatay mo ang aking ama hindi ba? Pwes, Kaya ko ring patayin ang tanging kayamanan mo.”
“ Sado, Makinig ka sa akin, Oo, Pinatay ko ang iyong Ama, Sana mapatawad mo ako. Pero, Papakinggan mo ba ako kung sasabihin ko sa’yo ang totoo?”
Tumahimik siya habang nakatungo ang ulo. Kumpiyansa sa sarili na puro kasinungalingan lang ang maririnig nito kay Lupi.
“ Sa loob ng 25 taon ng kawalan ng kalayaan, Iniisip ko lagi kung paano ko sasabihn ang katotohanan sa iyo. Sado, Ang iyong Ama ang nanguna ng pagpatay. “
“ Si Papa?! Imposible, Narinig ko siya bago umalis papuntang gubat, Ang sabi niya, bibisitahin niya lang ito upang makita kung napapangalagaan niyo. “
“ Mali ang pagkakaintindi mo Sado. Naririnig ko magusap si Kal at si Amang Tiyo, Napaka tuso daw ng Ama mo. Tadtad ng kasakiman , katakawan sa kayamanan at kapangyarihan. “
“ Hindi! Hindi maa-”
“ Sado! Hindi ka man lang ba nagkaroon ng tiwala sa akin? Minsan tayong naging magkaibigan. Minsan tayong sinubok ng tadhana. Minsan tayong naging magkapatid. Ni Minsan ba? Sa mga oras na nakakulong ako? Hiningan mo ba ako ng pahayag tunkol sa aking nararamdaman? Wala hindi ba? Bakit hindi mo ako pagkatiwalaan? “
Umiyak si Lupi at napaluhod sa lupang dati rati’y maramong lugar. Hindi na kinaya ng binata na pigilan ang nararamdaman nito, kaya naman humagulhol na siya na parangnaghihinagpis na lobo. Naalala niya si Kal, si Amang Tiyo at ang iba pa niyang mga ka tribo.” Alam mo ba kung anong ginawa ng iyong Ama? Kung paano kawalang awang pinagbababaril ng iyong ama ang buong tribo. Mapa Bata man o Matanda. Babae o lalaki, hindi niya pinalampas. Isipin mo naman yung kalagayan ko Sado! Naulila ako ng murang edad, Walang magaalaga, magpapakain. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay marunong akong mangaso. Di tulad mo na may kamaganak pa na magsusubo ng gintong kutsara sa bibig. Sinira mo pa itong kagubatan na ito na noo’y isang paraiso para sa atin. Papaano na kung lahat ng kagubatan ay mapasaiyo? Kakalbuhin mo rin?”
Ang dalawang binata ay nagsitigil sa pagimik. Walang makapagsalita sa kanilang katahimikan. Natulog na ang Haring araw at umultaw ang liwanag ng buwan. Mga ilang minuto pa’y kumahol na ang mga lobo ng gabi.
“ Naalala mo yung oras na iniligtas ka namin , Sado? Naaalala mo yung oras na nangangaso tayo? Naaalala mo yung oras na naging magkakapatid tayo ni Kal dahil sa tubig na mula sa buko? Hindi ba minsan sa buhay mo, naging masaya ka? “
Humihibik na si Sado. Nakikita mo na ang mumunting kristal na lumalabas sa kaniyang malulunkot na mga mata. Malunkot na malunkot ang dalawang binata. Si Lupi ay halos halikan na ang lupa sa sobrang lunkot. At sa huli, napaluhod narin si Sado at napatingin sa lupa. May napansin siyang tila nakabaon dito.
“ Diyan ko nga pala ibinaon yung mga naitapon mo noon. Yung kwintas, Sombrero pati na rin yung mahabang tubo. Sana maalala mo pa. “
Natulala si Sado. Hindi niya akalain na makikita niya pa ulit ang mga bagay na bumuo sa kanilang pagkakapatiran.
“ Kung mapapatawad mo ako? Maibabalik pa ba natin ang paraisong ngayo’y nasira mo na? Para sa atin? Para sa tribo? Para sa gubat na ito?”
Takure (MK)
Sa lahat ng mga bagay na naranasan ko sa buhay, isang bagay lang ang hindi ko gustong maranasan muli, ang pagsisisi. Naalala ko noon, Isang malamig na umaga ang sumalubong sa akin noong umagang iyon. Ang hangin sa labas ng bahay ay humahampas sa mahuna naming bintana. Pumapagaspas ang mga puno sa labas habang sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin. Nagulat na lamang ako, na pati pala tubig ay umaagos sa loob ng kwarto. Pilit sumisingit sa puwang sa ilalim ng pintuan. Wala naman akong naririnig na bukas na gripo, patak ng ulan o kahit natapon na balde dahil kay Tootsie. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghanap ako ng daan palabas dahil sa bawat minuto ng aking pamamalagi sa kwarto, tumataas ang tubig. Sinubukan kong huminging tulong, ngunit wlang tumugon. Anong gagawin ko? Lahat ng lagusan papalabas sa kwarto ay nakakandado mula sa labas. Tumaas ng tumaas ang lebel ng tubig sa loob ng kwarto. Naramdaman ko na ang paborito kong kumot ay nababasa na. Malamig na rin ang pakiramdam ko sa unan sa aking ulunan. Muli, naghanap ako ng malalabasan, pero wala. Nagdasal nalang ako. Nagdasal,nagdasal,nagdasal. Hanggang umabot na ang taas ng tubig sa aking mukha. Nabasa ang buong ulo ko. Maligamgam pala ang tubig na umaagos sa kwarto. Naramdaman ko rin na parang humahampas ito sa aking mukha.Nakakapagtaka, dapat kasi lubog na ako sa tubig. Pero hindi, pakiramdam ko, pumapatak parin sa aking mukha ang tubig na dapat ay isang taib na lamang. At ditto ko nalaman na panaginip lang pala ang lahat.
“ Hoy Amiel, wala ka bang balak bumangon diyan? Gumising ka na tamad. Mahuhuli ka na sa eskwela mo. “ Iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin tuwing gigisingin na niya ako. Naiinis talaga ako sa aking ina. Tuwing umaga, ang mga mararahas niyang salita ang gumigising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Tuwing almusal, sa akin lagi ang tirang sinangag at ulo ng Tuyo. Matagal na akong nagtitimpi sa kaniya. Lahat nalangmali, lahat bawal. Kailan ko kaya mararamdaman ang tamis ng pagmamahal ng tunay na ina? Kailan? Minsan, ipinagpapasaDyos ko na lamang ang mga nangyayari. Wala akong magawa.
Ako ay nasa Ikatlong taon lamang sa Mataas na Antas ng paaralan. May mga kaibigan ako, kaaway, kalaro, kaututang dila. Pinagbubuti ko ang pagaaral ko. Sa katunayan nga, kasama ako sa unang sampu ng nakakuha ng mataas na marka para sa una hanggang ikatlong markahan. May kasintahan ako. Mga ilang buwan pa lang kami ni Ella. Mag dadalawang buwan lang. Sabi nila, hindi daw kami bagay, sabi naman ng iba, “meant-to-be” daw. Hindi ko alam. Basta alam ko, mahal ko siya.
Kung kalian kami naging Masaya ni Ella, saka naman kami pinaghihiwalay ng aking ina. “ Tigilan niyo nga yang kahibangan na iyan! Kung pinagbubuti niyo ang pagaaral niyo, hindi yung sinasayang niyo sa walang kabuluhang bagay. Ineng, sa ngayon, hindi kita matatanggap. Pasensiya na. “ sabi niya sa amin noong una kong ipinakilala ang aking kasintahan sa kaniya. Kaya naman, hindi na naming pinatagal ang aming relasyon at pinagbuti ang pagaaral.
*********
Nagaral ako ng mabuti. Isang taon ng pagaaral at masasabi kong may makakamit ako balang araw dahil sa galling at nakamit kong edukasyon. Ngunit sa pagkamit ng tagumpay, daladala ko ang mga bisyo, Alak at sigarilyo. “ Pare, tagay ka pa! “ sigaw ng kaibigan ko habang nagiinuman kami. Gabing gabi na noon. Kasama ko ang aking mga kaibigan, pati si Ella. Umiinon din siya. Daig pa nga niya ang dragon kung bumuga ng usok mula sa bibig. Naimpluwensiyahan na siya ng mga taong nasa paligid niya. Lumiligid ang mga bituin sa kalangitan. Sumasayaw ang mga hibla ng buhok ni Ella sa ihip ng hagin. Nagkakatuwaan kami sa ilalim ng buwan, kahit tiyan ay walang laman. “ Pare, kumusta naman kayo ni Ella? Graduate na tayo hindi ba? “ sabi ng isa kong kaibigan. “ Ayos lang kami. Kaso, hindi parin tanggap ni Ina ang aming relasyon, kaya patago kaming nagkikita minsan. “ sabi ko. “ Talaga? Sayang naman. Baka tumanda kayong binata at dalaga sa pagaantay ng permiso ng Ina mo. Kahit na patagalin mo pa ang pagtatago niyo, sa kasalan din naman ang tuloy niyan. Mabuti pa, unahan niyo na ang Nanay mo para masarap na ang buhay. Wala ka nang iintayin pa. “ payo niya. Nangilabot ako sa payo niyang iyon. Hindi ko na lamang pinansin dahil siguro’y lasing na siya at hindi na alam ang mga sinasabi. Tuloy-tuloy lang ang kasiyahan namin. Halos naubos na naming ang apat na plato ng Sisig sa lakas uminom ng mga kasama ko. Si Ella, lasing na rin. Hindi ko na din namalayan ang mga nangyari. Umiikot ang paningin ko. Kung anu-ano na ang mga sinasabi ko. Mga ilang saglit pa, itinayo na ako ng dalawang tao. Pumapalag ako noong una, ngunit mga ilang saglit pa, nang Maaninag ko na ang nakakaakit na mukha ni Ella, nagising nalang ako sa ibang kama, yakap ang responsibilidad na hindi ko dapat pakawalan.
“ Asan ang anak ko?! Asan si Amiel?! “ narinig ko nalang si Ina sa labas ng pintuan ng bahay ng kaibigan ko. “ Ilabas niyo siya! “ Nainis ako sa kaniya noong mga oras na iyon. Wala siyang pakundangang magiskandalo sa ibang bahay at ipahiya ako. Dali dali akong lumabas at sinabing, “ Ina, Tama na. Uuwi na ako. “
Ayaw naming ipaalam sa mga magulang naming ang nangyari at ganoon rin ako. Ipapahiya niya lang ako sa iba. Ipagkakalat na magkaka-apo na siya. Noong gabing iyon, napagdesisyunan na rin naming na magtanan. Hindi ko man alam ang tatahakin ko, pero kailangan, hindi niya ako matatanggap ng ganito kaya lalayo na lamang kami.
Pag dating ko sa bahay, sermon agad ang natanggap ko mula sa kaniya. Oo, nagkamali ako, kaya naman humingi ako ng tawad kay Ina. Pero nang sumilip na ang araw, hindi na niya ako muli nasilayan.
********
Naghanap ako ng trabaho. At sa kabutihang palad, naging janitor ako sa isang maliit na restawran. Habang tinutustusan ang pangangailangan ni Ella at ng magiging anak naming, nagsisikap ako na buhayin sila at wala akong pinagsisihan. Ayaw na ayaw ko na, pagkalabas na pagkalabas ng anak ko, ituturing niya ang buhay namin na parang impyerno. Kaya nagsumikap ako, nagtiyaga para sa pamilya ko. Nagbuwis buhay ako upang mabuhay ang anak ko. Mabuti na lamang at mabait ang boss ko. Ginawa akong Personal na katulong niya. Musikero ang boss ko. Kaya naman malaki ang demand ng pagiging personal na katulong niya sa lahat ng kaniyang gagawin. Biniyayaan ako ng mahal na Panginoon sa aking tinahak na landas.
“ Itay! “ sigaw ni Junior mula sa kalayuan. “ Tingnan niyo yung nasa telebisyon oh! Bahang baha sa Maynila! “ Nagtaka ako sa balita. Wala naming bagyo. Habagat lang naman, pero bakit napakalaki ng pinsala? “ Sira sira yung bahay! Nakakaawa naman sila. Halos 20 na daw ang namatay at marami pa ang nawawala. “ sambit ni Ella habang naghahain ng pagkain sa mesa.” Ang nakakapagalala lamang Amiel, sa lugar nina Inay iyon pati narin ang iyong Ina. Hindi ka ba nagaalala? “ pagaalala ni Ella. “ Hindi, Bakit naman? Ang masamang damo, matagal mamatay. Halika na Junior, kumain ka na.” Yaya ko sa aking anak. Habang kumakain, hindi ko mapigilang isipin si Ina. Ang lahat ng masasamang ginawa niya. Ang pagbuhos ng maligamgam na tubig, ang paglait tuwing umaga, ang patira ng kanting sinangag at ulo ng tuyo at ang pagiiskandalo sa bahay ng kaibigan ko . Sa lahat ng bagay na ginawa niya sa akin, mabibilang mo sa daliri ang mga mabubuting ginawa niya bilang Ina. “ Amiel, ang mabuti pa, pumunta tayo sa Maynila. Hindi ko pwedeng hayaan si Inay doon. “ “ Pero-“ “ Wala ng pero pero. Bukas ng umaga, iiwan muna natin si Junior kay Mang Saling. “ Nagdesisyon na agad siya. Hindi na ako nakatanggi.
“ Ella? Amiel? “ Titig sa amin ng isa kong kaibigan sa Maynila. Hinanap naming si Ina sa Evacuation Center ngunit wala siya doon. “ Anong nangyari sa inyo? Saan na kayo nakatira?“
“Mahabang kwento. Nakita mo ba si Ina?” Pagtatanong ko ng may halong pagaalala. “ Ang Ina mo? Si Aling Maria? Hindi mo na dapat siya hinanap. “ Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Lumihis ang mukha niyang pagod na pagod papunta sa malunkot na nagaalalang mukha. Nagpawis na ang ulo ko, nangangatal ang tuhod. “ Wala na siya. Bago pa man siya mamatay, Ibibigay ko sana ito sa’yo. Kaso dumating itong lintik na bagyo. Eto, galling sa iyong Ina.” Iniabot niya ang sulat na mukhang matagal tagal na naisulat ni Ina. Dahan dahan kong binuksan ang sulat.
Amiel,
Kung nasaan ka man ngayon, hindi na kita hahanapin pa. Dahil alam ko na, hindi ka magpapahanap. Wari ko’y may anak ka na raw? Mahusay iyan. Pinagmamalaki kita. Kung inaakala mo’y hindi kita matatanggap dahil may anak ka na, nagkakamali ka. Ngayon pang pinatunayan mo na ang sarili mo na kaya mo, mapapanatag na ang loob ko. Hindi ko na pahahabain pa ang liham na ito. Gusto ko lamang sabihin sa iyo na Mahal na mahal kita anak. Hindi ko na kayang iharap ang mukha ko sa’yo. Nahihiya na ako. Ang dami ko palang nagawa sa iyo na hindi mo nagugustuhan. Kung nasaktan man kita, sana mapatawad mo ako kahit na naging masama akong ina. Huwag mo akong tutularan ha? Lalong lalo na ang tatay mo. Ang gusto kong mangyari, alagaan mo ang anak niyo ni Ella. Sana naman, lumaki siyang mabuti at hind suwail na anak. Ipakita mo sa kaniya na mahal mo siya. Araw-araw, magmahalan kayo. Walang iwanan. Mahal na mahal kita anak. Paalam.
Nagmamahal,
Ang iyong Ina
Isang napakalaking pagsisisi ang naramdaman ko noong mga oras na iyon. At sa puntong iyon, bumaha ng luha sa silid ng damdamin. Doon ko nabatid na hindi pala ako nananaginip. Hindi pala ito isang panaginip na kaya akong gisingin ng maligamgam na tubig na galling sa takure ni Ina.
Ang Unang Stuffed Toy (MK)
Kuya, Kuya, Palimos po. “ sabi sa akin ng isang batang gusgusin. Isang batang babae na putikan at halos hindi na naliligo. May dala dala siyang plastik bag na sira sira. Makikita mo mula sa labas nito na naglalaman ito ng kaunting damit at pagkain. “ Asan ang mga magulang mo ineng? “
“ Wala na po siya. “
“ Nako, Pasensiya na, Natanong ko pa. Magisa ka lang nabubuhay?”
“Opo”
Napagisip isip ko na wala naman akong importanteng gagawin. Kaya niyaya ko siyang kumain sa pinakamalapit na Lomian. Isinama ko siya, at pumayag naman ang kawawang bata. Noong una, naiilang siya sa akin pero ng lumipas ang ilang oras, hinawakan niya ang kamay ko noong lumiban kami na nakakapagtaka para sa akin. Dahil nga magisa siyang nabubuhay, dapat sanay na siya lumiban sa konkretong gubat na ito. “ Kumain ka na. Sabayan mo na ako. “ Ngumiti lang siya at nagsimula nang humigop ng sabaw ng mainit na lomi ang batang babae. Ako naman, tumatakagtak parin ang pawis dahil kakatapos lang ng Fun Run. Hindi ko nga masyado nakain yung Lomi dahil nahiya na ako sa kaniya. Talagang makikita mo sa kaniya na hindi talaga siya kumain ng ilang araw sapagkat ramdam mo yung pwersa ng bawat higop niya. Nakakagutom siya kung kumain kaya naman tinuloy ko na ang pagkain ko ng Lomi. Sa bawat higop ko ng mainit na sabaw nito, naisip ko yung mga nangyari noong nakaraan. Nakita ko ang isang poster sa labas ng opisina. Ang nakasulat dito ay tunkol sa darating na Fun Run para sa kalinisan ng Manila. Ang sabi doon, Alas sais ng umaga, dapat naroon na at nakapagpalista na ng pangalan. Mahirap kasing umupo nalang sa bahay ng Linggo ng umaga, total hapon naman ako sumisimba, kaya napagdesisyonan kong kuhanin ang isang slot para sa Dalawang kilometrong takbo para sa 200 piso. Hindi naman masyadong malaki sakin ang 200 piso sapagkat ankop lang naman para sa pamumuhay ko at ng aking pamilya ang natatanggap kong sweldo mula sa pagtatrabaho ko sa opisina. Isa akong Accountant sa isang Advertising Company. Kaya naman tambak ang trabaho pag dating ng Biyernes. Total, pahinga ko naman ang Sabado, napagdesisyonan ko na sumama sa Fun Run.
“ Mark! Pinapabalik ka nga pala ni Boss. May ipapagawa daw siya sayo.”
Nakita ako ng kaibigan ko sa opisina, si Danny. “ Talaga? Grabe naman. Magpapahinga na ako. “
“ Oo, Pasalamat ka nga, bibigyan ka daw niya ng dagdag pag dating ng akinse. “ Hindi na ako nagdahilan pa. Dali dali akong pumunta sa kaniyang opisina. Bago pa man ako makarating, nadaanan ko ang aking mesa, nagmukhang itong parang mesa ng sugalan sapagkat may mga nakabunton na mga papael na mukhang mga baraha. “ Maupo ka. “ sabi ni Boss Jed pagpasok ko ng kaniyang opisina. “ Gusto ko sanang bigyang oras mo yung mga papel sa mesa mo. Mag overtime ka kasi kailangan ko yung ng umaga. Wag ka magalala. Dadagdagan ko ng kalahati ang sweldo mo sa akinse. Maliwanag? “ Tumango na lamang ako at dumeretso na sa aking mesa. Naiinis ako, kung kailan magpapahinga na ako, kung kailan na makakatulog na ako’t makakain ng maayos. Mga ilang oras pa, natapos ko ang pinapagawa sa akin. Mula alas kwatro, natapos ako ng 9 ng gabi. “ Tapos ka na? sabi ni Manong Guard. “ Oho! Salamat ho sa pagbabantay! “
Kumaway na ako at nagpaalam.
Napaka malas talaga ng gabi na iyon. Hindi na ako nagtaxi , kaya naman, nilakad ko mula oposina hanggang sa LRT dahil nga sobrang sikip ng daloy ng trapiko. Sa aking paglalakad, ang tanging dala ko lamang ay ang aking wallet at ang aking cellphone. Iniwan ko kasi ang iba kong gamit sa opisina dahil natapos ko na naman lahat ng dapat kong gawin. Naglalakad ako sa masikip na lakaran. Sa aking paglalakad, nakasalubong ko ang isang lalaking nagmamadali at sa kaniyang pagmamadali natabig niya ako. “ Sorry,” Tapos dumeretso na siya sa paglalakad. Binaliwala ko iyun. At sa wakas, nakarating na rin ako sa LRT at dumeretso sa loob, mabuti na lamang at wala akong nakasabay masyado na pasahero kaya naman ako’y nakaupo ng mapayapa at maluwag.
Sa aking pagkakaupo, naalala kong ipaalam sa aking pamilya na malapit na akong makauwi. Ayaw kasi nilang bigla na lamang akong kakatok sa bahay. Kaya naman kinapa ko ang aking cellphone sa aking bulsa, sa kasamaang palad, wala na ito. “ Tinamaan na ng lintik! “ Napasigaw na lamang ako sa sobrang inis. Nadukutan pala ako nung lalaking nakabangga ko kanina. Tumingin ang mga tao sa paligid ko. Nagtataka sila kung bakit ako napasigaw kaya naman humingi na lamang ako ng tawad sa kanila.
Sa subdivision kami nakatira ng aking pamilya. Medyo may kalayuan din ito mula sa entrance nito. Mabuti na lamang at may kaunti pa akong pera at nakahanap ako ng tricycle. Sobrang ingay ng sinakyan ko. Hindi ko nga sigurado kung talagang narinig ko ang dinaanan kong mga bahay na sumigaw ng “ Ano ba yan!” Madilim na sa daan. Tahimik na ang mga kabahayan. Halos patay na lahat ng ilaw ng mga bahay na nadaanan ko. Ang tanging nagbibigay liwanag lamang sa aking dinaanan ay ang mga ilaw sa poste at ang liwanag ng buwan. Sa wakas, nakarating na ako sa bahay ko. Tahimik ang kapaligiran. Malamig ang simoy ng hangin noong mga oras na iyon. “ Tao po! Rossally! Anak! “ Sa unang pindot ko ng doorbell, kumpiyansa ako na may magbubukas ng pinto pero ng maulit ko na ito ng mga aoat na beses, kinabahan na ako. Nagtaka na ako kung bakit walang sumasagot sa aking tawag. Halos Alas Dyis na nung nakaisip ako ng paraan para makapasok. Dahil mababa lamang ang bakod, inakyat ko ang bakod ng aming bahay at sinubukang pumasok sa bahay. “ Hoy! Anong ginagawa mo diyan!? “ Nagulat na lamang ako sa sigaw na iyon. Pagkalingon ko, nakatutok ang ilang ng flashlight sa aking mukha, mga sekyu pala ng subdivision iyon na nagiikot ikot. “ Sir! Bahay ko po ito! Wala kasi akong susi! “ Bumaba na ako. Baka kasi maulanan ako ng bala kung itutuloy ko ang pagakyat ko. “ Susi? Ang pagkakatanda ko, May naghabilin ng susi sa may guard house. Halika, sumama ka sa akin. “ Sumama na ako sa kaniya. Inabot kami ng 30 minuto ng paglalakad mula sa amin papunta sa guard house. Pagkapasok ko ng maliit na kwarto, sumambulat sa akin ang isang guwardya na hindi katangkaran at mukhang isang masayahing tao. “ Sir! Nakapasok na pala kayo! Sabi nga pala ni Ma’m na ibigay sa inyo itong susi. Nasa isang party daw po sila, sa inyong Ina na daw po sila magpapalipas ng gabi kasama ang inyong anak. “
“Pare! Sama naman ako sa Fun Run! “ Tumawag si Danny. Binulabog niya ang linggo ng umaga. “ Sama ka? Kita tayo sa M.O.A, Malapit dun yung starting point. Ok?” Bigla niya nalang binababa ang telepono. Nagalmusal ako, Naghanda ako ng kaunting pera at ng gamit pagkatapos ay dumeretso na ako sa lugar kung saan kami magkikita. Maraming tao doon. Halos karaihan ay mga makikisig ang katawan. Ang iba, pamilya ang kasama, ang iba, matatanda na. Kung iisipin, normal silang mga Pilipino. Mga Pilipinong ang ninanais ay ang maayos na kalusugan at matipunong pangangatawan. Mga Pilipinong walang inisip kundi ang sariling kapakanan. Nainis ako sa mga nakikita ko habang ako’y tumatakbo. Hindi ko nga rin napigilang huwag pagsabihan si Danny na magtapon ng pinaggamitang paper cup sa daan. Nakita ko kung paano kaignorante ang mga Pilipino ukol sa isyu ng kalikasan. Mabigat sa damdamin ko na makita ang lugar na ganito.
“ Kuya! Maraming salamat po sa pagkain. Kahit hindi niyo na po ako bigyan ng pera. Sapat na po yung pinakain niyo ako. “ Nagpsalamat ang bata sa akin na parang hindi siya naghihirap ngayon. Ngayong busog na ang tiyan at pagkatao niya , hindi mo mapapansin na gulagulanit ang damit niya dahil sa mga pagsubok na sumasabit dito. “ Teka, Sandali, Sumama ka muna sa akin. May ibibigay pa ako sa iyo. “ Naaawa talaga ako sa batang ito. Isa lang kasi siya sa mga batang naapektuhan ng kalupitan ng lungsod.
Habang kami’y naglalakad, naikwento niya sa akin ang ilan sa mga nangyari sa kaniyang buhay. Kung bakit siya nagiisa, kung bakit siya naging ulila sa buhay, at kung bakit siya pinabayaan ng kaniyang mga magulang. Si Bea, Sampung taong gulang ay dating naninirahan sa ilalim ng tulay. Ang pagkakasabi niya sa akin, 8 silang magkakapatid at pangalawa sa magkakapatid. Ang Kuya niya, Naglayas at hindi na muli nagpakita, ang apat na maliliit na batang kapatid niya ay binawian ng buhay dahil sa gutom at sakit at ang dalawa pang natitirang kapatid niya ay pinagtatrabaho dapat ng kaniyang mga magulang pero sa kasamaang palad, inabuso ng amo at pinatay. Siya nalang ang natira sa magkakapatid. Nakakalunkot mang isipin pero , Iniwanan din sila ng tatay nila. Pinabayaan sa ilalim ng tulay. Maaring tapos na ang lahat para kay Bea, pero hindi pa pala. Hindi pa tapos ang tadhanang magbira dito. Nagkasakit ang kaniyang Ina at mabilis na binawian ng buhay. Pagala gala na daw siya sa kalye. Nakakarating siya ng simbahan ng panlilimos. Nakakarating siya sa iba’t ibang lugar para lang mabuhay at mukhang ito na ang regalo ng Diyos sa kaniya, ang pagkaligtas sa pahamak. Dito ko naramdaman na mas nahihirapan pa pala siya kaysa sa akin. Hindi pala ako dapat sumuko sa lahat ng pagsubok.
“ Halika rito. Huwag kang mahiya. “ Niyaya ko si Bea papasok ng mall. “ Hindi po ba, bawal ako diyan? “ sabi niya. “ Magtiwala ka sa akin. “ Nginitian ko siya at hinawakan ko ang kamay niya. Sa aming paglalakad papunta sa mall, Pinigilan ng guwardya si Bea. “ Hephephep, Bawal ka dito. Alis! Alis! “ Tinaboy niya ang bata na parang pusang ligaw. “ Hoy! Sinong may sabi sa’yo na itaboy mo siya ng ganyan? May karapatan ka ba? Kasama ko siya. Sigurado ka bang guwardya ka? Pakisigurado naman kung totoo kang tao o hindi. Salamat! “ Sininghalan ko siya. Napakakapal ng mukha niya para sabihan ang isang walang kalaban laban na bata. Isinama ko si Bea sa isang tindahan ng punong puno ng laruan. Kung hindi niyo itatanong, ang lahat ng tao ay nagtitinginan sa amin. Tila nagtataka kung bakit mayroon akong dalang batang babae na gusgusin. “ Bea, Huwag mo nalang silang pansinin ha? Pili ka nalang ng gusto mong laruan? Ok? “ Masayang masaya si Bea sa kaniyang mga nakita. Makikita mo sa kaniyang ngiti na parang bagong bago sa kaniya ito. Ang ngiti na wari ko’y ngayon lamang nagpakita sa buong buhay niya. Mga ilang saglit pa, napatigil na lamang siya sa paghahanap ng laruan at napatitig sa isang stuff toy na kamukhang kamukha ni Dora the Explorer. “ Gusto mo ba ‘yan? “ tanong ko. “ Opo.. sana. “ sabi niya. “ Siya sige, Kukuhanin na natin iyan. “ Masayang masaya si Bea. Sa sobrang saya at sabik niya sa laruan, hindi na namin hinayaan na ilagay sa isang supot ang binili naming stuff toy. Niyakap niya ang laruan. Pagkatapos noon, humanap kami ng iba pang mapapasyalan. Pumunta kami sa Department Store,Ibinili ko siya ng ilang damit at pinaltan ko ang kaniyang plastic bag at ibinili ng totoong bag. Galing rin kami sa palaruan, tapos nanood din kami ng sine. Alas dose na ng tanghali kaya humanap naman kami ng makakainan. “ Bea? Bakit mo nga pala napili yang laruan mo? “ tanong ko. “ Kasi po, Kamukha niya po yung isa sa mga kapatid ko. Namimiss ko na po kasi siya. “ Sabi niya habang puno ng kanin ang bibig niya. “ Talaga? Mabuti nalang pala at naisama kita dito at maibili ng laruan. Kung hindi, malamang umiiyak ka ngayon dahil miss mo na sila. “
“ Oo nga po, Saka, alam niyo po, Ito po ang pinakauna kong laruan. Hindi ko po ito talaga papakawalan hanggang sa mamatay ako. “
“ Ikaw talaga! Kumain ka na nga lang! “ Napangiti naman ako sa biro niya. Marahil sa kaniyang pagkainosente kaya niya nasasabi ang mga ganoong bagay. Naging masaya ang araw na iyon para sa kaniya. Kasing liwanag ng araw ang kaligayahan at ngiti na mayroon siya ngayon. Ala Una na kaya naman kailangan ko nang umuwi at maghahanda kami para sa pagsimba namin mamaya. “ Bea, babalikan kita sa Lunes ha? Lunes ng 6 ng umaga. Ok? Ihahanap kita ng tahanan para hindi ka pagalagala. Ok lang ba? “
“ Ganito na lamang po, Hintayin niyo po ako sa Lomian na kinainan natin kanina. Kung makakapunta po ako, ibigsabihin po, Pumapayag ako, pero kung 10 po ng umaga ay wala pa ako, ibigsabihin po ay hindi ako pumapayag. “ Natawa na lamang ako at sinabing, “ Sige, Dalhin mo yang bag mo saka si.. ano bang pangalan ng laruan mo? “
“ Si Cecil po. “
“ Siya sige, Dalhin mo siya ha? Magiingat ka. “
Naghiwalay na kami. Sana hindi siya mapahamak mamayang gabi. Sana magkita pa kami ng Lunes ng umaga ng madala ko siya sa DSWD upang doon ay mapangalagaan. Ipinaalam ko kay Rossally ang mga nangyari. Naantig din ang puso niya sa mga kwento ko. Kaya pumayag siya na tulungan namin si Bea.
Hindi ako makatulog ng maayos. Marahil sa lakas ng ulan o kaya naman ay sa kasabikan sa pagkakaroon ni Bea ng bahay na matatawag niyang tahanan. Hindi ko matanto kung ano ang nararamdaman ko. Sumasabay ang patak ng ulan sa damdaming nasa loob ng aking puso. Ipinapanalangin ko na sana, maging ligtas siya ngayong gabing ito. Kinakabahan kasi ako, kumakabog ang dibdib ko sa bawat buhos ng ulan. Napakalakas ng ulan ng gabing iyon kaya naman maingay ang kapaligiran. Pumapatak ang bawat butil ng ulan sa aming bubong. Sumabay ang lamig ng kwarto sa init na nararamdaman ko sa ilalim ng kumot. Naalala ko si Bea. May kumot kaya siya ngayon? May masisilungan kaya siya ngayon?
“ Mark! Gising na! May kailangan kang malaman. “ Ginising ako ni Rossally. Naramdaman ko na ang kamay niya ay malamig at pinagpapawisan. “ Anong nangyari? “
“ Makinig ka sa balita.”
Narinig ko ang balita at ang sabi, ang ulan daw kagabi ay nagdulot ng malakas na pagbaha sa kalapit Maynila, Parang sa Rizal wari ko ang pinakaapektado. “ Si Bea, Nanganganib si Bea. “ sabi sa akin ni Rossally. Hindi na ako nagatubili pa. Nagmdali ako sa Lomian kung saan kami kumain ni Bea. Kumakabog na naman ang aking dibdib. Nawalan na ako ng oras na punasan ang pawis na nasa aking noo. Nagmaneho ako papunta sa lugar na iyon. Bahang baha sa kalsada na dinaanan ko kaya naman ang 30 minutong pagmamaneho ay inabot ng isang oras. Pagdating ko sa lugar na iyon, sarado ang tindahan. Walang tao, walang bakas na naroroon si Bea. Mga ilang saglit pa, napansin namin ang ilang mga tao na nakakumpol at wari ko’y may tinitingnan sa may isang tabi ng Manila Bay. Lumapit kami ng aking asawa pero nawalan na ako ng lakas ng loob ng lumapit pang muli. Nakita na lamang namin na lumulutang si Cecil sa bahang kalsada. Ang unang stuffed toy na palang iyon, ay ang huli niya narin.
Subscribe to:
Posts (Atom)